The come back

183 5 0
                                    

Years had passed...it's almost ten years since she left. Marami ang nangyari sa buhay nya nung nasa ibang bansa sya. Doon nya ipinagpatuloy ang pag-aaral ayon narin sa kagustuhan ng mga magulang nya.

Umalis sya ng bansa ng tahimik.

Pagkatapos nyang mainjured umuwi agad ang mga magulang nya mula sa ibang bansa at inayos ang pagdadrop nya ng mga subjects nya.

Nabigla kasi ang mga ito sa nangyari sa kanya. Kailangan kasi syang maoperahan upang maayos ang maliit na parte ng kanyang buto sa tuhod na nagkaroon ng konting pagkadurog na ayon naman sa kanyang doktor ay hindi naman ganun kadelikado.

Ayaw pumayag ng mga magulang nya na dito gawin sa Pilipinas ang operasyon kaya ipinadala sya sa America at para narin mailayo sya sa pagbavolleyball.

Anim na taon ang lumipas, nakapagtapos sya ng kursong Business Management major in Marketing at siya na ang humawak ng mga negosyo nila sa U.S. Matagumpay ang pagmamanage nya sa mga negosyo nila sa mga panahong iyon.

Heto siya ngayon sakay ng eroplano pabalik ng Pilipinas bubuuin naman nya ang mga pangarap nya noon na magkaroon ng sariling restaurant.

Lumapag ang eroplanong sinasakyan nya sa airport. Walang alam ang mga magulang nya na uuwi sya dahil alam nyang hindi siya papayagang umuwi. Isa kasi sa dahilan ng pag-uwi niya ay ang pagpunta niya ng reunion ng kanilang volleyball varsity team noong highschool at ng soccer team.

Nalaman niya ang reunion mula sa isang kaibigan na nakita siya sa U.S a couple of months ago.

Nang nakalabas siya ng airport ay pumara sya ng isang taxi. Nagpahatid sya sa bahay nila.

Bumaba siya ng taxi at nakilala naman agad siya ng mga guard ng bahay nila, agad din siyang tinulungang ipasok ang mga dalang gamit.

Dire-diretso siya patungo sa malaki nilang bahay. "God!, you know how much I missed this place." Usal niya sa sarili habang patuloy siya sa paglalakad at pagmamasid sa malaking bahay.

Nakapasok na siya sa malaking pintuan ng tawagin nya ang kanyang mga magulang.
"Ma! Pa!? I'm home..." paulit-ulit niya iyong ginawa nang may marinig siyang papalapit.

"Hija! you're here!?" Gulat ito ng makita siya ngunit agad ding nakabawi at bigla siyang niyakap ng mahigpit pagkatapos niyon mabilis din siyang binitawan.

"Ma, what's wrong?" Naguguluhan siya sa naging reaksiyon nito pagkakita sa kanya.

"Nothing child, I just missed you, it's been a month since I saw you." Sagot ng Mama nya. Binibisita din naman kasi siya ng mga ito every six months.

"Ma!, you are not mad?" Nagtataka parin nyang tanong.

"Of course not hija!, after all it's almost ten years since tumira ka sa America akala ko nga nagustuhan mo na dun at ayaw mo ng bumalik...atleast we know na hindi kami mahihirapan sa pagpapauwi sayo dahil ikaw na ang nagkusang umuwi." Nakangiti nitong wika.

"Ma! you're not gonna ask me why i came back?" with brows raises.

"I know you will attend that reunion party. Tama ba ako?" Nakangiti parin ito sa kanya.

"Hindi ka talaga galit Ma?" Naguguluhan parin siya sa mga kilos nito.

"Hija ang mabuti pa umakyat kana at magpahinga, mamaya na ang party kelangan mo ng beauty rest. Ako na bahala sa mga gamit mo ipasusunod ko nalang kay manang, ok!?" Kasabay niyon ay muli siyang niyakap at hinagkan sa noo na para ba siyang isang batang paslit.

Pinaikot nya ang mga mata.
"Ok fine!"

Nagmartsa na siya paakyat sa kwarto niya. Hindi siya naniniwala na walang dahilan kung bakit maganda ang mood ng Mama niya ng makita siyang nandito sa Pilipinas.

Sa dating kwarto niya siya tumuloy. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Wala iyong pinagbago ganun parin ang ayos walang nagalaw na gamit.

