Once in a while, in the middle of an ordinary life, love gives us a fairytale. -A.
Chapter 46
《 the surprise wedding 》
Casandra's POV
Time check, it's quarter to 6 in the morning. Kami ng nanay ni Aurora ay nagdesisyong gisingin siya ng maaga para maghanda at makapag-ayos.
Anong meron sa araw na 'to? Malalaman rin yan.
Dahan-dahan kaming pumasok sa kwarto ni Aurora, palapit ng papalapit sakanya. Ang himbing g tulog ni Aurora na parang nag-aalanganin kaming gisingin siya.
"Gigisingin naba talaga natin siya, tita?" Tanong ko sakanya ng pabulong.
"Oo!" She responsed in a whisper-shout. "Aayusan pa natin eh."
Gumalaw bigla si Aurora para magpalit ng position, tumahimik kaming dalawa na parang hindi narin kami humihinga.
One
Two
Three
"GOOD MORNING!!" Sigaw naming sabay ni tita ng biglang du,ilat ang mga mata ni Aurora sa gulat.
"Buti naman at nagising kana. Maligo kana!" Sabi ko sakanya ng hinihila hila ko siya para bumangon.
"Sa-sandali anong meron?" Tanong ni Aurora.
"Ah basta. Maligo kana dahil may pupuntahan tayo." Sabi ni tita sakanya.
"Saan?!" Tanong ni Aurora ng pasigaw.
"Basta!" Sigaw naman naming pabalik ni tita.
***
Aurora POV
Wala akong kaalam alam sa nanyayari ngayon. Bakit na nila ako ginising ng ganitong kaaga? Hidi naba sila makapaghintay kahit mga 7 nalang? Inaantok pa ako.
Naligo na ako at nagtoothbrush. Lahat lahat na ginawa ko na sa banyo. Lumabas ako ng nakabalot ang twalya sa katawan ko at isa pang twalya para sa ulo ko, binalot ang buhok ko. Pagdating ko ng kwarto ay nakalagay na ang sleeveless na gown at ang heels sa higaan ko. Napatigil ako sandali at nag-isip,
Ikakasal na ba ako?
"Ayan! Suotin mo na yan. Tapos si Casandra na ang bahala sa buhok mo atmukha mo." Sabi ni mama ng bigla nalang nagpakita sa pintuan ko.
"Ma, anong meron?" Tanong ko.
"Aysus. Malalaman mo rin. Sige na, magbihis kana."
Kinuha ko agad ang gown at tumingin sa salamin ko, tapos sinuot ko narin ang gown ko, saktong sakto lang at kasya. Was it meant for me?
Knock knock
"Ayla, I mean, Aurora," boses ni Casandra, nasa labas ng kwarto ko "Are you done? Can I see you?" Binuksan ko ang pinto at napalaki ang mata niya dahil sa sinuot ko ang gown.
"You look wonderful," sabi niya.
"Nasa vocabs mo na pala ang wonderful." I joked, pumasok siya sa loob ng kwarto at isinara agad.
"Okay, let me finish you na." Sabi ni Casandra ng lumapit na siya sa akin at inaayusan na ako gamit ang make up.
***
James POV
"Handa kana ba, anak?" Pumasok bigla sa banyo si dad, chinecheck ako.
Ready na ako. I be on my suit and tie, shit tie, shit. Ikakasal na ako; and this time, sa taong nagpapatibok ng puso ko. Ang taong minahal ko ng totoo. Ang taong nakatadhana para sa akin.