It's been three years, ang daming nanyare. I'm still the old me; single, happy, but confused. James is still married to Patricia, or atleast yun ang alam ko, wala na akong communication sakanya. For sure nakalabas na anak nila.
Well, my father died a year ago, he gave up his life. Araw-araw kong binibisita ang libingan ni papa, hindi ko parin matanggap. Musta naman ang mama ko, ayun, kulong sa kwarto simula nung namatay siya. Buti nga kumakain pa.
Casandra and Daryll broke up a week ago, pero friends sila. Amazing huh?
Well, how about me. May trabaho na ako bilang isang waitress sa coffee shop. Ginagawa ko ito, para sa akin at kay mama. Masaya na ako sa buhay ko ngayon. Walang problema. No more James in my life.
Nag-ring ang cellphone ko sa bulsa ko, well I'm at work.
"Hello?" Sabi ko ng dinikit ko sa tenga ko ang cellphone. Hindi naka-save ang number na to.
"Ayla! Have you heard the news, si James at Patricia hiwalay na." Sabi ng caller, I bet it's Casamdra. How come na hindi naka-save number nya sa akin?
"Nagbago ka ng number?" Sabi ko. Obviously changing the topic.
"Ah oo. Ngayon ko lang binili. Kamusta na?" Tanong nya.
"Okay naman, ikaw?"
"Okay lang rin. Isa na akong fashion designer!" She said happily.
I'm so proud of her na tinuloy niya ang pagiging fashion designer. That woman is so talented. "Congratulations!" Sabi ko.
"Thank you. Wanna hang out?" Tanong niya sa akin.
"After an hour, tapos na ang work ko nun." It's afternoon naman eh. Sa afterntoon natatapos ang work ko.
***
Nameet ko si Casandra sa Starbucks, naka-mini dress at kulot ang mahabang brown hair niya. Hayop sa puti. Red lipstick pa ang peg. Kung lalaki lang ako, baka niligawan ko na siya.
"Gosh, Ayla, you look . . . different." Sabi ni Casandra sa akin. It's been a year kasi na hindi kami nagkita, pareho kaming busy. "I mean, it's a good different."
"Gumanda ka lang eh ganyan kana mag comment sa akin." Sabi ko. Anong different ba ang sinasabi ni Casandra? Simple lang naman akog manamit; shirt atsaka pants.
"Anyways let's skip that."
Umupo na kaming dalawa at nag-order lang si Casandra sa isang waiter. Habang naghihintayan, nagkkwentuhan kami ni Casandra tungkol sa mga naaccomplish niya.
Kahit hindi kami nagkikita ni Casandra, nanjan padin kami sa isa't isa, at salamat naman kay Facebook at Twitter.
"So uhm, the reason why I invited you here was.." she trailed. Bigla akong nakaramdam ng kalakas ng tibok ng puso ko, ng tumingin ako sa likuran ko.
I was surprised, seeing James standing, with lots of red roses. Meron pangdalawang lalaki na may hawak ng banner, nakalagay naman ay Sorry Ayla.
Lumapit siya sa akin ng padahan dahan at iniabot sa akin ang czla dala niya.
"Hi." Sabi niya sakin.
Ngumiti lang ako, trying to be nice. Syempre tatlong taon na ang nakalipas. Isasampal ko paba sakanya ang sakit ng ginawa niya sa akin? I moved on.
Pero bakit may mga ganito pa siyang nalalaman?
"So I'll just leave you two alone." Sabi ni Casandra ng tumayo siya at lumayo sa amin, si James naman ang umupo, kaharap ko.
"Kamusta na?" Tanong niya sa akin.
"Okay lang nama ako. Ikaw ba? Gumwapo ka ah." Sabi ko ng tumawa ako ng konti.
"Ayla, patawarin mo sana-"
"Wag kanang mag-sorry. Naintindihan ko naman." Sabi ko para wala ng mahabang salita.
"Hiwalay na kami ni Patricia, nandun na sila sa America, kasama ng anak niya." Share niya sa akin.
I nodded in response. Wala akong masabi eh.
"Ayla. I just want to ask," He paused for a moment, naghintay akosa susunod niyang sasabihin. "Three years, hindi nagbago ang nararamdaman ko para sayo. Can we start all over?"