They arrived at the office at exactly ten in the morning.
Magkasabay nilang kinain ang inorder nilang pagkain sa kanilang pantry. Pagkatapos nilang kumain ay nagsimula na silang magtrabaho. Natambakan na naman siya ng trabaho dahil sa hindi nya pagpasok kahapon.
Dyan's POV
Malawak ang office ko na ipinagawa ni Papa kaya ito ang napiling pansamantalang maging office ni Alex habang inaayos pa ang dito. Kapag pumasok ka sa pinto mula sa labas ay makikita mo ang table ni Alex sa kanan at sa kaliwa ang table ko. In short magkaharap ang table namin.
While I was busy reading a pile of folders on my table. An unwanted guest just entered in our office. Pareho kaming napaangat ng ulo upang alamin kung sino ang pumasok.
Sumasakit na nga ang ulo ko sa binabasa ko mukhang mas pasasakitin pa ng dumating.
"Babe! You haven't called or texted me this past few days." Maarte nitong wika. Lumapit ito kay Alex at bigla itong niyakap.
Napabuntong hininga nalang ako at itinuloy ang binabasa. Hindi ko sya naririnig na nagsasalita halos si Alyanna lang.
Knowing Alyanna isa siyang spoiled brat at hindi titigil hanggat hindi nakukuha ang gusto nya. We were friends when we were young. Kaya isang araw ay nagtaka nalang kami ng mga kaibigan kong sina Che kung bakit hindi na nakikisama sa amin si Alyanna. Nalaman nalang namin na naiinggit daw ito sa akin dahil palaging ako ang napapansin ng lahat. Palaging ako ang bida at palaging ako ang maraming kaibigan. Hindi ko naman kasalanan kung kinagigiliwan ako ng mga tao.
Way back in college siya ang greatest competitor ko sa volleyball at naging dahilan kung bakit nagkaroon ng lamat ang pagsasama namin ni Alex. She also reminds me that once in my life I had this operation on my knee na naging dahilan upang hindi na ako makalaro ng volleyball at sobrang frustrated ako.
Pero sa mga panahong iyon alam kong totoo ang nararamdaman nya para kay Alex kaya ng makita ko sila ng gabing iyon...oo nasaktan ako pero yun ay dahil sa pakiramdam ko I was betrayed at dahil sa masyado pa akong bata noon at naghihintay parin sa Kendrick na hindi ko naman alam kung totoo ay madali kong nabalewala si Alex. Hindi naging mahirap para sa akin na iwan siya ng magdesisyon ang mga magulang ko na magdropped ako.
Papa and her dad were business associates. They owned one of the biggest textile factory here in the country, sa kanila kumukuha ng mga tela para sa gagawing mga gamit sa resort tulad ng blanket, towels and etchetera.
And sa pagkakaalam ko tulad namin ang Belz hotel ay sa kanila din kumukuha ng tela na ginagamit sa hotel. Ngayong nagmerged na ang Belz at Olivar, sa iisang kompanya nalang kami nag-oopisina. Si Alyanna narin ang nagpapatakbo ng kanilang negosyo kaya sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay magkakasama kaming tatlo dito.
Pero kahit ganun pa man hindi ako nagalit sa kanya medyo inis lang kasi alam ko namang ginagawa lang nya lahat yun para asarin ako. Gusto ko parin na bumalik kami sa dati. Hahayaan ko nalang din muna siya sa mga inhibitions nya kay Alex while we are not yet married.
Dahil napagod na ako sa pagbabalik tanaw sa nakaraan... I decided to stopped to what I'm doing. Isinandal ko ang aking likod sa aking inuupuan and tucked my arms at my chest. Dumako ang paningin ko sa dalawa.
Tumayo si Alex habang kinukulit parin ni Alyanna. Naririndi na ako sa boses ng babaeng ito hindi ako makapagconcentrate.
They are both standing and facing each other across me. Alyanna clinged her arms around his neck.
