Fifteen.

161 2 1
                                    

Chapter 15

He's into me? Excuse me, isang James Smith nag-i-into into sa isang katulad kong Aurora Mae Francisco? Pfft. Hindi yun manyayare.

"Alam mo, kilala ko yang pinsan ko, si James?" Sabay palo sa legs niya. Nakaupo siya sa tabi ko sa higaan. "Pag inlove yun, bigla bigla nalang mag-"

"Sandali lang.. May nabanggit ka eh." Napatigil si Casandra. "Pinsan.." Inulit ko yung narinig ko galing sa bibig nya. Bigla niya tinakpan bibig nito.

Bigla ako tumayo sa kama at nakaturo kay Casandra ang index finger ko. "For how many years of friendship, hindi mo binanggit sakin na pinsan mo si James!" I shouted. Nagpapanic.

Pinsan niya si James?!

"Sshh!" Tumayo si Casandra, pinapakalma ako, habang dinikit ang index finger sa lips nya para mag-ssshh.

"Don't ssshh me!" Hindi ako makapaniwala. "Pinsan mo si James at hindi ko alam!" Sabi ko sakanya. I mean seriously.

"Malayong pinsan ko si James!" Casandra explained.

"Bakit dimo sinabi sakin?! Ang sabi mo, crush mo si James! Hindi mo sinabi na pinsan mo pala! Diba crush mo si James? Hindi mo siya pinsan!" Para akong tangang nagmamakaawa. All this time, niloko ako ng sarili kong bestfriend?! What have I done!

Opps, OA.

"Kumalma ka nga!" Pinalo niya ako sa may braso. Mabigat pa man din ang kamay nito.

"Naalala ko pa nga yung sinabi mo eh! Crush mo si James! Hind-"

Isa pang palo. At dun na nga ako natahimik. Naalala ko pa talaga ang sinabi niya, crush niya si James since elementary!

"Bawal bang magka-crush sa pinsan? Bakit ikaw, crush mo si Arnold, pinsan mo din yun!" Natahimik ako, at oo totoo yun.

"Actually, maniwala ka man o hindi, last year lang kami nagkakilala at nagkita in person. Nung pinakilala siyang pinsan ko, and take note that was elemtary years, gulat ako na pinsan ko ang isang gwapong James." Sabi ni Casandra.

"Close kayo?" I asked.

She nodded. "Last year, nagpatulong si James sakin sa babaeng gusto niya. First love nya yun. Sobraaaaaang seryoso si James sa babae na yun. Ang swerte kaya nun. Tapos nung nag-break ang dalawa, buhay na ni James ang manloko, maginom, mantrip, lahat, dahil sa isang babaeng iniwan siya sa ibang lalake." Kwento sakin ni Casandra.

Napapaisip tuloy ako. "Pero sino yung girl na yun?"

Ngumiti si Casandra. Ang tagal bago pa man din makasagot. "Kilala mo siya."

Napanganga ako sa nasabi niya. "Hanna?" Hula ko.

"Nope. Say hello to the evil, the Miss Elizabeth."

That explains everything. Kaya niya ako pinag-iinitan, dahil ba sa nagseselos siya? Affected padin sa nanyare?

Tinakpan ko bibig ko, both hands. "Elizabeth?" Sabi ko sakanya. Hindi ako makapaniwala sa mga nasabi niya.

"Ilang years tayong magkakilala at mag bestfriend, still wala akong alam sa buhay mo!" Sabi ko sakanya. Yung puso ko grabe kung tumibok. "That is unfair!"

"Now you know. James is my cousin, Elizabeth is the enemy, first love ni James at dahil sakanya kaya naging bad boy si James." Sabi ni Casandra.

"Ano pa ang hindi ko alam?" Tanong ko sakanya ng paseryoso.

"I'm your long lost twin sister." Seryosong sabi ni Casandra. Muntik na akong mapaniwala.

"Heh! Lokohin mo pa ako, sige ka." Tumabi ulit ako kay Casandra at natahimik kami for seconds.

Hindi padin ako makapaniwala sa nalaman ko. Stress.

_____

Well, let's skip a little bit.

3 WEEKS LATER.

*

*

*

*

*

*

"Aylaaaaaaa. Patulong nga ako dito sa English homework. Hindi ko matapos, nagpuyat kami ni Daryll eh."

Sabi ni Casandra. Nasa labas kami ng classroom, nakaupo sa tabi ng door ng classroom namin.

"Ayaaaan. Pag oras kasi ng pagaaral, unahin muna si English bago si Boyfriend." Sabi ko sakanya. Pangasar lang.

"Di porket ikaw three years single.."

Haynako. Nakabawi din ang bruhilda. "Anong page ba?" Sabi ko.

"177."

Habang tinutulungan kong tapusin ang homework ni Casandra, napansin naming may nakatayo na lalaki sa harapan namin at umupo narin.

"Hi Ayla." Ngumiti siya sakin.

"James." Simple ko syang tinignan at tumingin ulit sa book.

Mukha kaming busy. Hindi namin pinapansin si James. Nagstart ng bell; which means kailangan pumasok sa ng classroom, nauna si James tumayo at hinalikan ako sa pisngi. "See you." Sabi niya.

May nakakita sa ginawa ni James. Hinayaan ko nalang. Pero ang weird na naman sa feeling. Feel ko ang safe safe ko sa pangit na yun. But anyway, tumayo na kami ni Casandra at pumasok na sa classroom.

MAPEH time, may iniwang activity ang teacher namin kasi may gagawin siya sa office. Malapit nadin kasi ang exams namin eh kaya busy busy. Pagkalabas ng teacher namin, yung iba naman gumagawa ng activity, yung iba naman nagcecellphone, yung iba naman nagkkwentuhan, and stuffs. Kami ni Casandra? Hindi namin alam paano kami magsisimula nito.

"Gagawin mo?" Tanong sakin ni Casandra. "Tinatamad ako eh."

"Tinatamad din ako eh." Sabi ko sakanya.

Sabagay, after classes pa naman ito ipapass so.. May time pa, may lunch break naman.

"Labas nga muna tayo," Sabi ni Casandra. Nabored na naman to.

Si Casandra kasi yung tipong student na tamad, pero keribells din sa pagaaral. Nakakapasa siya and all. Matalno siya, pero minsan lokoloko.

Papunta na kami sa basketball court, I have no idea bakit kami nandito. "Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sakanya.

"I dont know. Feel ko lang." Sabi ni Casandra.

"Look who's here?" May nagsalitang famillar ang boses. Napalingon kami sa likod namin. Elizabeth, Fame, at Sarah. Naka-suot ng dress. Aba, gumagawa ng sariling rules sa school? Kungg ano nalang ang pedeng suotin? "Good mornng Aurora." sabi ni Elizabeth.

"Good morning din, Elizabeth." Sabi ko sakanya, in a nice way ha. "Bakit wala pa kayo sa klase?" Tanong ko sakanya. Mahilig din tong magcutting class eh.

Lumapit sila samin. Kami ni Casandra kalmado lang. Parng wala lang samin. At tsaka mukha naman ding kalmado ang tatlong to eh.

"Ang boring kasi sa klase kaya ayun." Sabi ni Fame. Is she talking to me in a nice way? Isang himala.

Lumapit sakin si Elizabeth. Kalmado. Walang expression sa mukha. "Aurora." sabi niya sakin habang nakatingin siya sa baba. "I'm sorry for what I did. Nasabayan lang ako ng pagkabadtrip."

"Oh. Okay lang yun!" Ngumiti ako sakanya. Go with the flow lang. "Naintindihan ko."

And so we hugged. Each other. 

Anong nakain ni Elizabeth?

Badass Boyfriend (Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon