Chapter 3
"Pagkatapos mo makuha ang gusto mo, iiwan mo na ako ng ganun ganun nalang?!"
Narinig kong may isang babae na umiiyak sa basketball court ng school. Nag-e-echo yung sinabi ng isang babae na yun. Pumasok ako, silip lang naman sa door, na-curious ako bigla. Medyo chismosa ba.
"James.. Minahal naman kita. Bakit mo nagawa sakin to?"
Si Hanna?! Bakit siya nakaluhod sa harapan ni James? Kapal ng mukha! Puntahan ko nga.
Tumakbo ako papunta kay Hanna at pinatayo ko. Umiiyak na ng bongga, nakahawak ang dalawang kamay niya sa mukha niya. Niyakap ko si Hanna, pang kino-comfort ko at kinausap si James.
"Wala ka talaga magawa sa buhay mo eh no?" sabi ko kay James. Ngumingiti ngiti lang na parang wala lang sakanya. "Ang kapal kapal kapal times ten ng mukha mo!" lumalakad na kami ni Hanna palayo kay James. Pero bago pa man kami mag-exit ni Hanna..
"Sana pag ikaw nagkaroon ng anak, magiging ganito din ang maeexperience niya sa magiging boyfriend niya. Sinusumpa ko yan!" tumalikod ako sakanya at tuluyan ng lumabas ng basketball court.
_____
Nakaupo kami ni Hanna sa canteen. Tinawag ko na din si Casandra na pumunta nalang rin dito.
"Okay ka lang ba?" Binilhan ko siya ng paborito niyang Mango juice para kumalma lang.
"Thank you." sabi niya sakin habang pinupunasan mga luha niya at ininom yung juice.
Napalingon ako sa likod ko. Nandyan na si Casandra. "Tagal mo talaga kahit kailan, Dara." nagreklamo ako.
"Sorry." umupo si Casandra sa tabi ni Hanna. "Hi, babe. Okay ka lang?"
Taena. Nang-asar pa. "You're not helping." sabi ko ng paseryoso at umupo nadin. Eh baka mas lalo pa umiyak si Hanna kaka-babe ni Casandra eh!
"Okay lang, Aurora." sabi sakin ni Hanna at ngumiti naman kay Casandra.
"Alam mo babe," inakbayan pa niya si Hanna. Boyish ang dating. "Wag kang papatol sa mga ganyang lalaki. Kasi alam mo, yang mga ganyan...." tumingin siya kay Hanna.
"ABA PUPUTULIN KO ARI NILA!" Sumigaw si Casandra at lahat ng tao sa canteen, lalo na mga lalaki, nakatingin na samin.
Lahat natahimik. Humanda ka talaga Casandra.
Tumakbo ako palabas ng canteen ng nakaharang ang bag ko sa mukha. Iniwan ko silang dalawa ni Hanna.
What a scene.
Umakyat ulit ako papunta sa rooftop kung saan yung last na habulan namin ni James.
One step.
Two steps.
Three steps.
& four..
Nakita ko may isang lalaking nakatayo. Nakatalikod siya sakin. Naka-white polo. Hands in his black baggy pants' pocket. Nahahanginan yung buhok niya. Mukhang ang lalim ng iniisip.
Nilapitan ko siya. Tungunu si James pala.
Lumingon siya sakin. Napatigil ako sa paglakad at nanginig. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin. Seryosong seryoso ang pagmumukha.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tinarayan ko boses ko. Para hindi halatang takot ako.
"Gusto ko mapag-isa. Baket?" sabi niya sakin.
Aalis na sana ako nang bigla siyang nag-open up sakin. "Namatay kasi lolo ko kaya hinwalayan ko si Hanna."
I didnt know na seryoso talaga siya kay Hanna. And by the way, sa pagkakarinig ko, ang lolo niya lang talaga ang pinaka-close sakanya since sakanya din siya lumaki.
"Oh.. Condolence.." was my last words at iniwan siya sa rooftop.
Bumalik ulit ako sa canteen. Wala na sila Hanna at Casandra. Saan nagpunta yung dalawang yun? Sinubukan ko ding tawagan sa phone kaso wala. Hindi sumasagot si Casandra.
7:57am and 3 mins left.
Papasok na nga lang ako sa classroom.
Pumasok ako sa hallway papuntang classroom. Late na ba ako? Bakit nagka-klase na?
"Where have you been, Ms Francisco?" Si Ma'am Delia. Teacher namin sa English. Oh diba? Ang taray.
"Sorry ma'am."
Umupo na ako. Kinausap ko si Casandra. "Saan ka pumunta? Hinanap kita eh." sabi ko sakanya ng pabulong.
"Gala tayo mamaya." sabi sakin ni Casandra.
Napangiti ako kasi kahit papaano, makakalabas na naman ako ng bahay, "Anong oras?"
"After classes."
Agad agad? Grabe naman tong si Casandra, haggard haggard kong tignan. Well anyways, last day naman ng pasukan, di naman kami nakasuot ng uniform, edi gora nalang.
_____
After classes, since tatay ni Casandra nandyan na, edi nakisabay nalang ako, pumunta na kami sa Mega Mall kung saan kami gagala.
"Ano bang gagawin natin dun?" tanong ko sakanya, katabi ko lang naman siya. "Wala akong dalang pera eh." Sure, hindi ako prepared, kasi ubos na pera ko sa pagkain kanina sa school. Ito naman kasing si Casandra biglaan kung mag-imbita eh.
"Nandon si Daryll eh."
Daryll Bernales; Ang one and only love of her life.
Alam kong may boyfriend na si Casandra pero hindi ko pa siya namemeet in person. Nakakausap ko naman, like nakakachat pag andyan si Casandra, nakita ko narin itsura niya sa cam dahil sa skype, pero malabo. Mabait din na tao. Pero sa napapansin ko sakanya, hindi ko maintindihan, kasi lagi sila away bati eh. Parang aso't pusa.
How old is he? Not sure tho, pero ang alam ko, 7-10 years ang gap nilang dalawa.
Age doesn't matter. Love is love.
Nang nakarating na nga kami sa mall na to, agad kami pumasok syempre, mainit sa labas eh. Hinanap namin si Daryll.
"Ano pang use ng cellphone kung di naman ginagamit sa pang tawag?" Pagod na akong malakad kakahanap sa Daryll labidabs niya.
Ngumiti sakin si Casandra, "Ay oo nga pala." Seryoso pang mukha yan ah.
Gandang cellphone nung nilabas ni Casandra. "Anong nanyare? Bakit basag screen?" natawa tuloy ako.
"Nahulog kasi to." sabi niya sakin, "pero buti pa nga gumagana pa eh.
Ayan kasi, minsan si Casandra hindi masyado nag-iingat sa mga gamit niya eh.
"Baby, nasaan ka? Andito na kami." Okay, kausap na niya ang labidabs niya.
Ako naman naglalaro lang sa cellphone ko ng flappy bird. Malapit na akong mabadtrip dito kasi di pa naman ganun kalapit, namamatay matay na!
Tap.. Tap..
Patay.
Tap..
Patay.
Tap.. Tap.. Tap.. Tap..
Patay.
"BADTRIP TO-" Gigil na gigil ako sa cellphone ko nang bigla akong kinalabit ni Casandra.
"Ayan na si Daryll!"
Napalingon ako sa likod ko. What the hell.. Magkakilala sila?
"I know what you're thinking." sabi sakin ni Casandra, "oo magkakilala sila."
Palapit na ng papalapit si Daryll at ang lalaking hindi ko inaasahan.
Pinakilala na ako ni Casandra kay Daryll. "Hi, Ayla. Nice to meet you in person." sabi ni Daryll nang naghandshake kami, pero tingin ko ay nasa kasamahan niya.
At eto na nga, pinakilala ni Daryll sakin ang lalaking yun.
"Ayla, diba school mate mo to?" In case you forgot or it was I who forgot to mention, Aurora is my name, pero people call me and know me as Ayla. "Ito nga pala ang best friend ko, si James."
Shit just got real.