Chapter 7
"I said be nice," sabi ng papa niya, gigil, "Ganyan ba ang pagtrato mo sa mga bisita mo? Your mom will be very disappointed at you pag nandito siya,"
Speechless si James. I mean hello, may tama naman si sir diba? "Tsaka alam m-" hindi natapos ang sasabihin ko dahil kay James,
"Hindi ka kasali dito," Nakatingin siya sakin, at sa papa niya naman, at nagwalk out. Kahit kailan bastos talaga si James. Buti hindi ganon kalakas ang boses niya.
"Hayaan nyo nalang po sir, baka ganyan lang talaga si James," humarap ako sa papa niya, "Baka po may pinagdadaanan kaya ganun,"
"Ever since her mom died, he just.." nilagay ng papa niya yung both hands sa mukha niya, pondering. Nafefeel ko parang nahihirapan na papa niya kay James dahil sa ugali.
Kaya siguro madaming yaya dito.
_____
Kumain na kami and all. Ay grabe! Ang sasarap ng mga niluto nila at nakakabusog pa. Kung ganito lang ang buhay siguro matagal na akong mataba. Thank you Lord for this day.
Hinahanap ko si James pero hindi ko mahanap sa laki ng bahay na to. Lahat ng tao nageenjoy sa loob; nagpapatugtog, nagsasayawan, inuman, ect. Pero ako, lumabas saglit, papahangin, kasi hindi ako sanay ng ganitong parties eh.
"Ma, bakit kasi ang aga mong umalis? Ang hirap hirap ng wala ka. Si daddy kasi parati nalang busy busy busy,"
Huh. Saan yun? Hindi ko makita. Parang may umiiyak na lalaki sa kung saan. Ikot ako ng ikot sa paligid ko kaso walang tao. Minumulto naba ako nito? Pero feeling ko si James yun eh.
Dumaan ako sa may mga puno, may mga ilaw naman so hindi nakakatakot, at dahil dun may shadow akong nakita. I bet si James na to.
"Sa daming pedeng maaksidente ikaw pa. Tignan mo ako ngayon oh. Hindi ko na alam ano gagawin ko." sobs
Nakaupo siya sa ilalim ng puno na nakadikit sa dibdib ang legs nito at nakapatong ang dalawang kamay. Naka-hoodie pa. Hindi naman umuulan.
"Alam mo, wag kanang malungkot, kasi kasama na ni God ang mama mo," Sinabi ko to habang naglalakad papalapit sakanya. "Everything happens for a reason, Smith."
Tumingin siya sakin at agad pinunasan mga luha niya, "Anong ginagawa mo dito?" Ang weak ng boses.
"Alam mo.. Masarap sa feeling ang umiiyak nalang," at umupo ako sa harapan niya, "ilabas mo lang yung nararamdam mo. Okay lang ang umiyak." I smiled.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko."
"Na-o-op lang kasi ako sa loob, hindi ako sanay na nagpaparty ng ganun. Hindi ako party girl." sabi ko sakanya at tumawa si James.
"Ang bait mo namang babae. Alam mo, bagay sayo ang maging bad girl." Sabi nito at kumindat.
Ano naman ang meaning nya don? Aba naman 'tong lalaki na 'to. "Forever akong good girl." pasimple ko hinawak ang katawan ko. Baka anong pedeng manyare eh.
Tumawa na naman si James, "Tignan natin ang pagiging good girl mo, kapag nasa akin kana"