Twenty-nine.

96 0 0
                                    

Chapter 29

        

Tama ba itong nabasa ko? Aalis na siya papuntang America kasama si Patricia? Alam ba ito ni Casandra? Bakit hindi niya agad nasabi sakin?

Tumulo ang mga luha ko. Tahimik ng umiiyak habang nakaupo sa floor, nakasandal ang likod ko sa pintuan. Nawalan ako ng lakas. Hindi ko na alam ano gagawin ko. Mas lalo akong nasaktan; kahit hindi naman dapat, kasi wala akong karapatan. Pero anong magagawa ko kung itong puso ko na mismo ang nag-react?

Life is so unfair.

Para akong namatayan, nawalan ako ng gana. Eto din ang naranasan ko kay Adrian. Matapos ang lahat, ay iiwanan din niya ako. Bakit kasi ang bilis kong ma-fall in love? Tapos pag nasaktan, sobra sobra?

_____

Casandra POV

        

Nandito padin kami sa kotse. On the way na pauwi sa amin, ihahatid nila ako. Ang tahimik din naming lahat sa kotse na parang may dumaan na anghel. Naka-upo ako malapit sa door ng kotse, sa gilid, hiniga ang ulo ko sa bintana. Iniisip kung ano na nanyayari kay Ayla.

Hinawakan ni Daryll ang kamay ko na nasa tabi ko "Dara, anong iniisip mo?" Tanong ni Daryll.

"Wala. Inaalala ko lang kasi si Ayla.." Bulong ko sakanya. Nakita ko si Marco tumingin sa rear-view mirror sa akin, nagaalala din para kay Ayla; he's driving the car. Habang si James naman, natulog lang na parang wala lang sakanya, kalmado, nakahiga ang ulo sa bintana.

At sa wakas nakarating na din kami sa bahay ko, bumaba na ako ng kotse at nagpaalam kela Marco at Daryll, si James tulog padin.

"Ingat kayo sa paguwi ha. Thank you, Marco." sabi ko at nagpaalam narin ako kay Daryll, "Babe, ingat ha." sabi ko ng sinara ko na ang pintuan ng kotse at umalis na sila. Pumasok na ako sa loob ng bahay.

Ang dilim ng bahay namin. Siguro tulog sila mama at papa. Dumeretso nalang din ako ng kwarto ko at ang unang una kong ginawa ay humiga. Pinikit ang mga mata ko dahil sa pagod na talaga ako, gusto kong magpahinga.

Bigla ko naalala si Ayla.

Nilabas ko ang phone ko sa bulsa ko, inunlock ko ang cellphone, pumunta ng contacts at tinawagan si Ayla.

Matapos ng ilang ring, sumagot din si Ayla, bakit ang tagal nito sumagot.

"Hello," boses ni Ayla parang kagagaling lang ng iyak.

"You know what, it's okay if you don't want to attend the wedding," Dineretso ko na siya. Knowing na nasasaktan na nga siya ngayon, paano nalang kung makikita niya mismo ng dalawa niyang mata na ikakasal na si James. "Hindi ka namin pinipilit."

"Hindi Casandra, pupunta ako, yun nalang kasi ang last time na makikita ko si James bago siya pumunta ng America."

Alam na pala ni Ayla tungkol sa pag-alis ni James. "Paano mo nalaman?" I am seriously curious.

"May binigay na letter para sakin si James bago siya umalis."

Must be a loveletter.

"Right." Natahimik ako, hindi ko na alam ano susunod kong sasabihin para maging okay si Ayla, "Handa ka bang pumunta at makita si James na ikakasal siya sa iba?"

"Oo. Kakayanin ko, kasi kailangan."

Badass Boyfriend (Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon