Sa kasalukuyan...
Pagkatapos nyang ikwento ang lahat ay pareho silang tahimik sa sasakyan. Wala syang maisip na sabihin pa. Sa tingin naman nya ay nasabi na nya ang lahat.
Bumuntong hininga ang binata at mahigpit na hawak ang manibela.
"Wala ka bang gustong sabihin?" Tanong nya dito.
"Minahal mo ba talaga ako noon?" Seryoso ang mukha nito na hindi tumitingin sa kanya.
Hindi sya sumagot dahil hindi nya alam ang sasabihin.
"Hindi mo ako minahal dahil may hinahanap kapang iba." He smirked.
"A-alex it's not what you think. Gusto ko lang syang makilala."
"Fine then! I'll help you find him." Seryoso nitong wika.
"A-Alex you don't have to do that. He's just my past. All I am hoping from you is to backout from the engagement and get back to our normal life. You and Alyanna can marry now and..." naputol ang sasabihin nya ng magsalita ang binata.
"Enough! There's nothing between us cherie." Halos pagalit na ang tono nito.
"Huh! How can you explain what I saw before and now?Just an accident or what? Ni hindi mo nga sya pinipigilan na halikan at yakapin ka sa harapan ko kahit alam mong ikakasal na tayo." Naiirita nyang wika.
Hinarap sya ng binata.
"Kung ganun bakit hindi mo sya pigilan? Are you jealous? Kahit kelan cherie hindi kita ipagpapalit sa babaeng yun." Malambing nitong wika.
Hindi agad sya nakakuha ng sasabihin sa una nitong tanong. Ano raw?Bakit hindi pigilan? At ang mga huling sinabi nya. Hindi ako ipagpapalit!? Mabilis na gumana ang utak nya kaya nasabi nya nalang.
"There's no reason to be jealous. There is nothing that binds us just that contract. We are just into that contract and according to what you sent me earlier that both parties ay wala dapat ibang makarelasyon..." Nakipagtitigan sya dito.
Unang umiwas ng tingin ang binata parang may kung anong nasaling dito.
"Kapag ba nakilala mo si Kendrick at nalaman mong hindi kayo para sa isa't isa will you still love me... again?"
Napaangat ang labi nya sa sinabi nito.
Bakit ganito ang mga sinasabi nya? Bulong ng isip nya."Kapag nalaman mong hindi na kayo pwede I'll court you again at hindi ako titigil hanggat hindi ulit kita napapasagot para hindi mo masabi na kontrata lang ang lahat."
"A-alex!? Bakit mo ba ginagawa ang lahat ng ito? Alam kong nasaktan kita noon pero hindi dapat na pati ang kompanya namin ang nadadamay dito. Ginagantihan mo lang ako. " Pabulong nyang wika.
Bumaba na ng kotse si Alex at sumilip sa bintana.
"I'll call you kapag nahanap ko na si Kendrick and then meet him." Naglakad na ito palayo pabalik sa loob.
Sinundan lang nya ito ng tingin habang papalayo. Bumaba narin sya at tinungo ang kinapaparadahan ng kotse nya. Nagdrive na syang palayo.
After an hour...
Pumunta si Moa sa office ni Alex ng tawagan agad sya nito.
"Brad sigurado ka ba sa gusto mong gawin?" Umupo ito sa silyang nasa harap ng table nya.
"Yes Moa! kailangan. Alam mo na ang gagawin mo." Bumuntong hininga ito.
"Brad bakit hindi mo pa sabihin ang lahat sa kanya? Alam kong nahihirapan kana at pati narin si Kim."
BINABASA MO ANG
My Brother's girlfriend is my fiancée
RomanceNakikilala natin ang isang tao through their physical appearance.Pero paano kung dumating ang isang araw na makaharap mo ulit ang taong dati mong minahal pero iba na pala ang katauhan nito?Kamumuhian mo ba sya o mas lalo mo syang mamahalin?Lalo na n...