The Confrontation (edited)

62 1 0
                                    

Kapwa nagulat silang tatlo ng mabungaran ang isa't isa. Umatras sya ng bahagya upang makadaan ang dalawa. Nilagpasan at inirapan sya ni Alyanna. Sumunod dito si Alex ngunit huminto din sila sa may likuran nya.

"Bye babe! see you later." Hinalikan uli nito si Alex.

"Bye!" Maikling sagot ni Alex.

Lumakad na palayo si Alyanna ngunit nanatili syang nakatayo sa may pintuan. Hindi sya tumitingin kung sang direksyon naroroon si Alex. She's just staring down the floor.

"Kanina kapa ba dyan?" Tanong ni Alex na hindi nya namalayang nakalapit na pala ito.

Nag-angat sya ng tingin dito. May mababakas sa mukha nito na hindi nya mawari kung ano.

"Kumain kana ba?" Tanong sa kanya ni Alex.

Ngumiti sya at umiling. Totoong di pa sya kumakain pero sa sobrang sakit na nararamdaman nya parang hindi na nya magagawang kumain pa.

Manhid ba ang lalaking ito? Pagkatapos kay Alyanna kung makipag-usap ito parang wala lang?Sabagay hindi naman kami kaya wala akong karapatang magreklamo may kasunduan lang kami.

"A-ah...du-dumaan lang ako para i-ibigay itong invitation." Nauutal sya habang nagsasalita gusto na nyang maiyak pero pinipigilan lang nya ang sarili. Kinuha nya ang invitation at iniabot dito ng hindi nya ito tinitingnan.

Bumuntong-hininga ito at kinuha ang invitation.

"Si-sige mauna na ako." Pagkasabi niyon ay nilampasan na nya ito.

Laking gulat nya ng mula sa likuran nya ay yakapin sya ni Alex at ibaon ang mukha nito sa may leeg nya. Napapikit sya ng mariin. Sobra-sobra ang emosyong nararamdaman nya at anytime ay sasabog na ito. Hindi nya maintindihan ang lalaking ito kung pinaglalaruan lang ba sya o ano?

"Please don't go I need you here....beside me." malumanay at medyo pabulong na sinabi nito iyon, mababakas sa tinig nito ang lungkot, nasa ganun parin silang posisyon ng sabihin nito ang mga katagang yun.

Ipinikit nya ng mariin ang mga mata nya.Hindi nya alam ang sasabihin dito. Basta ang alam lang nya nasasaktan sya ng mga oras na yun. Bumuntong-hininga sya at dinig na dinig iyon ni Alex.

Kumalas si Alex sa pagkakayakap sa kanya at bigla nalang syang hinawakan sa kamay at naglakad na palabas ng lobby kaya wala na syang nagawa kundi ang sumunod dito.

Parating palang sila sa employees section pero mararamdaman mo na ang mga matang humahanga at yung iba ay may inggit sa mga mata.

Huminto sila sa ikalimang cubicle na nadaanan nila kung saan andun yung lalaking kasabay ni Dyan sa elevator at isa pang lalaking medyo matangkad,maputi at may itsura din naman. Nakasuot ito ng long sleeve polo na itinupi ng bahagya at slack pants.

Nakatingin ang dalawa sa kanila. Tinawag ni Alex ang lalaking maputi na halos kasing edad lang nya.

"Andrew!" Tawag nya sa pangalan nito.

"Yes Sir!?" Lumapit agad ito ngunit ang mga mata ay sa kanya nakadako.

Humigpit ang hawak sa kanya ni Alex.

"Cancel all my meetings today, I'm with my soon to be... WIFE!" Inemphasize nya ang salitang WIFE para iparating kay Andrew na sila ay malapit ng ikasal.

My Brother's girlfriend is my  fiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon