Chapter 17
"You mean, siya ying first ever boyfriend at first love mo?" Tanong ni James. Curious. Nakatapat sakin ang index finger niya.
Tumango naman ako, ngumingiti ng papilit.
Hindi makapaniwala si Daryll at James sa nalaman niya.
"Edi, hindi na kayo nagkita ni Adrian o nagkausap nung okay na siya?" Tanong sakin ni Daryll.
"Oo" sagot ko sakanya.
"Hindi mo manlang sinubukang ibalik ang ala-ala niya?"
"Hindi,"
"Bakit naman?" Biglang nagstraight ng katawan si Daryll. Nagdikit yung kilay niya. "Bakit dimo manlang sinubukang ibalik yun? Malay mo-"
"Wala ng chance. Pagkatapos siyang gamutin, bumalik ulit sila ng America. Walang paalam." I explained.
"Walang paalam?" Tanong na naman ni Daryll.
"Hindi na nagpaalam samin ang parents niya. Ako ang sinisisi kung bakit siya naaksidente." Naluha na naman ako.
3 inches lang naman ang layo namin ni James pero nakatalikod ako sakanya. Hinawakan ni James ang left shoulder ko at hinarap ako sakanya at niyakap. "Tama na yan. Heart broken na naman si Ayla oh."
OA naman ni James. Luluha lang eh, niyakap ako ng di oras. Okay lang. Jovan ang perfume eh. Bangoooooo!
"Ok lang ako James!" Tumawa ako habang pinalo si James ng pabiro.
"How sweet." Sabi ni Casandra, doing the beautiful eyes thing. Sarcastic. "Itigil nyo nga yan. Nilalanggam ako eh."
"Tara na uwi na po tayo." Paalala ni Daryll. Malapit na palang mag 6. Baka mag-alala si mama.
Hinatid nila akong tatlo sa bahay. Taxi lang. Pero naisipan ni Daryll na tumambay nalang samin. Pumayag ako.
Pagpasok namin sa bahay, nakatayo si mama tsaka si papa harap namin. Seryoso ang mukha.
Anong meron?
"Bakit ngayon ka lang anak?" Tanong ni mama.
"Hindi naman po nagtagal mama eh." Sabi ko. Tinuro ko yung clock namin na nakasabit sa pader, nasa left side ko, 5:53pm. "Kasama ko nga po pala si James, Casandra, tsaka si Daryll po."
"Classmates mo?" Tanong ni papa.
"Si James lang po tsaka si Casandra. Si Daryll po nagta-trabaho na." Sabi ko sakanila. Hindi din halata kay Daryll na medyo mas matanda pa samin eh.
"Kain na muna kayo dito." Sabi ni mama. Tinuro ang kusina.
Merong spahetti, as usual; Paborito naming lahat. Rice. Adobong manok. Lumpia shanghai. Drinks; Coke and Royal. At ang pancit.
Lahat ay umupo na sa upuan para makakain na. Gitna ako ni James at Casandra. Feel ko mabubusog talaga ako nito. Masarap magluto si mama eh.
_____
"Thank you Ayla sa pagkain." Sabi ni Daryll. "Forever na akong titira dito dahil sa sobrang sarap ng niluto ng mama mo." Pabola naman tong si Daryll!
Binatukan ni Casandra si Daryll. "Umayos ka babe." Warning! May nagseselos.
Nag-asaran na ang dalawa. Nacucute-an ako sakanila. Nakasuot ako ng plain shirt at shorts. Naka-pony tail ang buhok. Both hands nasa side ko.
"Thank you Ayla." Napatingin ako kay James. Nagpapasalamat siya? Bumabait na talaga!
Mas lalo niya ako napangiti. Labas ang ngipin. "Sure. May next time pa naman." Magkatabi lang naman kaming dalawa ni James. Pero hindi ko mareach ang height niya.
Ngumiti din si James. At hinalikan ako sa cheeks. Namumula ako sa kilig pero hindi ko pinapahalata.
"Bye Aurora!" For the first time in forever, natawag ako by my realname ni Casandra. Naglakad na silang tatlo habang kumakaway sakin. Kumaway din ako at pumasok na ng bahay.
Papasok na sana ako ng bahay, nakita ko si mama nakatayo, nakasandal sa pintuan. Cross arms. Ngumingiti-ngiti. At agad ako nilapitan.
"Anak," sabi ni mama, nakahawak sa isang braso ko. Nanginginig ako sa kaba. May nagawa ba akong di nagustuhan ni mama? "Boyfriend mo ba talaga si James?" Tanong niya sakin ng padahan-dahan.
"Bakit po 'nay?" Tanong ko naman sakanya. "Ano po kasi..." I'm out of words.
Alam ko kasi, hindi pa dapat ako pede mag-boyfriend. Pero itong si James agad agad nagsasabi na kami pero hindi naman.
"I like him for you." Sabi ni mama, smiling. "Basta anak, wag kalimutan ang pag-aaral ha?"
Pabalik na si mama sa loob kaso hinabol ko, "Ma! I'm sorry nagsinungaling ako. Hindi ko talaga boyfriend si James. At tsaka hindi ko alam kung bakit nasabi ni James na kami na. Pero ma alam kong hindi pa ako pede, nagpromise pa nga ako sayo na hindi muna ako mag bboyfriend, kasi uuna-" I was cut off.
"Anak. Kumalma ka." Tumatawa na si mama. "Hindi naman sa pinagbabawalan kita pero kasi ayoko maranasan mo ang masaktan ka dahil sa pag-ibig. Lalo na't bata kapa." She explained. Nakahawak si mama sa ulo ko at hinalikan sa noo.