The Engagement 2- first time (edited)

124 2 0
                                    

Nagsalubong ang kanilang mga mata. Pakiramdam nya sila lang ang nandudoon. Bakit pakiramdam nya ay ngayon lang nya nakilala ang taong ito? Parang first time lang, marami ang nagbago. Pwera nung gabi ng reunion ngayon lang ulet nya ito napagmasdan. Ayaw man nyang aminin pero parang hindi ito si Alex.

Naramdaman nalang nyang kinuha ng binata ang kamay nya. May mga boltahe ng kuryente ang gumapang sa katawan nya bagay na hindi nya naramdaman nung sila pa ng binata at wala na syang nagawa ng igiya sya nito papunta sa gitna. Sila lang ang nasa dance floor habang pumapailanlang ang awit ng live singer.

Song: Dancing away with my heart by lady antebellum

boy singer: I finally asked you to dance on the last slow song

Beneath that moon that was really a disco ball

girl singer: I can still feel my head on your shoulder

And hoping that song would never be over

Hawak parin nito ang kanang kamay nya itinaas ng bahagya, ipinatong ang kaliwang kamay nya sa kanang dibdib ng binata. Habang ang kanang kamay ng binata ay naglandas mula sa likuran nya pababa sa bewang nya. Napasinghap sya sa ginawa nito pumikit siya ng mariin at sabay nagmulat din.

Namula ang kanyang mukha sa ginawa nito na sana ay hindi napansin ng binata. Nagulat pa sya ng hapitin sya nito palapit sa binata. Inilapit nito ang mukha sa may tenga nya at bumulong.

"Comment vas-tu, ma cherie?" Wika ng binata sa french pagkatapos dahan-dahang inilayo ang mukha at pinagmasdan siya.

She frowned anu bang sinasabi nito? Anu bang malay ko sa french kung Spanish pa yan! Tanong ng isip nya. Saka kelan ka pa natuto ng french e ayaw mo ngang mag-aral nyan? Naninibago sya dito.

both singer: I haven't seen you in ages

Sometimes I find myself wondering where you are

For me you'll always be eighteen and beautiful

And dancing away with my heart.

"Just asking, how are you?"  Ngumiti ito ng nakakaloko napansin yata nito na wala syang naintindihan sa sinabi nito kanina.

Sa halip na sumagot kumalas sya sa pagkakahawak at yakap sa binata dahil sa sobrang asar nya. Hindi naman ito dating ganito sa kanya first time.

Nang nakabitaw ay nakipagtitigan sya dito para iparating na hindi nya nagustuhan ang ginawi nito. Pang asar!

Nawala ang ngiti sa mga labi ng binata at napalitan ng pagtataka. Tuloy parin ang kanta...

both singer:

You headed off to college at the end of that

summer

And we lost touch

I guess I didn't realize even at the moment we

lost so much

Nagwalk out si Dyana at tumungo sa likod ng bahay nila sa may pool. Dinig na dinig parin nya ang tugtog na parang ipinapaalala ang nakaraan nila ni Alex. Pinagmasdan lang nya ang tubig at niyakap ang sarili dahil medyo malamig.

Napapitlag pa sya ng may maglagay ng coat sa mga balikat nya. Napatingin sya sa gawing kaliwa nya dahil andun na ito sa tabi nya.

"I'm sorry kung hindi mo nagustuhan ang sinabi ko kanina." Nakasunod na pala ang binata sa kanya, may dala pa itong dalawang baso at isang bote ng wine? Iniabot nito ang isa sa mga baso sa kanya.

My Brother's girlfriend is my  fiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon