Twelve.

167 2 0
                                    

Chapter 12

"Ma, excuse lang po kami ni James saglit ha?" Faking a smile.

Lumabas kami ni James ng room. "Bakit mo ginawa yun?! Hindi naman tayo at hinding hindi manyayare yun!" Pinapalo-palo ko si James sa braso nya sa sobrang asar.

"Ang cute kasi ng parents mo." Hindi mapigilang tumawa ni James "Botong boto saakin parents mo oh. Gwapo ko daw."

Kung pede lang baka kanina ko pa pinatay si James. Anong akala niya? Di porket gwapo at sa kakaganyan niya pede niya na ako makuha. Argh.

"Ewan ko sayo! Basta, hindi tayo. Sabihin mo yan kay parents!"

Nagbukas ang pinto ng room, lumabas pala si mama, "Pasok na nga kayo dito sa loob. Oh, bibili lang ako ng makakain natin ha."

"Ako nalang po ang bibili, tita." Sabi ni James.

"Ay, sure kaba iho?"

"Oo naman po. Kaya ko naman po,"

Umalis na si James at pumunta sa kung saang pedeng bumili ng pagkain. At kami naman ni mama pumasok sa loob at nakipagkwentuhan.

_____

"Tito, tita, Ayla. Ito na po ang pagkaen." Pumasok ng room si James na may dalang pagkaen na Jollibee. Seriously? "Jollibee po."

Laking gulat nila papa at mama nang makita nila si James may dalang Jollibee.

"Iho! Ikaw bumili nito? Grabe ka naman. Kahit yung a-" natigil si mama sa pagsalita.

"Okay po tita. Para naman po mabusog din kayo no. Ito po drinks nyo, tapos chicken, may spagetti pa po tsaka pineapple juice.." Nilagay ni James ang mga pagkaen sa lamesa.

Anong meron sakanya? Bakit bumait?

Tumingin ako kay James, at ganon din saakin, "Anong lahat ng to?" Bulong ko sakanya.

"Malamang, pagkaen." Binigay niya sakin ang spagetti. "Alam ko spagetti paborito mo."

"Tama! Yan ang one and only paborito ni Ayla!" Sumingit si papa ng kumakain na.

Lahat ang saya saya. Tuwang tuwa sa nagawa ni James. Bakit nga ba bumait tong si James? Nakita ko kung paano siya makisama sa parents ko. Tuwang tuwa si mama kay James kasi daw ang bait. Tumabi pa siya kay papa. Aba? Close sila?

"Ayla! Kain na uy!" Sabi ni mama.

Ngumiti ako at nilapitan sila. Tumabi ako kay James.

"Thank you." Pabulong ko sakanya,

"Anytime, princess."

_____

"Ang sweet naman pala ni James eh! Mabait pala." Sabi ni Casandra.

Nandito kami ngayon sa labas, Mcdonalds, nagyaya kasi siya eh. 2 burgers, 2 large fries and 2 coke drinks sa malaking black tray namin.

I rolled my eyes at sumubo ng fries. "Hindi rin. Kunware lang yun,"

Tumawa si Casandra, habang umiinom naman ako ng coke, "Malay mo? Tinamaan na sayo si James," sabi niya at nabulunan ako.

Cough cough. "Casandra. To the N to the O means NO. Grabe naman imagination mo."

Moment of silence. Tinapos na namin ang pagkain namin kasi kanina pa kami nagdadaldalan.

"Ilang weeks nalang, wala na naman tayong pasok," sabi ni Casandra.

"Huh? Bakit?" Sabi ko. Minsan kasi, hindi ko talaga alam ano nanyayare sa school.

"Kase......" Kunwareng nagiisip si Casandra, nakatingin sa taas, "First sem?"

"Ay oo nga pala."

Facepalm si Casandra. "Pay attention kasi, Ayla. James ka ng James eh."

"Huh? Hindi kaya. Utak ko kasi nakay papa pa." Napasimangot ako.

Naalala ni Casandra sa nanyare sa papa ko. "Kamusta na pala siya? Kamusta kalagayan?" Casandra asked.

"Okay naman. Pagdating namin ni James, kalmado lahat."

Huminga ng malalim si Casandra. Kahit papaano, parte narin sa family namin si Casandra. Para narin nya parents ang parents ko. At syempre, twin sister bff ko nga itong si Casandra, tapos bff din ang mama namin.

"Musta naman kayo ni Daryll?" Tanong ko sakanya.

"Okay naman. Staying strong." Sagot niya sakin. "Tapos, darating din siya mamaya dito, kaya nag-order din ako ng isa pang burger para sakanya. Share din naman kami dito sa fries." Ay talaga naman.

"Speaking of..." Sabi ni Casandra na nakatingin sa harapan niya, na nasa likod ko, pagkalingon ko, si Daryll.

At syempre di mawawala ang best friend niyang si James,

"Parang napapadalas na ang pagsasama ni James saatin ah." Sabi ko kay Casandra.

"Kasi, nandito ka." Sabi ni Casandra na kinindatan ako at umupo na sila sa tabi namin; tumabi sakin si James.

"Hi babe" sabi ni James sakin.

Ngumiti ako ng papilit, "Wag kang feeling ha?" Sabi ko sakanya in a nice way ng nakangiti. Naasar siya.

"Okay lang yan. I am officially your baddass boyfriend." Sabi niya sakin ng nakataas ang dalawang kamay at tuwang tuwa.

Badass Boyfriend (Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon