Ayla POV
This is the happiest day of my life.
Nakalabas na din si mama. Kasama ko si Casandra at ang mama niya, hinatid kami sa bahay. Inaalalayan namin si mama, medyo nahihirapan pa kasi maglakad, pero so far so good.
"Salamat sa tulong nyo," sabi ni mama "hindi ko alam kung papaano na ako at si Ayla, ngayon coma pa din si papa."
"Walang anuman yun Mare. Pede nyo naman kami tawagan anytime pag kailangan nyo kami eh." Sabi naman ng mama ni Casandra.
Pinaupo na namin muna si mama at ang mama ni Casandra sa sala, habang kami ni Casandra inakyat ang mga gamit.
Nasa kwarto kami ni Casandra, binaba ang mga bag, "So.. Papa mo nalang ang hihintayin no?" Sabi niya sakin, niyakap ako "Everything will be okay, tiwala ka lang kay Lord."
"Salamat Casandra." Sabi ko naman "pero alam mo, si James hindi pa din ako tinitigilan eh."
"Ah yun? Talaga naman si pinsan." Tuwang tuwa pa ang pagkasabi niya.
Naka-upo kami sa edge ng bed.
"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko sakanya.
"Kilala ko yang si James. Bihira lang yan mag seryoso sa pag-ibig. Kapag natablan yan, sure na sure siya." Sabi niya.
"Kasal na siya, Dara."
"He's married to Patricia hindi sa dahil mahal niya, pero dahil sa contract na related sa business." She explained "At sa kasamaang palad, Patricia wants him too. Pero over all, its just a business. You know? Its all about money!"
"Bakit naman ganun?" Tanong ko.
"Para mapakinabang pa ang kumpanya ng la Vera at Smith." She rolled her eyes.
Silence.
"Ang totoo nga nyan, yung tatay ni Patri-nevermind." She was about to say something, pero tumigil siya. At curious na ako.
"Sabihin mo na."
" . . . "
Nakatingin lang sa akin si Casandra. Nagdadalawang isip kung sasabihin niya o hindi.
"Hay ambot sa imo, Casandra." Sabi ko sakanya, facepalm.
"Well, its just not because of business."
Patricia POV
Next morning.
Andito ako ngayon sa Heaven Café. Makikipagkita ako kay Adrian. I want to fix things with him-dont get me wrong-hindi ako makikipagbalikan.
I was covered by my scarf and sunglasses, at mahabang coat jacket. Good thing wala rin masyadong tao.
Sa wakas, andito na ang hinihintay ko, si Adrian.
"Missed me already?" Sabi ni Adrian, ngumingiti at umupo na.
James POV
"I need some fresh air," Sabi ko kay Daryll. Nasa loob kami ng kotse niya, hindi ko alam saan kami pupunta.
"Heaven Café tayo." Suggest ni Daryll.
"Better."
Nakarating na kami sa Heaven Café, pag baba namin ng kotse napatingin ako sa babaeng naka-suot ng mahabang jacket at scarf. Inalis ang sunglasses niya at nilagay sa lamesa.
"Patricia.." Sabi ko sa sarili ko, pabulong.
"Oh brad, okay ka lang?" Tanong ni Daryll. Napatingin siya kay Patricia. "Is that-"
Hinila ko si Daryll, nag face to face kami. "Hindi ko alam ano plano ni Patricia pero may kutob ako. And that guy, diba yan yung first love ni Ayla?"
Tumingin si Daryll sa lalaking kasama ni Patricia. "I guess so. Paano sila nagkakilala?"
"Tama na muna ang tanong. May plano ako."
_____
Pumasok kami sa Heaven Café at umupo ako malapit sakanila para marinig ko usapan nila. Si Daryll naman nag-order nalang ng pwedeng ma-order dun.
Umupo ako sa likod ni Patricia. Buti lang din hindi ako napansin.
"You're giving me money para lang layuan ka?" Sabi ng lalaki kay Patricia. "Are you crazy?"
"I'll give you anything just for you to stay away from my family." Sagot ni Patricia.
Mas lalo akong na-cu-curious sa nanyayare.
"Hindi mo ako pwedeng mailayo ng basta basta lang." Sabi ng lalaki "Dahil kahit baliktarin pa natin ang mundo, ako at ako pa din ang tatay ng dinadala mo."
Hindi ako nakatiis. Tumayo ako at nilapitan sila.
"Patricia!"
Napatayo si Adrian at Patricia ng makita nila ako, surprised.
"Totoo ba tong narinig ko? Paano nanyare yun?" Sabi ko sakanila, hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Napag-isip isip ako ng malalim.
Anong klaseng babae si Patricia?
Paano niya nagawa sakin to?
Napaniwala ako ng ilang buwan na sa akin ang batang to.
"James, let me explain!" Sabi ni Patricia pero iniwan ko na din sila.
Pinuntahan ko si Daryll para i-take out na lang yung inorder niya. Sayang naman kasi.
_____
"Dude what happened?" Tanong ni Daryll ng pumasok na kami sa kotse.
"Hindi ako ang ama ng batang dinadala ni Patricia!" Sabi ko sakanya, sinuntok ang bintana.
Natuwa pa tong si Daryll at sumigaw, "Talaga naman ang tadhana, mapagbiro!"
Tumingin ako kay Daryll ng "what do you mean" face.
"Don't you know what this means, James? Come on!" Sabi ni Daryll "Tapusin mo na yung sainyo ni Patricia at balikan mo na si Ayla!"