Stranded

122 1 0
                                    

Nakarating sila ng Quezon pasado ala-una. Kasama na dito ang traffic at sobrang layo ng lugar. Nakapunta na si Dyana dito once kasi isinama sya ng kanyang kaibigan na sya nyang pupuntahan.

Nakatulog sa biyahe si Dyana. Napansin naman ni Alex na hindi maganda ang panahon. Malapit na sila kaya gigisingin na nito si Dyana. Itinigil nito ang kotse sa tabi ng daan,hindi nito kasi kabisado ang daan kasi first time nito doon. Nagtanong lang ito sa mga tao kanina habang daan kung saan ang lugar na iyon.

Inayos nito ang kulay brown na mahaba at kulot na buhok niya habang ang ulo niya na nakahilig sa may bintana ay isinandal nito ng maayos sa head seat. Pinagmasdan siya nito, she's wearing a three-fourth sleeve checkered polo that curves her body, short shorts and a flat sandal, para dito ang lahat sa kanya ay perfect mula ulo hanggang paa. Kung hindi lang sana...

Naramdaman yata ng dalaga na may nakamasid sa kanya, dahan-dahan niyang minulat ang mga mata. Nanlaki ang mata nya, sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa. Kapwa sila nagkatitigan pero hindi niya kaya ang tensyon kaya nauna na syang umiwas ng tingin.

Umayos narin ng pwesto ang binata.

"We're here Cherie, but I don't know which is the next way." Nakatingin ito sa unahan sa daan.

Nagpalinga-linga sya sa paligid.Oo nga andito na kami pero di ko rin matandaan kung san yun not unless ako ang driver. Tumingin sya sa binata may naisip syang kalokohan para makaganti dito.

"Can I drive? Mas alam ko kasi pag ako ang driver e." Medyo paseduce nyang wika at isinuot na ang sunglasses nya.

Tiningnan sya ng binata at tumango lang. Bumaba ito at lumipat sa pwesto nya, sya naman ay sa driver's seat. Pangit ang daan alam yun ni Dyana.

But she kept on driving, stepping on the gas hardly. It was a rough road, and they were jumping off to their seats. Medyo malayo pa ang pupuntahan nila.

"Hey!... stop it!" Pasigaw na sabi ni Alex.
"You're breaking my car."

She just smiled foolishly. She drives extremely fast as if she is a car racer. Shifting the car's gear left and right, forward and backward. Drifting through the road.

Hindi nga sya car racer pero naging hobby nila ng mga kaibigan nya ang drifting nung nasa US pa sya at nag-aaral pa. Simula nung makagraduate at sya na ang nag manage ng mga business nila hindi na sya nakakasama sa mga kaibigan.

She stopped the car, and they almost threw themselves in front. Bumaba sya ng kotse at pati narin si Alex.

Inalis ng dalaga ang sunglasses nya.
"Whew! I never failed to do that." Sabay hagis ng susi kay Alex.

Sinalo naman nito ang car key.

"Yeah! And you broke my car, you broke my tires, and we overheated. Sana sinabi mong balak mo palang mag drifting at gamitin ang kotse ko e di sana i brought my sports car." Inis na sabi nito.
"So pano na tayo ngayon makakarating sa pupuntahan natin?" Tanong naman ulit nito.

Isang babae ang lumabas sa isang bahay.

"Oh! hi there!" Masaya nitong bati.

Sabay silang napatingin sa nagsalita. Saka lang napansin ni Alex na nasa tapat sila ng isang bungalow house at nasa loob na ng garahe. Sa sobrang bilis nila kanina ay di na ito nag-abala pang tingnan ang dinadaanan nila.

Lumapit ang babae sa kanila at niyakap si Dyana.

"Ohh! Annie, I missed you so much!" Yumakap din si Dyana.

My Brother's girlfriend is my  fiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon