Chapter 32
Natapos din ang sine, nagyaya si Marco kumain sa Jollibee, pero sa bahay na ni Marco kami kakain kaya nag-order nalang.
Pinauna namin si Casandra at Daryll sa paglakad papunta sa parking lot, habang kami ni Marcoo dito sa likod nila, bitbit ang naorder namin na pagkain. Tahimik namin ni Marco, awkward; naghaharutan naman yung dalawang nasa harapan namin.
Naglalakad kami habang nakayuko ako, tinitignan ang black vans shoes ko na naglalakad, hindi ko na alam gagawin ko.
"So, saan ka pupunta after natin kumain?" Natanong ni Marco, para hindi masyadong awkward.
Nakatingin padin ako sa baba, "Uuwi nalang din ako siguro . . . ikaw?"
"Hatid nalang kita, if that's okay with you? Wag kang magtataxi." Bilin niya sakin. "Madaming manloloko ngayon . . . I want you to be safe."
Give the guy a chance, Ayla. "Sige," tumingin ako sakanya, ngiti niya agad ang bungad "Pede mo ako ihatid."
"That'd be great." Naramdaman ko ang tuwa sa pananalita niya. "So . . . kamusta ka naman?"
"Okay lang naman ako." Sabi ko sakanya, smiling.
"You know what I mean . . . "
James...
"Yup. Okay lang ako. Wag kang mag-alala." Sabi ko sakanya.
"Will you give me a cha- . . . nevermind. Good to hear, you're good." Hindi tinuloy ni Marco ang gusto niyang sabihin. Ang lungkot ng mga mata niya na parang tinamaan na naman ng rejection.
Maya maya dumikit ako sakanya, dahan dahan ko nilagay ang kamay ko sa bandang elbow niya. I have no idea why I did that. Nasaktuhan, napatingin sina Daryll at Casandra sa amin sa likod, lumaki mga mata nila parang nakakita ng multo sa gulat, sabay ngiti.
"Ingatan mo si Marco ha!" Pang-asar ni Daryll sa akin. Inalis ko kamay ko sa hiya, pero kinuha din si Marco, this time, hawak niya talaga ang kamay ko, fingers intertwine.
_____
Gabi nadin kami nakatapos. Nakipag-kwentuhan pa kasi kami tsaka nanuod na naman ng mga ibang movies na paborito ni Marco. Mahilig din pala si Marco sa mga disney movies. Hindi ko alam may pagka-babae pala siya. I mean, karamihan sa mga mahilig sa disney movies puro mga babae lang.
"Sa lahat ng disney movies na napanuod mo, alin dun ang paborito mo?" Tanong ni Casandra. Nakaupo kami sa floor, formed in circle.
"Frozen." Deretsong sagot ni Marco. Napasigaw si Casandra sa tuwa kasi parehas sila ng paboritong movie. Habang si Daryll, parang nagseselos, tahimik lang sa tabi ni Casandra.
"Parehas tayo!" Sabi ni Casandra, tapos bigla siya tumingin kay Daryll, "Babe, parehas kami ng pabor-"
"Narinig ko." sabi ni Daryll . . . "Edi kayo nalang." Pabirong sinabi niya. Tumawa kaming apat sa naging reaction niya na parang bata.
"Baby naman eh." Hinalikan ni Casandra si Daryll sa pisngi, at bumalik kay Marco "Bakit mo pala paborito ang Frozen?"
"Maganda kasi ang storya niya. About sisters, na nagsacrifice para lang sa kapatid . . . I mean, it's about love." Sabi ni Marco nang ginaya ang boses ni Elsa at hand movements nung sa part ng movie na natigil ni Elsa ang ice. "tsaka, naalala ko lang kapatid kong si Bea, yung bunso namin."
"About . . . " Casandra paused for a moment, nang tumingin na siya saakin, " . . LOVE!"
Ngumiti lang ako. Alam kong si James ang tinutukoy niya. "Sabi nga ni Elsa, let it gooooo~ let it gooooo~" Kinanta niya ang Let It Go sa Frozen habang tinaas ang dalawang kamay. Maganda ang boses ni Casandra, kaya nainlove dyan si Daryll.
"Hoy uwi na tayo!" Sabi ni Daryll, gabi nadin talaga kasi ngayon, inaalala niya parents namin ni Casandra baka mag-alala. "Mapatay pa kami ng mga tatay nyo sa sobrang late nyong nakauwi.
_____
Nauna na namin ihatid si Casandra at Daryll, ako ang hinuli ni Marco. Nasa kotse ako ni Marco, sa front seat. Nakapag-kwentuhan din naman kami ni Marco ng mga kung anu-ano; tungkol sa buhay niya, kung saan siya lumaki, and stuffs.
Sa America na siya lumaki, obvious naman sa kinis ng katawan at sa sobrang kagwapuhan at kaputian. Nagbakasyon lang siya dito dahil namiss niya mga katropa niya. Nandun din ang bunsong kapatid na babae niyang si Bea. Pinakita niya pa sakin ang picture ni Bea sa iPhone 5 niya, ang cute cute cute na parang gusto ko ng kurutin ang pisngi niya!
"Here we are . . . Ingat ka okay?" Sabi nI Marco, nagpapaalam.
Binuksan ko ang pintuan ng kotse, bago man ako lumabas, "Anyways uhm . . . Bibigyan kita ng chance . . . " Sabi ko sakanya, finally, nakapikit ang mga mata ko.
"You what?" Hindi nakapaniwala si Marco sa narinig niya. "Bibigyan mo ako ng chance?"
Tumingin ako sakanya, "Oo."
"So paano?" Parang nagpapanic na si Marco, "Ikaw at ako? Girlfriend na kita?"
Hindi ko alam pero parang ang saya ko nung narinig ko yun sakanya. "Oo."
"Boyfriend mo ako?" Tanong ni Marco.
I rolled my eyes and smiled. "Yes."
"So it's official?!" Isa pang tanong ni Marco.
Tumango ako. "Yes."
Lumabas si Marco ng kotse ng biglaan at sumigaw, "SHE IS OFFICIALLY MINE!" Sabi niya, nakataas ang dalawang kamay na parang nagtagumpay.
Lumabas ako agad ng kotse at pinakalma. "Marco! Marinig ka ng mga tao dito! Kilala nila ako dito!" I was freaking out.
"Gusto ko pa nga malaman ng buong mundo na saakin ka. Hindi mo alam kung paano mo ako napasaya."
Ngumiti lang ako, lumapit siya sakin. "Ayla, I love you." Hinawakan niya pisngi ko.
"I love you."