Lumapit siya sa may side table. Dinampot nya ang picture frame na nakapatong doon. Kuha iyon nung first year high school siya habang tinitira ang bola. Bata palang ay passion na niya ang paglalaro ng volleyball hanggang nung maghigh school siya kinuha agad siya sa varsity. Hindi siya nahirapan na matanggap dahil sa angking galing niya sa larong iyon.

Napansin niya ang isang card na nakapatong din sa may side table. Ibinaba nya ang hawak na frame at iyon ang inabot. Invitation card iyon ng reunion nila kaya pala hindi na nagtanong ang Mama niya. Dito pala sa bahay ipinadala ang invitation.

Hinagilap nya ang cellphone sa bag at inialarm. Six ng hapon pa ang party sa isang kilalang bar. Kasama sa reunion ang may-ari ng bar kaya close iyon para sa kanila.

Inilapat nya ang likod sa kama at ipinikit ang mga mata. Hindi na niya nagawa pang makapagpalit ng damit, mahaba ang naging biyahe nya at pagod na siya. Agad siyang nakatulog...

Sa party....

Malakas ang tugtog na pumapailanlang sa kabuuan ng bar. Pasado alas-sais na kaya sinimulan na ng host ang pagpapakilala sa mga luma at bagong members. Inisa-isa niya ang mga pangalan...nagsisigawan ang lahat kapag tinatawag ang mga pangalan.

"Mamaya may surprise ako sa inyo." Sigaw ni Janna sa mga kaibigan, halos hindi na sila magkaintindihan sa lakas ng tugtog ng live na dj.

"Bakit? Ipapakilala mo na ba ang bf mo samin?" Pasigaw na tanong ni Andrea sa kaibigang si Janna.

"Basta!, surprise nga e, saka hindi siya boyfriend, girlfriend ko siya." Pasigaw ulit na sabi ni Janna.

Patapos na ang roll call ng mapatingin ang host sa may pintuan.
"Wooh!, wait! wait! wait!, I know who is this coming!" Lahat ay napatingin sa may pintuan.

Ginandahan ng host ang pagpapakilala sa kanya.
"Ladies and gentlemen let's have a round of applause to our former Campus Star, our Most Valuable Player in her times and the Team Captain of volleyball girls Ms. Dyana Kim Olivar." Lahat nagpalakpakan at manghang-mangha sa kanya.

Malaki kasi ang pinagbago nya. Nagmatured man ang itsura nya hindi mapagkakamalan na twenty six na sya. Maya-maya pa ay napatigil ulit ang lahat sa pagpalakpak ng mapansin ang taong nasa likuran nya.

"Here's another one, a big hand to our former Campus Hearthrob, our Most Valuable Player in his times and the Team Captain of Soccer  Mr. Alexandre Belizaire." Sigaw ulit ng host. Nagpalakpakan ang lahat at nagsigawan.

 "Ahhummn!" Tikhim ng taong nasa likuran niya.

Napapitlag siya sa ginawa nito. Hindi niya akalaing sa likuran pala niya ito magmumula. Hindi na siya nagtaka na naroon ito pero ang malamang malapit lang ito sa kanya, parang may kung anong bumundol sa kanyang dibdib.

Napasinghap siya ng lingunin niya ito dahil face to face sila halos isang dangkal lang ang pagitan nila. Amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito kahit hindi ito magsalita.

"Care to...move?" Mahinahong wika ni Alex habang titig na titig sa mukha niyang namumula.

Namumula siya sa inis dahil sa sinabi nitong care to move? Bakit ang rude nito sa kanya? Nagmove siya ng konti patabi. Dinaanan lang siya nito na parang hangin. Sabagay hindi niya ito masisisi dahil sa nangyari.

Ang huling araw na nagkita sila ay nang sunduin siya nito sa ospital at ihatid sa kanilang bahay. Puro missed call at text ito pero hindi nya nagawang sagutin pa. May malalim siyang dahilan kung bakit nya yun ginawa.

Sinundan nya ng tingin ang binata kung san ito papunta nagbalik na sa party ang mata ng mga nakatingin sa kanila.

Nagulat pa sya ng lumapit ito sa isang pamilyar na mukha. Si Alyanna Salvacion kabatch nya noon at malaki ang pagkagusto kay Alex. Nagtaka sya dahil pwede pala ang outsider? Hindi naman kasi ito team member. Biglang gumuhit ang galit sa maganda nyang mukha.

My Brother's girlfriend is my  fiancéeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon