Twenty-two.

111 1 0
                                    

Chapter 22

        

        Lumabas ako ng bahay para ilabas ang dalawang mabibigat na plastic bags ng basura. May suot akong pulang apron. Naka-ponytail ang mahaba kong buhok. Habang nasa trabaho naman si mama at si papa, ako na muna naglilinis ng bahay at nagluluto. Okay nadin 'to para hindi mabored.

        May narinig akong nagbusina sa likod ko habang tinambak ko ang plastic bags sa baba. Lumingon ako sa likod ko. Nakita ko si Marco nakasakay sa isang magandang kotse. Ang linis tignan sa puti ng kotse. Nakababa ang bintana nito sa driver's seat.

        "Wonderful morning, Ayla." bati sakin ni Marco. "Busy ka ba today?"

        "Hindi naman siguro." sagot ko sakanya, nang bigla kong naalala kailangan ko pa pala maglinis sa sala. "Pero.."

        "Maybe I can help." sabi niya sakin. "But first, I want you to change. Magbihis ka."

        "Huh? Bakit?"

        "Basta. I'll wait up here." sabi niya sakin.

        Sinunod ko ang sinabi niya. Pumasok ako ng bahay at umakyat sa kwarto. Nag-aalala sa mga kailangan ko pang gawin dito sa bahay. Sabihan ko nalang na hindi ako pede malate ng uwi kasi may gagawin pa. Sabi ko sa isipan ko.

        Lumabas ako ng bahay ng nakasuot ng skinny jeans at red converse shoes. Nakasupt ng longsleeve white and black stripes at ang shoulder bag, kahit pang cellphone lang ang ilagay ko. Nakatali padin ang buong buhok ko at may naiwang bangs. Konting lipstick para lang magkakulay ang labi ko at konting pulbos.

        Nakita ko si Marco nakatalikod sakin. May hawak na cellphone sa left hand niya at nasa loob ng bulsa naman niya ang right hand niya.

        Lumapit ako sakanya at kinalabit ko sa braso niya. Lumingon siya at nagkatitigan kami ng medyo matagal. May mali ba sa nasuot ko? Bakit ganyan siya makatitig sakin?

        "Cool mo manamit." sabi ni Marco. "Tara?"

_____

        We ended up here sa SM Mall. Anong ginagawa namin dito? Bakit niya ako dinala dito? Ano to, date?

        "Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sakanya.

        "Wala naman. I just want to spend time with you."

        Namula mga pisngi ko sa nasabi niya. Pero hindi ko padin maalis sa isipan ko kung bakit kami nandito. Wala namang okasyon ngayon o ano.

        Habang naglalakad lang kami dito sa loob ng Mall, biglang nabanggit ni Marco si James.

        "So . . ." Nagsimula na siya. "Anong meron sainyo ni James? You two are in a relationshit?"

        Hindi ko alam pero parang nairita ako sa nasabi niya. Relationshit? The fact na hindi naman din ko in a relationshit kay James. Bakit niya naman natanong yun? "Nope . . . Hindi kami." sabi ko sakanya habang nakatingin lang ako sa naglalakad kong mga paa.

        "Cool . . . Not to be rude but, just a friendly advice, wala siyang sineseryosong babae. Kahit ligawan ka pa sa harap ng mga tao. I know James, alam ko ang mga style niya pag dating sa ganyan. Kapag gusto niya, gagawa ng paraan―or should I say, kalokohan para makuha ang gusto niya."

        "Sinasabi mo 'to sakin dahil?"

        "Kasi alam kong nahulog kana sakanya . . . right?" sabi niya sakin ng hinawakan ang braso ko at napahinto kami ng lakad. Hindi ako nakapagsalita; nagtitignan kami mata sa mata, at hinawakan ang pisngi ko.

        Inalis ko ang kamay nito. "Uh . . . Madaming taong nakatingin, Marco." sabi ko sakanya. "Saan ba tayo pupunta?" pinalit ko ang topic.

        "Ayla . . ." sabi ni Marco, nakatingin padin sakin, pero ako naman nakayuko. "I like you."

Badass Boyfriend (Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon