Sa Airport...
At exactly 10:30am time of departure ni Alex. Hindi parin alam ni Dyana kung sino ang kasama ng binata sa trip nya.
Dyan's POV
Ako at ang secretary lang ni Alex ang naghatid sa kanya sa Airport, 6:30am palang ng umaga ay andito na kami para naman may alloted time pa na four hours bago umalis. Mas okey pa na maagap kesa maiwan ka ng flight.
Ilang minuto nalang at malapit na siyang umalis.
"Thank you sa pagsama mo sakin dito." Malambing nyang sabi.
"Why? Ayaw mo ba?" Pabiro kong tanong at nginitian ko sya.
Niyakap nya ako at bumulong sa aking tenga.
"No! Gustong-gusto ko. Please sumunod ka agad, ngayon palang namimiss na kita." May ibinulong din itong french word na hindi ko naintindihan.
"Okey!..." halos pabulong lang din ang aking pagkakasabi.
Maya-maya pa ay dumating si Alyanna. Nakatayo siya sa likuran ni Alex habang kitang-kita ko kung papano ito manibugho.
"All passengers going to...with flight num...please proceed to..."
Narinig namin na tinatawag na ang mga pasahero mula sa flight nina Alex, bumitaw na siya ng yakap sa akin. Binigyan nya ako ng mariing halik sa labi at kitang kita ko ang galit sa mukha ni Alyanna.
Lumakad na papunta sa departure area sina Alex, ewan ko ba pero parang kakaiba ang nararamdaman ko sa pag-alis nyang ito. Parang matagal ko siyang hindi makikita.
Inalis ko ang mga alalahanin sa isip ko nang hindi ko na sila makita at nagpasyang sa resto nalang muna dumiretso dahil nawalan na ako ng ganang magtrabaho.
Nakaupo ako sa aking opisina ng mapatingin ako sa aking daliri na may suot na singsing. Napangiti ako sa aking sarili. Talagang napakaganda ng singsing na ito. Mukhang ipinasadya ang disenyo. Napansin ko rin ang nakaukit na mga letra sa paikot ng singsing na D.K.B.
Saka lang ako napaisip kung bakit D.K.B? I wonder why it is engraved as K instead of A. Because based on my observation it should be D.A.B stands for Dyana.Alex.Belizaire. But somehow pwede ring D.K.B as Dyana Kim Belizaire.
Hmmmn! Baka nga yun ang ibig sabihin untag ko sa sarili ko. Kinikilig ako sa mga iniisip ko na pinalitan na agad nya ang apelyido ko ng Belizaire.
Nasa ganito akong pag-iisip ng hindi ko namalayan na nakapasok na pala ang kaibigan kong si Annie.
"O! Baka mahipan ka ng hangin dyan!? Tatawa-tawa itong lumapit sa akin. Napansin pala nito ang maya't maya kong pagngiti habang nakatingin sa singsing.
"Huh! Ah ikaw pala! Ang aga mo naman!?" Tanging nasabi ko sa kanya at para narin ibahin ang usapan.
"Yeah! kasi nalaman kong andito ka. So what brought you here!? Meron ba akong hindi alam?" Umupo siya sa silyang nasa harapan ng aking table.
Nginitian ko lang siya.
"Ang daya mo ha!? Share ka naman!" Himig nagtatampo ito.
"Friend pumayag na akong magpakasal sa kanya." May ngiti sa aking mga labi ng sabihin ko iyon.
"Whuaatt!?" Gulat na gulat ito sa sinabi ko.
"Yes! Gusto kong sundin ang payo mo." I told her with proud.
"Friend sure kana ba dyan sa plano mo!?" Tanong nito na hindi parin makapaniwala. She looked so worried too.
"Annie!?... You always said, give him a second chance na baka pagsisihan ko sa huli kapag hinayaan ko siyang mawala ulit and then heto ka parang hindi ka makapaniwala." I said these words with some disappointment in my voice.
BINABASA MO ANG
My Brother's girlfriend is my fiancée
RomanceNakikilala natin ang isang tao through their physical appearance.Pero paano kung dumating ang isang araw na makaharap mo ulit ang taong dati mong minahal pero iba na pala ang katauhan nito?Kamumuhian mo ba sya o mas lalo mo syang mamahalin?Lalo na n...