She gave him one last look...he seems satisfied from what they did last night. There's a smile on his lips while in deep sleep.
After observing him, she rushed into the shower without making any noise to awaken him. Mabilis din siyang nagbihis at nag-ayos ng sarili. Mahimbing parin ang tulog ni Kendrick.
Nang paalis na siya ay may bigla siyang naalala. Dinukot nya sa kanyang bag ang isang maliit na lalagyan pagkatapos ay lumapit sa bedside table kung saan naroroon ang kanyang ballpen at maliit na papel.
Sumulat siya sa papel pagkatapos ay inilagay nya iyon sa ibabaw ng unan kung saan mas madaling makikita ng binata. Ipinatong nya ang maliit na lalagyan sa ibabaw ng papel at saka umalis.
Kendrick's POV
Mula sa aking pagkakadapa ay ramdam na ramdam ko ang mainit na sikat ng araw na dumadampi sa aking balat na nagmumula sa siwang ng kurtina sa may veranda.
Inaalala ang mga nangyari kung isang panaginip lang ang lahat. Ngunit heto ako nakadapa sa isang hindi pamilyar na higaan. Andito ako sa isang silid na isang tingin mo palang malalaman mo nang isang babae ang nagmamay-ari.
Sumilay ang ngiti sa aking mga labi, iba ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ako na yata ang pinakamaswerteng lalaki sa buong mundo. I'm his first...taliwas sa sinasabi sa akin noon ni Alex. Pero ano ang dahilan bakit siya nagsinungaling sa akin?
Sinabi sa akin ni Alex na siya ang nakauna kay Dyan kaya pinilit ko itong kalimutan. Nagmulat ako ng mga mata at sa aking pagkadismaya napabalikwas ako ng bangon. Wala si Dyan sa aking tabi...nasaan na naman ang babaeng yun?
Inilinga ko ang aking paningin sa loob ng silid ngunit wala ni isang palatandaan ang mababakas na nanduduon ito maliban sa halimuyak ng pinagsamang amoy ng kanyang ginamit sa paliligo at pabango. Malamang ay pumasok na ito sa trabaho nya.
Hinanap ko ang aking mga suot na damit kagabi. Nakita ko iyon sa bedside table sa gawing kanan. Akmang aabutin ko ang mga iyon ng mahagip ng aking mga mata ang isang maliit na papel at lalagyan sa ibabaw ng unan na kanyang ginamit kagabi.
Napakunot noo ako...kinuha ko ang note at ang maliit na lalagyan. Binasa ko iyon at hindi ko nagustuhan ang nakasulat doon. I hope masaya kana at nakaganti kana sa akin...
What!? Anong sinasabi nya? Mabilis kong binuksan ang maliit na lalagyan at bigla akong binundol ng kaba ng makita ang laman niyon. Ang engagement ring namin. Hindi ito maaari, hindi na ako papayag na tuluyan pa siyang mawala sa akin. Bulong ko sa aking isip.
Mabilis akong nagbihis at lumabas ng silid na iyon upang magtungo sa aking sariling suite. Pagkatapos kong maligo ay saka ko naalala na ito na ang huling araw ko sa isla. Kailangang kasama ko na siya pabalik sa siyudad at sa ayaw nya at sa gusto nya ay magpapakasal kami lalo pa ngayon at may pinanghahawakan na ako sa kanya.
Bumaba ako sa lobby at ipinagtanong kung nakita nila si Dyana. Itinuro nila ako sa restaurant ng resortel. Tamang-tama dahil yayayain ko na siyang kumain ng breakfast kahit medyo late na. Pagkapasok ko ay siya agad ang nakita ko sa di kalayuan na papasok sana sa ladies room.
Mabilis ang aking mga hakbang, lalapitan ko sana siya nang may marinig akong nag-uusap. Nagtago ako sa hindi nila ako mapapansin. May kausap siyang babae at para silang may pinagtatalunan pero sa mahinahong pag-uusap.
Lalo akong naguluhan ng mapagsino ang kanyang kausap. Juliana!?
"You said that you would leave him..." may diin ang boses ni Juliana.
BINABASA MO ANG
My Brother's girlfriend is my fiancée
RomanceNakikilala natin ang isang tao through their physical appearance.Pero paano kung dumating ang isang araw na makaharap mo ulit ang taong dati mong minahal pero iba na pala ang katauhan nito?Kamumuhian mo ba sya o mas lalo mo syang mamahalin?Lalo na n...