Kinabukasan...
Dyana's POV
Naramdaman ko ang mainit na dampi ng sinag ng haring araw na nagmumula sa bintana ng aking kwarto.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata upang damahin ang napakagandang umagang tila walang nangyari kagabi.
Unti-unti akong bumangon, nararamdaman ko ang sigla sa aking katawan kahit na medyo makirot pa ang aking mukha.
Hindi ko masabi ang aking nadaramang kasiyahan kung dahil ba sa nahuli na si Juliana at magkakaron na ng hustisya ang pagkamatay ni Alex o dahil sa kaalamang kasal na sila talaga ni Kendrick?
Ngunit bigla akong nakaramdam ng lungkot. Tumingin ako sa orasan sa gilid ng aking kama. Pasado ala-siyete na pala ng umaga. Dahan-dahan kong ibinaba ang aking mga paa sa sahig at isinuot ang aking pambahay na tsinelas.
Tumayo ako at marahang lumakad papunta sa bintana kung saan kumakaway ang sinag ng araw. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay natanaw ko agad sina Moa at Kendrick na nag-uusap.
Naalala ko kagabi na sinabi nga pala ni Moa kay Kendrick na pupuntahan nalang siya nito upang magbigay ng ibang impormasyon tungkol sa ginawa ni Juliana.
Base sa aking nakikita mukhang seryoso talaga ang pinag-uusapan ng dalawa. Naroong napapailing at nakapameywang si Kendrick nang biglang tumingin ito sa kinaroroonan ko.
Huling-huli ako ni Kendrick na nakatanaw mula sa bintana ng aking silid.
Kung maaalala ko rin kagabi hindi kami magkatabing natulog ni Kendrick bilang mag-asawa kaya doon na muna ito natulog sa guest room nila.
Hahayaan na daw muna niya ako na makapag-isip kung tatanggapin ko daw ba ang sitwasyon namin na pagiging mag-asawa dahil sa tingin daw niya ay hindi pa talaga ako handa. Napilitan lang daw ako dahil sa mga plano ko kay Juliana.
At mula nga sa pagkakatingin niya akin mula sa ibaba ng bahay ay hindi ko na napigilan na ngumiti na lang. Ngunit nakakapagtaka na mabilis itong nagbawi ng tingin at biglang may lungkot na bumalatay sa mukha nito.
Kaya nagpasya nalang akong bumaba at kausapin ito. Ayoko rin naman ng ganitong set up namin.
Sa baba ng bahay...
Nakapagpalit na agad ako ng pambahay na damit na kanina lang ay nakapangtulog pa.
Naabutan ko pa sila ni Moa kung saan sila nag-uusap kanina.
"Hi Moa! Good morning...!" Bumati ako ng may kasamang matamis na ngiti ngunit tinanguan lang niya ako at nagpaalam na, tinapik pa nito si Kendrick sa balikat bago umalis.
Ngayong kami nalang ni Kendrick ang andito hindi ko malaman ang ikikilos ko. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin o kikibuin. Bakit parang nagkaron ako ng hiya sa hindi malamang dahilan.
"Hi Cherie! Good morning...how's your sleep?" Lumapit ito sa akin at kinintalan ako ng halik sa noo.
Napakunot ako ng noo? Bakit sa noo?
"Bakit nag-iexpect kapa ba ng mas pa? After mo sila lokohin about the wedding? After mong ipahamak ang sarili mo? After everything you did?... pero bakit? Sila rin naman naglihim sa akin at ginawa pa akong subject ng undercover nila." Nagtatalo ang aking isip.Mukhang napansin ni Kendrick ang pagkunot ng aking noo.
"Why Sweetie is there something bothering you?" At hinawakan ako sa aking magkabilang pisngi.Umiling lang ako at sabay na ngumiti.
"Uh! How's the case!?" Pagbabago ko ng usapan at sabay tumalikod ako upang hindi nya mapansin ang paglungkot ng mukha ko.
BINABASA MO ANG
My Brother's girlfriend is my fiancée
RomantikNakikilala natin ang isang tao through their physical appearance.Pero paano kung dumating ang isang araw na makaharap mo ulit ang taong dati mong minahal pero iba na pala ang katauhan nito?Kamumuhian mo ba sya o mas lalo mo syang mamahalin?Lalo na n...