Dave's POV
Alas otso na ng gabi pero nandito parin ako sa aking opisina nirireview ang bawat pahina ng mga presentation na ipinakita sa amin ng bawat kompanyang aming naimbitahan.
Hindi na raw kasi magagawa ito ni Dyan dahil may problema siya. Hinayaan ko nalang siyang magpahinga at baka hindi pa siya handang sabihin kung ano yun.
Ilang minuto na ang nakakaraan ng may marinig akong ingay sa labas. Hindi ko iyon pinansin sa pag-aakalang wala lang.
Napapitlag ako ng bigla nalang may pwersahang pumasok sa pinto ng aking opisina at isinara ito ng pabagsak.
"What are you doing here." Si Alex ang walang sabi-sabing pumasok na halatang nakakainom. Tumayo ako upang salubungin siya.
"Who the hell are you Dave Valiente?" Lumapit ito sakin at walang anu-ano ay kinuwelyuhan ako.
"I don't know what you are saying." Nanatili parin akong matigas. Hindi ako nagpatinag sa kanya.
"What do you know? Bakit siya ganon sakin? Bakit bigla siyang nagbago? Alam kong may malalim na dahilan." Naniningkit ang mga mata nito sa galit.
"Kung ano man ang sinabi nya sayo yun na yun. Huwag mo na siyang guluhin pa." Pagmamatigas ko parin sa kanya.
Hindi ko inasahan ang sunod nyang ginawa. Bumitaw ang kanang kamay nya sa pagkakahawak at susuntukin nya ako.
"Aaaahhhhh! Huwag mong sirain ang maganda kong mukha." Lalong naningkit ang mga mata nito sa naging reaksiyon ko. Pumilantik ang mga kamay ko at ang lakas ng tili ko.
Bigla nya akong binitawan.
"Bakla ka?" Kitang-kita ang amusement sa gwapo nitong mukha."Oo pogi! Kaya huwag mong basagin ang mukha ko." Pakiusap ko sa kanya, hindi ko na naitago ang pagkalambot ko.
"Anong alam mo? Tumira ka daw sa France? Papano kayo nagkakilala?" Mahinahon na ang pagsasalita nito pero pulang-pula parin ang mukha hindi ko alam kung dahil sa nainom na alak o dahil sa kinikimkim na galit.
"Wala parin ba siyang sinabi? Akala ko ba nag-usap na kayo?" Inaayos ko ang aking kwelyong nagulo kanina.
"Hindi kita tatanungin kung may sinabi siya." Pinagmamasdan ko siya habang nagsasalita at talaga namang marami talaga ang maiinlove sa kanya, perfect talaga ito. Gwapo, maganda ang body built at matalino din.
"Hindi ako ang dapat na magsabi sayo pogi. Wala akong karapatan." Bumalik na ako sa pagkakaupo ko kanina.
Nagulat ako ng bigla nalang niyang hampasin ang mesa ko. Napalunok ako, talagang galit na siya at baka masuntok na niya ang pinaka-iingatan kong mukha. Ang tagal kong inalagaan ito sa France tapos sisirain lang ni pogi.
"Magsasalita ka ba o hindi?" Nagtatagis ang kanyang mga bagang.
"Oo na, oo na... She followed you to France." Takot na ako at wala nang magagawa dahil nasabi ko na ang hindi dapat sabihin.
"What!?" Ang kaninang naniningkit na mga mata nito ay nanlaki dahil sa narinig. Mababakas ang gulat sa gwapo nitong mukha.
"Siguro dapat siya nalang ang tanungin mo...nasabi ko na sayo ang alam ko." Natatakot ko paring wika.
"Where is she? Tell me...where is she?" Halos sumigaw na ito sa pagtatanong nya. Lagot ako nito kay sister pero ano pang magagawa ko kesa naman palagi nalang siyang may nagmumukmok.
"Calm down handsome...she's in her room nagsiself-pity." Pagkasabi ko niyon ay mabilis itong nawala sa paningin ko. Grabe si pogi hindi man lang nagthank you.
BINABASA MO ANG
My Brother's girlfriend is my fiancée
RomanceNakikilala natin ang isang tao through their physical appearance.Pero paano kung dumating ang isang araw na makaharap mo ulit ang taong dati mong minahal pero iba na pala ang katauhan nito?Kamumuhian mo ba sya o mas lalo mo syang mamahalin?Lalo na n...