Desidido na talaga si Alex na bumiyahe sila pabalik ng Manila kaya eksaktong alas-siyete ay dumating ang helicopter. Naglanding ito sa isang malawak na parang ng isang paaralan.
Hindi na sumama si Annie sa paghahatid sa kanila dahil wala na itong makakasama pagbalik ng bahay. Bago sila umalis ay sinigurado nito na luluwas ito ng Manila bago mag opening. Napagkasundun narin nilang si Annie nalang ang magmaneho ng kotse ni Alex pabalik ng Manila sa halip na magpasundo pa ito sa driver nila.
"Are you ready Cherie?" Tanong ni Alex sa kanya.
Tinanguan lang nya ito at iginiya na sya patungo sa helicopter. Hinapit sya nito sa baywang gamit ang kaliwang kamay habang ang isa ay nakaalalay sa ulo nya, siguro ay dahil sa lakas ng hangin na dala ng elisi ng helicopter.
Nang maalalayan sya pagsakay ay nakita nya agad si Moa na ngiting-ngiti sa kanya. Nakaupo ito sa bandang kanan ng helicopter at sa kaliwa naman nito ay isang lalaki pa na pakiwari nya ay ang piloto. Nginitian nya ang dalawa.
Nagmasid ang kanyang mga mata sa loob habang hinihintay na sumakay si Alex. Hindi agad ito sumakay dahil may kausap pa sa cellphone. Napansin nya na marami ang aparato sa loob ng chopper na ito kumpara sa kanilang pagmamay-ari. Kanina sa labas ay napansin niya ang logo ng kompanya ng lalaki na may nakasulat na BelAir Enterprises pinaikling pangalan ng Belizaire.
"Ahummmn! mukhang malalim ang iniisip natin ah!?" Sita sa kanya ni Moa na kanina pa pala sya pinagmamasdan.
"Ah!? hindi naman..." sagot nya dito.
"E bakit ganyan ang itsura mo?" Ngiting-ngiti parin ito.
"Ah...wala tinitingnan ko lang yung mga apparatus ibang-iba kasi dun sa chopper namin. Kumpara dun sa amin mas marami ang apparatus nito at mas bagong model ito. Sabi ko nga kay Papa dati na palitan nalang namin ng bago kasi sobrang luma na, saka for business use naman and for the safety narin ng mga employee." Mahabang kwento nya kay Moa.
"Alam mo kung sumali ka sa Ms. Universe at isa ako sa judge panalo kana sa sobrang thoughtful mo sa iba." Puri sa kanya ng binata.
"Ikaw talaga puro ka biro." Nginitian nya ito.
"Totoo ang sinasabi ko, sakin ka lang naman hindi naging thoughtful." Sabay kindat sa kanya, she giggled and turned pink, yun ang eksenang naabutan ni Alex pagkabukas ng pinto ng chopper sa kaliwang side.
"Seems like both of you like each other's company, huh!?" Umakyat na ito kasabay ang pagsarado ng pinto ng chopper.
They both turned their heads to their left side where the voice came. His eyes narrowed while looking at Moa.
"Nagka-katuwaan lang kami." Sagot naman ni Moa na nakangiti ng makahulugan kay Alex.
"I was just telling him about...." naputol ang sasabihin niya ng magsalita si Alex.
"It's ok Cherie...." lumapit ito sa kanya saka inayos ang seatbelt at ang mga harness nya. Sobrang lapit ng mukha nila sa isa't-isa halos pigil ang paghinga nya. Sobrang bilis ng tibok ng puso nya.
"That's better... just for your safety." Pagkatapos siyang ayusin nito ay kinintalan sya nito ng halik sa labi bagay na ikinagulat nya. Nag-init ang pisngi nya mabuti nalang at hindi nakatingin si Moa.
"Thanks!" Nauutal nyang wika.
Ngumiti ito sa kanya kasunod ang pag-ayos narin ng sarilingharness.
Nang makita ng piloto na pareho na silang okey ay nagsalita ito.
"Put your headphones on and we're ready to take off."Pare-pareho nilang inilagay ang headphones at binuhay ng piloto ang makina. Hindi na naman bago sa kanya ang pagsakay ng helicopter kahit nung nasa U.S pa sya sumasakay din sya sa helicopter nila para sa mabilisang travel pagpunta sa isa pa nilang kompanya.

BINABASA MO ANG
My Brother's girlfriend is my fiancée
RomanceNakikilala natin ang isang tao through their physical appearance.Pero paano kung dumating ang isang araw na makaharap mo ulit ang taong dati mong minahal pero iba na pala ang katauhan nito?Kamumuhian mo ba sya o mas lalo mo syang mamahalin?Lalo na n...