Chapter 45
Bumalik na kami ng bahay ni James. Tawang tawa parin ako sakanya dahil naging seryoso ang mukha niya. Tamang tama, nakapaghanda narin si mama ng makakain na namin. Maya maya naman ay nagmadaling umalis si James, may pupuntahan daw.
"Saan ka pupunta?" I asked, raising my eyebrow.
Nakatayo na si James sa pinto, handa ng lumabas ng bahay, "May aasikasuhin ako." Sabi niya.
"Tungkol saan naman?" Tanong ni mama.
"Sandali lang po ito." Sabi ni James, at umalis na nga ng ganun nalang.
Napatingin kami ni mama sa isa't isa. Parehas kaming nalilito kung bakit ang dali lang ni James umalis.
"Wala ba yang kadate?" Tanong sakin ni mama.
"Siguro." I shrugged my shoulders.
***
"You are getting married?!" Kasama ko si Casandra sa kwarto ko, pinapunta ko dito para ibalita sakanya ang nanyare kanina. "Finally! And you guys will have babies, lots of babies. Oh my gosh, I can't believe this is happening!"
Biglang pumasok sa kwarto si mama, "Sinong ikakasal?" Biglang tanong nya.
Napanganga nalang kami ni Casandra, pero ilang sandali ay tinuro ako ni Casandra at tinuro ko rin ang sarili ko.
"Anak? Ikakasal kana?" Mom asked, lowering her voice as she comes closer.
"Ma, ano kasim, sasabihin ko na sana sainyo eh kaso kasi di pa naman sure kung kailan ang kasal atsaka.." Naubusan na ko ng salita. Ito kasi si Casandra, ang ingay!
Ngumiti lang sakin si mama ng tumulo ang mga luha niya. "Magkakaroon narin ako ng apo, sa wakas!" Sabi niya.
"Apo?" Sabay namin sinani ni Casandra.
"Syempre, jan din naman kayo mapupunta eh!" Sabi ni mama.
"Ma, medyo matagal tagal pa ang hinihingi mong apo." Sabi ko naman sakanya.
"Basta, gusto ko ng maraming apo." Sabi ni mama, ngiting ngiti na abot hanggang langit.
Hala si mama, kamusta naman ako nun kung maraming bata ang lalabas sa akin? Grabe naman, no. Hindi ba pedeng dahan-dahan muna? Ito namang si mama advance rin eh, di pa naman alam kung kailan ang kasal namin, apo na agad ang pinaguusapan.
"Okay na ako sa isa." Sabi ko naman.
"Ay, only child? Kawawa yun pag walang kapatid." Parinig naman ni mama. Nananadya ba talaga si mama?
"Oo na ma, pero kung hanggang ilan ang kaya namin ha? Doon lang." Sabi ko.
"Ang cute nyo talagang mag-ina." Sabi ni Casandra.
"Haynako, o sige na ha, lalabas na ako at may gagawin pa ako sa kusina." Sabi ni mama ng lumabas na ng kwarto. Kaso bigla rin siya tumigil sa may pintuan at pumasok ulit, "kunin ko na pala mga damit mo para labhan ko na."
And then, natulog ako ng maaga dahil agad akong dinalaw ng antok. Dito narin natulog si Casandra sa tabi ko. Sleepover.
"Goodnight, Cas." Sabi ko, bagong nickname ko na naman sakanya.
"Have a nice sleep," sabi naman ni Casandra.
***