"Hey! Both of you..." hindi na ako nakatiis and they both looked at me.
"What is your problem girl!?" Maarte parin nitong tanong na itinuon pa ang mga kamay sa table ni Alex at halos lumuwa na ang dibdib nito dahil sa suot nya.
"The problem is I'm working here and yet you are making some noise." Kalma parin ako at hindi ko inaasahan ang mga sumunod nyang banat.
Umayos ito ng tayo at pinamewangan ako.
"Oh really!? Fuck off with your injured knee." At ngumiti ito ng nakakaloko."Alyanna enough!" hinawakan nito si Alyanna sa braso. May diin sa tono ng pagsasalita nito.
Napatayo ako sa aking kinauupuan, konti nalang at papatulan ko na ito but then sa halip na patulan ang isang bipolar ay nagpasya nalang akong umalis.
Nagtungo ako sa rooftop upang magpalipas ng sama ng loob. Mula sa taas ay pinagmamasdan ko ang malawak na siyudad. Hindi ako mahilig makipag-away kaya ang pag-atras sa laban ang pinakamabisa kong panlaban.
Ilang minuto palang ang nakakalipas nang maramdaman ko ang mga kamay na humaplos sa aking likuran. Hindi ko na kailangang alamin kung sino ito.
"Are you ok!?" Tanong niya na nakatingin din sa malawak na siyudad. Isinandal nya ang aking katawan sa kanyang malapad na dibdib.
"Yeah! Sort of..." malumanay ang pagkakasabi ko sa kanya.
"I already scolded her, don't worry she'll not bother you anymore." he assured me.
"What's with you and that woman? Kayo parin ba? Did you two end up in bed again!?" I asked out of curiosity.
Hindi agad siya nakasagot then I looked at him. Wala akong makitang kahit anong emosyon.
"There's nothing between us and we haven't been gone in bed again..." may kasiguraduhan ang pagkakasabi nyang iyon.
"Kung ganun, gusto kong mangako ka sakin na iiwasan mo na siya at hindi na mauulit ang nangyari noon. Respeto nalang sa akin bilang magiging asawa mo." Yes! yun ang sinabi ko dahil wala rin naman akong kasiguraduhan na mahal na nya ulit ako, baka napipilitan lang ito sa gusto ng mga magulang namin.
Tango lang ang isinagot nya sa akin. Maya-maya pa ay may dinukot ito sa bulsa ng pantalon nya. Isa iyong maliit na kahon.
"Wh-what is that!?" Tanong ko parin kahit na nahuhulaan ko na kung ano iyon.
"I never had the chance to give this to you the night of our engagement party our meeting turned to a fight. The one that I gave you sina Papa ang nagpagawa but this time nagmula talaga sa akin." Binuksan nya ang kahon at kinuha ang laman niyon.
Hindi na ako nakapagsalita nang isuot nya niyon sa aking kaliwang palasingsingan. It totally fits my finger. It's an engagement ring, a silver one. May mga maliliit itong bato na sa tingin ko ay sapphire na nakadisenyo. Merong nakaukit na initials dito na D.K.B at bawat letra ay binubuo ng mga batong iyon.
Iba ito sa unang singsing na isinuot nya sa akin nung araw ng engagement na hindi ko na isinisuot dahil alam kong peke lang lahat. Kung yung una may nakaukit na parehong pangalan namin ngayon ay mga initials nalang.
Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko ng mga oras na iyon. Happiness, kilig na hindi ko naramdaman nung engagement party namin. Mas masarap isipin na free will ang pagpapakasal kesa ang ipinagkasundo lang.
BINABASA MO ANG
My Brother's girlfriend is my fiancée
RomanceNakikilala natin ang isang tao through their physical appearance.Pero paano kung dumating ang isang araw na makaharap mo ulit ang taong dati mong minahal pero iba na pala ang katauhan nito?Kamumuhian mo ba sya o mas lalo mo syang mamahalin?Lalo na n...