Chapter 21
Nagising ako sa isang kwarto. Nakahiga sa isang napakalambot at malaking kama. Balot na balot sa kumot. Hindi ko masyado matandaan ang nanyare. Umupo ako sa kama at naramdaman ko ang sakit ng ulo ko.
Napansin kong nakasuot ako ng plain white long-sleeve shirt and a pajama. Nasaan ako? Saan tong lugar na to?
And suddenly, bumalik ang ala-ala ko sa nanyare kagabe. Tumaas lahat ng balahibo sa nerbyos. Hindi kaya nasa bahay ako ng isang lalaking gusto akong i-rape? Ano na ang gagawin ko? Naghanap ako ng mga gamit na pedeng ipanlaban.
Nahanap ko ang meter stick. Seriously? Para saan niya ito ginagamit? Nevermind. Matigas naman at mahaba. Pede na siguro to.
Lumabas ako ng kwarto ng padahan-dahan. Sumisilip sa kaliwa at kanan. Dahan dahan akong palakad lakad, sinisigurado kung may tao o wala, pero ang tahimik ng bahay na to. Iniwan lang ako dito? Baka nasa labas siya, may pinaplano sakin.
Napadaan ako sa living room. Nakita kong lalaking nakahiga sa sofa, balot ang katawan at mukha ng isang blanket. Natutulog.
HA! Perfect timing eh? Sabi ko sa isip ko. You are dead.
Hinanda ko na ang hawak hawak kong meter stick at ready nang ihampas sakanya. Lumapit ako sakanya ng tahimik. "One... Two..." Tinaas ko ang meter stick, "THREE!!"
Bulls eye!
"Araaaay!" Nagsalita yung lalake at inalis ang kumot na nakabalot sakanya at napatayo sa sofa. Hawak hawak niya ang meter stick ko, well, parehas kaming nakahawak.
This is so awkward.
"Ang sakit non ah." Patay, si Marco pala to. Nakita ko sa mukha niya na galit at nasaktan sa pagpalo ko sakanya ng meter stick. I mean, sino bang hindi masasaktan, sa tiyan pa natama. "Calm down, will ya?"
"S-s-s..." Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin! Ang gwapo niya pag bagong gising. "Sorry!" Binitawan ko ang meter stick at nilagay ang dalawa kong kamay sa bibig ko. "A-a-akala ko kasi yung..."
"Better watch out lady." He sounds irritated, and he walked out.
"Jusko po." Tinakpan ko ang mukha ko at umupo sa sofa. "Auroraaaaa! Nakakahiya ka!" sabi ko sa sarili ko. I bet he can hear me.
"Here. I know you like chocolates." Binaba ko kamay ko ng onte para makita ko kung ano yung binibigay niya sakin. "I'm sorry, iba mood ko pag bagong gising. Tobleron for you." ngumiti siya.
Aba? Dinaig pa ng babae ang paiba-iba ng mood. "Sure ka?" I asked.
"Yep."
Bigla ako napaisip, nasaan sila Casandra, Daryll at James? Bakit hindi sila kasama dito sa bahay? Bakit kaming dalawa lang ang naiwan dito? And by the way, kaninong kwarto yung tinulugan ko?
"Uh, Marco?" Tinawag ko siya. "Nasaan sila Casandra?"
"May binili lang dun sa may kanto. Bakit? Natatakot ka sakin?" He teased, sitting right next to me. Hindi ko alam pero kinilig naman ako dun. I mean seriously, Marco, pangalan palang ang gwapo na, tapos makikita mo in person na gwapo din? Gosh.
May narinig kaming may nagbukas ng maindoor ng bahay. "Speaking of," sabi ni Marco at tumayo, "andito na sila Casandra."
Narinig kong boses ni Casandra papunta dito sa living room. "Aylaaaaaaaaaa!" Napatayo ako't nakita si Casandra patakbo dito sakin at niyakap ako ng mahigpit. "Thank God you're okay! Wait, are you?" tanong ni Casandra sakin. Ngumiti ako dahil concern siya.