The Room

8 0 0
                                    

Nakaholding hands pa rin sa kanya si Kendrick habang naglalakad sila patungo sa elevator ng mansyon. Pinindot ni Kendrick ang nag-iisang button ng elevator. Dalawa ang palapag ng mansyon ngunit kailangan ng elevator sa kadahilanang masyadong mataas ang hagdan niyon para sa matandang Don.

Nang makasakay sila dahan-dahang tumaas iyon at mula sa loob kitang-kita nya ang magaganda at makukulay na mga bulalak na nagmumula sa malawak na hardin ng Mama ni Kendrick.

Hindi nya namalayan na huminto na ang elevator. Mula doon ay lumabas sila.

"You liked it?" Tanong sa kanya ni Kendrick.

"Y-yes!" Tango naman niya.

"Don't worry cherie, magpapagawa ako ng sarili nating bahay with huge garden like that. I just want our home simple but enough for us and for our soon to be children." Pinisil nito ng bahagya ang kanyang kamay na kanina pa hawak-hawak nito.

Nginitian nya ito ng matamis. Pero sa isip nya marami itong dapat ipaliwanag pa sa kanya.

"Come!" Lumakad ulit sila ng kaunti pa at nakarating sila sa tapat ng isang silid na may malawak na pinto. May nakasabit sa doorknob na "JUST MARRIED DO NOT DISTURB"...

"Kendrick!? What is the meaning of this!?" Takang tanong niya dito.

Bigla ay dinukot nito sa bulsa ang isang panyo tinupi nito iyon upang magsilbing blind fold.
"Close your eyes cherie..."

Kahit wala siyang ideya kung anong meron at kung bakit ginagawa ito ni Kendrick ay sumunod pa rin siya.

Inilagay ni Kendrick ang blind fold sa mga mata niya. Narinig niya ang pagbukas ng magkadikit na pinto. Mula sa kanyang likuran ay inalalayan siya nito na makalakad. Nakahawak ito sa kanyang mga balikat.

Mula sa labas ng silid hanggang sa loob naka-pitong hakbang sila. Naramdaman niya ang pagbitaw ni Kendrick sa kanyang mga balikat. Narinig din niya ang pagsaradong muli ng pintuan.

Lalaki ang nagmamay-ari ng silid na iyon base sa amoy nito. Katamtaman din ang lamig ng silid, naramdaman niya ang paglapit ni Kendrick sa kanya.

"Are you ready cherie!?" Hinawakan siya nito sa parteng nakatali ang blind fold.

Tumango lang siya ng bahagya.

Dahan-dahan nitong inalis ang blind fold niya. Nakapikit parin siya...unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Unang nabungaran ng kanyang mga mata ang king size bed na may combination ng kulay asul at puting comforter, ganun din ang mga pillow case. Sa gilid ng kama ay may dalawang side table.

Ang nasa kanan ay may nakapatong ng lampshade at sa kaliwa naman ay may dalawang picture frame. Hindi niya masyadong maaninag kung sino ang nasa larawan pero litrato iyon ng isang babae at lalaki.

Napatuon ang paningin niya sa wall sa taas ng bed. Laking gulat niya mg makita kung ano ang nakalagay doon. Napaluha siya at napahawak sa kanyang mukha. Nakita niya ang isang malaking kwadro ng kanyang picture na base sa kwento ni Kendrick kanina ay ang unang beses na nakita siya na nagbabasa ng libro sa tagong lugar ng kanilang paaralan.

(Ganito ang itsura ng picture sa frame)

Inilinga niya ang paningin sa palibot ng silid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inilinga niya ang paningin sa palibot ng silid. Lahat ng wall ay may mga picture frames. Iba't-iba ang sukat niyon. Magkahalo ang pictures nila ni Kendrick. May kuha siya na naglalaro ng volleyball, meron din nung lumaban siya ng pageant sa school meron ding naglalakad at kung anu-ano pa. Meron ding habang natutulog siya marahil ito ay ang mga panahong magkasama pa sila sa condo niya.

Samantala ang mga pictures naman ni Kendrick ay mula pagkabata. Iba't-iba rin ang itsura nito sa bawat picture. Mayroong mukha siyang korean celebrity dahil sa buhok niya, meron ding neat and clean ito dahil sa training na nakasuot pa ng police uniform.
Ang huli nyang nakita ay ang picture nito in formal uniform ng INTERPOL half body lang ang kuha.

Umikot siya paharap kay Kendrick.
"Ken...!? Nagtatanong ang kanyang mga mata.

Pinahid ng mga kamay ni Kendrick ang kanyang dalawang pisngi na basa ng luha.
"Yes cherie! This is the place I am telling you. Where I feel relaxed and comfortable. This is the place na kahit wala ka sa tabi ko parang andito kana rin."...at bigla siya nitong niyakap.

"But why!?" Yumakap din siya dito ng mahigpit.

Matagal bago ito sumagot at naramdaman nya ang pagbuntong-hininga nito.
"cherie, you were my first love...I fell in love with you the first time I saw you and that big picture of you reminds me of that day." Lalo pa nitong hinigpitan ang yakap sa kanya.

"I hate you Kendrick...I hate you for not telling me the truth before. I hate you for making me wait for a long time. You don't know how I feel being in love to someone whom I think doesn't exist." Malumanay nyang binabayo ang likod ni Kendrick.

"I am sorry too for making you wait for a long time. Hindi sana mangyayari yun kung nakiayon lang sana ang panahon sa atin noon." Hinalikan siya nito sa kanyang ulo.

Kumalas siya sa pagkakayakap dito. Halos hilom na ang luha sa kanyang mga mata.
"W-what do you mean by that!?" Takang tanong niya dito.

"I told you lately, Alex was sick and we have to give him everything he wants. Even if it cause our own hapiness." Hinawakan siya nito sa kamay at iginiya sa mahabang sofa na nanduduon sa silid na ngayon lang niya napansin.

Inalalayan siya nitong makaupo pagkatapos ay ito naman ang naupo sa tabi niya. Hinubad nito ang suot na rubber shoes, iniunat ang katawan pahiga sa kanyang kandungan at ipinikit ang mga mata.

"Hey! What are you doing? Bakit natutulog kana? Bakit palagi mo nalang akong binibitin pagdating kay Alex?" Tinampal nya ito ng bahagya sa braso ngunit hindi ito natinag sa halip itinaas nito ang mga kamay at iniyakap sa kanyang likuran.

Pagkatapos ng ilang sandali ay bigla itong bumangon, tumayo ito at pinangko siya.

Nagulat siya sa ginawa nito at napatili ng mahina.
"Aay!...Ken ano bang ginagawa mo?" Naikawit na niya ang mga braso sa batok nito.

Naglakad ito patungo sa kamang nakita nya kanina.
"I never did this yesterday to our wedding day. As far as I remember you owe me something for what you did. You almost ruined our love story." Dahan-dahan siya nitong iniupo sa gilid ng kama.

Pinamulahan na naman siya sa sinabi nito. Tototohanin yata nito ang sinasabi nitong punishment.

Umupo ito ng bahagya sa harapan nya at hinubad ang suot niyang sandals. Pagkatapos ay lumevel ito sa kanya itinukod ang mga kamay sa kama kung saan nakapagitna siya sa mga braso nito. Bahagya niyang naiatras ang katawan. Ang kanyang mga kamay ay naitukod na rin niya sa kanyang bandang likuran bilang suporta sa katawan.

Unti-unting inilalapit ni Kendrick ang sarili sa kanya at wala siyang nagawa nang halikan siya nito. Nawawalan na siya ng balanse sa ginagawa nito naramdaman nalang niya na nakalapat na ang kanyang likod sa kama.

Huminto si Kendrick sa paghalik sa kanya at tumayo. Hinubad nito ang suot na pang-itaas kasunod ang short na suot nito.

Naipikit niya ang mga mata, nahihiya pa rin siya dito. Maya-maya ay naramdaman niyang muli ang pag-ibabaw sa kanya ni Kendrick ngunit ang mga kamay ay nakatukod muli sa kama nakapagitan sa kanyang ulo.

"Dear, open your eyes." Bulong nito sa kanyang tenga.

Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata.

"Every part of me is yours now. All yours...!" He said in a husky voice.

Tumango lang siya dito.

Kinuha nito ang kaliwa niyang kamay at iniyakap sa likuran nito. Doon nalang niya napagtanto na kahit ano ay wala na itong suot nang mahawakan niya ang butt nito. Lalo siyang nahiya at pinamulahan.

"It is ok dear...this is not our first time. We had our honeymoon first in the island before we got married." He said teasing her.

And it happened again...in this room.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Brother's girlfriend is my  fiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon