The Announcement

8 0 0
                                    

...napapikit ng mariin ang dalaga sa sinabi niya. Hindi nito malaman kung ano ang isasagot.

"Alex I want to tell you something!" Napasinghap muna ito bago nagsalita. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay na nakahawak sa magkabilang pisngi nya saka ito nagmulat ng mata. Makikita ang lungkot na nararamdaman nito.

Kinakabahan na naman siya. Paano kung ipagtabuyan na naman siya nito? Hindi na niya kakayanin pa ito. Binitawan niya ang dalaga.

Lumakad ang dalaga patungo sa office table niya. Nakatalikod ito sa kanya. Nagulat siya sa ginawa nito.  Bigla nitong hinubad ang suot na damit nito.

"Pasensya kana, hindi ko na matiis ang basa at lagkit sa damit ko." Sabi pa nito na biglang humarap sa kanya.

Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib ng marinig yun. Akala niya ay kung ano na ang sasabihin nito.

"What are you doing?" Napalinga siya at hahagilapin sana ang pintuan ng maalalang nakalock na iyon.

Now she's wearing a black short cycling and a strapless bra. She fold her dress and put it in a paper bag. Kumuha ito ng baon na wet wipes at pinunasan ang sarili. Kinuha din nito ang kanyang coat na nakalagay sa swivel chair niya kanina at isinuot. Mabuti nalang at mahaba ang coat nito.

Muli binalingan siya nito.
"Alex I wanted to tell you something!" Lumakad ulit ito pabalik sa kinatatayuan niya.

Simula nang dumating siya kanina ay hindi pa pala niya naiilagay ang mga gamit nya sa kanyang table na nabitawan niya kanina nung natapunan si Dyana ng kape.

Muli na naman siyang kinabahan sa gustong sabihin nito kanina...

Lumapit ito sa kanya na malapit na malapit. Ikinawit nito ang mga kamay sa kanyang batok. Para na naman itong nang-aakit. Gusto niyang sakyan ito sa ginagawa pero baka sa ending madismaya lang siya.

"What is it!?" Kalamado niyang tanong dito. Ayaw niyang ipahalatang kinakabahan siya.

Ihinilig nito ang ulo sa kanyang balikat at bumulong sa kanyang tenga. Ang kaninang mga kamay nito na nakaangkla sa kanyang mga batok ay nakayakap na sa kanya ngayon.

"Let's get married..." paakit nitong sabi.

Hindi niya malaman ang isasagot. Hindi niya alam kung magdiriwang siya o maiinis sa sinabi nito. Kamakailan lang ay halos ipagtabuyan siya nito.

"Bakit di ka makasagot? Nagbago na ba ang isip mo tungkol dun?" Nakayakap pa rin ito at patampong tanong sa kanya.

Sa pagkasabik ay niyakap na rin niya ito ng mahigpit bago nagsalita.
"You know that it will never happen cherie. Of course we'll get married."

"I want it as soon as possible. I want to be with you...forever!." Medyo nabitin pa siya sa huling sinabi nitong forever.

"But how about the preparations, it will take time." Gusto kasi niyang maging espesyal ang araw na iyon para sa kanilang dalawa.

Kumalas ito ng yakap sa kanya.
"I just want it plain and simple, just the two of us, our parents and closest friends. Just give me two months for the preparation,please!..." nagsusumamo ito sa kanya.

Labis-labis ang pagtataka niya kung bakit gustong-gusto na agad nitong makasal sila. Pero nagustuhan din naman ang idea para hindi na ulit siya matakasan ng babaeng ito at kung ano man ang plano nito ay agad din nyang malalaman. Afterall nasa kalagitnaan pa siya ng pag-aundercover.

"Ok! Ok! Kung yan ang gusto ng aking reyna." Paglalambing niya dito.

"Thank you my King!" Sa sobrang tuwa nito hinalikan siya nito at mahigpit na niyakap.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ng mga oras na yun. Ayaw na niyang mawalay pa ito sa kanya. Mabuti na rin na ito na ang nagyaya ulit ng kasal na sigurado naman na hindi ko matatanggihan.

"Oh and one more thing honey! Pwede bang sa loob ng two months preparation natin magpaturo ako ng self-defense and gusto kong matutong humawak ng baril. I'm planning to buy my own gun for my protection." Nginitian siya nito

Napakunot noo siya sa sinabi nito.
"And why you have to do all those things and from whom you will protect yourself?"

Tumalikod ito sa kanya kaya hindi niya nakita ang reaksiyon nito sa tanong niya bago ito nagsalita.
"Ano ka ba hon?" Humarap ulit ito sa kanya.

Hindi niya ipinakita na hindi niya nagustuhan ang idea nito.

"Hon! Syempre kailangan ko din na matuto ng self-defense alam mo naman na kilala ang ating pamilya, paano kung bigla nalang may humablot sa akin dyan?" Nanunudyo ang ngiti nito.

Sang-ayon siya sa ideya ng self-defense pero ang matuto itong humawak ng baril at bumili ay tinututulan niya. Pero alam niyang hindi siya mananalo sa babaeng kaharap kaya sumang-ayon na rin siya.

Tinanguan lang niya ito bilang pagpayag.

"Thank you! Thank you!..." niyakap ulit siya nito.

Masaya siyang nakikita ang dalaga na masaya. Tumataba ang puso niya.

"By the way! Hon... I want our marriage to be announced publicly through tvs, radios, magazines and newspaper kahit na closed ang kasal natin to family and closest friends only." Hindi maipinta ang tuwang nakikita niya sa dalaga.

"Ok cherie we'll do that today. Can I unlocked the door now? I will call Andrew and Jasmine to do that." Masaya siya pero bakit hindi niya maintindihan ang nararamdaman....parang may hindi tama sa nangyayari.

Ayaw niya ng enggrandeng kasal but she wanted it to be announced publicly I don't know what's running through her mind but i will just ride. Bulong ng isip nya.

Tinalikuran na siya patungo sa office table niya nang nakailang hakbang palang ito ay may parang bigla itong naalala.

"You can unlocked the door now..." bahagya itong nakalingon sa kanya.

Ginawa naman niya ang sinabi ng dalaga at pinulot ang gamit na nabitawan niya kanina.

"Juliana and your son, where are they? Did they returned back to Paris?" Tanong nito sa kanya na nasa ganun paring posisyon.

My Brother's girlfriend is my  fiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon