The Revelation (1)

17 1 3
                                    

"ENOUGH!" Isang dumadagundong na boses ang kanilang narinig mula sa kung saan.

Kapwa sila napatingin sa pinanggalingan ng boses. Nasa likuran ito ni Juliana samantalang siya ay nakaharap dito

Nasa ganung eksena sila ng datnan ng galit na galit na si Kendrick.

"Ken! Help me...she hurts me." Nagmamadaling tumayo si Juliana at tumakbo sa kinaroroonan ni Kendrick. Waring humihingi ito ng saklolo. Yumakap pa ito dito pagkatapos.

Hindi nito pinansin si Juliana na mahigpit na nakayakap sa kanya. Masama ang tingin nito sa kanya sa hindi malamang dahilan.

Ngayon niya nararamdaman ang hapdi at kirot ng kanyang mukha. Tila namamaga na rin iyon.

Nagsalitang muli si Kendrick na halos pasigaw.

"Arrest her!" Sa kanya pa rin ito nakatingin habang sinasabi iyon.

Nakita nya ang pagngiti ni Juliana. Kinabahan siyang bigla. Bakit ako yata ang aarestuhin? Usal niya sa sarili.

Maya-maya pa ay naglabasan ang maraming armadong lalaki. Tila mga police kasama sina Moa at Derick. Dumating din sa eksena ang kanilang mga magulang na kitang-kita ang pag-aalala.

Lumapit ang mga police kay Juliana at pilit na iniaalis sa pagkakayakap kay Kendrick.

"Wait, what is going on?" Tanong nitong hindi makapaniwala habang pinoposasan siya.

Lumapit si Moa dito.
"Juliana Borde you are hereby under arrest for killing Alexandre Belizaire."

Tigagal sa narinig si Juliana. Hindi na nagulat pa si Dyana sa narinig. Marahang inialis ng mga pulis si Juliana kasama si Moa at Derick sa mansyon ng mga Olivar upang dalhin sa headquarters nila.

Maya-maya pa ay isa-isa nang nagdatingan ang mga bisita sa pinangyarihan, ang lahat ay hindi makapaniwala.

Agad siyang nilapitan ng mga magulang niya pati na rin ang mag-asawang Belizaire kasama ang batang si Jundrick.

Iyak ng iyak ang bata ng isipin nito na iniwan na siya ng kanyang mommy.

Nagpaiwan si Kendrick at sinabing susunod nalang sa mga ito dahil may aayusin lang daw siyang problema.

"Oh my! Dyana!" Niyakap siya ng kanyang Mama at halos maiyak dahil sa sinapit niya.

"We should take you to the hospital now!" Wika naman ng Mama ni Kendrick na mukhang nag-aalala din.

"Kendrick! Why still standing there? Why don't you take her to the hospital?" Utos dito ng amang si Mr. Belizaire.

"No need Ma, Pa! Wala pa ito sa lahat ng sakit na naranasan ko. I'll just go upstairs ang change." At iniwan nya ang mga itong nakatingin lang sa kanya habang papalayo.

Nakakailang hakbang palang siya ng biglang may pumigil sa kanyang braso. Hindi na niya kailangang alamin kung sino iyon.

Nilingon nya ito at kanina pang galit ang itsura nito. Naiirita na siya, dapat siya ang magalit at hindi ito.

"What?" Asik nya dito.

"Is this why the reason you wanted to learn self-defense and buy gun?" Galit ang tono nito at naniningkit ang mga mata.

Napatiim bagang siya sa tanong nito.

Magsasalita palang sana siya ng bigla siyang yakapin nito ng mahigpit.
"What if something happened to you? I will not forgive myself." Mahinahon na ito at wala na ang galit sa boses nito.

"Kendrick!!?" Tawag niya sa totoong pangalan nito.

Binitawan siya nito at may pagtatakang tanong.
"How long did you know that I'm Kendrick?"

Hindi agad siya nakasagot nang biglang kumirot ang kanyang mukha. Napangiwi siya at napahawak dito.

"I think we should go first to the hospital." Nag-aalalang wika nito at inutusan ang isa sa mga kasambahay na ikuha siya ng pampalit na damit upang hindi na siya umakyat ng mansyon.

"Yu-yung singsing mo si Juliana ang kumuha. Nabitawan ko habang nag-aaway kami." Wika nya dito habang panay pa rin pagpunas sa dumugong ilong.

"Don't worry about the ring...hahanapin ko yun first thing in the morning. Ang mahalaga ngayon ay ikaw..." may halong pag-aalala ang boses nito.

Tumango lang siya bilang pagsang-ayon.

Sa hospital...

Naksuot na siya ng komportableng gray t-shirt at brown shorts. Nagsuot nalang din siya ng flat sandals dahil kanina pa sumasakit ang sakong niya sa suot na high heels. Mabuti nalang at hindi siya nadapa kanina habang nag-aaway sila ni Juliana.

Pinahiga siya ng doctor sa Emergency Room sa isa sa mga kama doon.

Gusto sana ni Kendrick na iadmit siya para magawa lahat ng test sa kanyang katawan. Pero sinabi ng doctor na wala siyang dapat ipag-alala dahil pwede naman gawin lahat ng test kahit nakaout patient sila.

Sinabi rin ng doctor na wala naman siyang natamong kahit anong injury sa katawan base sa x-ray na isinagawa.

Nabugbog lang daw ang bahagi ng mukha nito kaya binigyan lang siya ng paunang lunas.

Kaya ngayon heto siya may nakapatong na ice pack sa kaliwang pisngi dahil sa pamamaga. Binigyan rin siya ng pain reliever, anti-inflammatory at antibiotics para hindi na mainfect pa.

"Are you okey sweetie?" Masuyo nitong pinipisil ang kanyang kaliwang kamay.

Tumango lang siya dito.

Nang bigyan na sila ng doctor ng discharged slip ay agad na silang umuwi sa mansyon ng mga Olivar kung saan naghihintay ang kanilang mga magulang.

"Hija! May gusto ka bang kainin?" Tanong sa kanya ng kanyang Mama.

"Yes Ma! I want my favorite sandwich and juice please." Tugon nya sa kanyang ina pagkatapos ay naupo na siya sa mahabang sofa.

Ang totoo mag-aalas dyes na ng gabi at nakakaramdam siya ng gutom dahil na rin siguro sa pagod.

"Ikaw hijo may gusto ka ba? Balae magpapakuha ako ng tea ok?" Tanong ulit ng kanyang Mama sa mga kaharap.

"Tea is fine Mama." Sagot naman ni Kendrick dito at nagsitanguan naman ang iba.

Iniutos ng kanyang ina sa kasambahay ang pagkuha sa mga ito.

Napansin nyang wala na ang mga bisita kanina. Nagsiuwian na daw ang mga ito at makikibalita nalang bukas kung ano ang nangyari. Pati mga kaibigan niya ay nagsiuwian na rin ayon sa kanilang mga magulang.

Naisip nya na mabuti nalang at malalapit na kaibigan lang at kamag-anak ang nakasaksi sa pangyayari.

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ni Kendrick. Lumayo ito upang sagutin ang tawag.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang sandwich nya at tea ng mga ito. Hindi pa rin tapos si Kendrick sa pakikipag-usap.

Nagkukwentuhan ang mga magulang niya pero siya ay tahimik lang na nakikinig sa mga ito. Pinag-uusapan ng mga ito si Juliana at halata ang galit sa pananalita ng ama ni Kendrick.

Lumapit sa kanila si Kendrick na wari'y nanlalambot.

"Son what took you so long?" Tanong dito ni Mr. Belizaire.

"Moa called hindi na niya ako pinasusunod doon. Umamin na raw si Juliana. Tinanggal na ako ng task force sa mission tapos na raw ang participation ko sa kaso. Ayaw na nila akong magkaroon ng involvement dahil kapatid ko ang pinatay. Baka kung ano daw magawa ko kay Juliana." Pagpapaliwanag niya sa kanila.

Sinabi din daw nito na pupunta ito ng mansyon upang magreport kay Kendrick tungkol sa pagkamatay ng kapatid nito.

My Brother's girlfriend is my  fiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon