Chapter 19
-
He's inlove with me.
He's into me.
He likes me.
Hindi ako makapaniwala sa nalaman at naririnig ko. Kaharap pa niya ang nanay ko. Hindi ko alam kung totoo ba tong pinagsasabi niya dito.
Ngumiti samin si mama. "Pauwi nadin ang papa nyo maya-maya. Dun muna ako sa kusina. Take your time."
So back to us, me and James.
"Alam ko parang ang bilis. Hindi ko din alam bakit bigla ko ito sinabi sayo." James looked so serious. "Alam kong madami akong nalokong babae. Pinaglaruan. Nasasaktan. Pero Ayla, you changed me." sabi niya ng hawak hawak ang dalawa kong kamay.
Is this forreal?
Heart vs Brain
Heart: I like him.
Brain: He's kidding with 'ya.
Heart: Baka nagsasabi siya ng totoo.
Brain: Manloloko siya!
Heart: Wala naman sigurong masama kung magtry.
Brain: Masasaktan ka lang!
Heart: Baka nga nagbago na siya.
Brain: Best actor.
Heart: Last na 'to.
Brain: Pang ilang last mo na yan?
I can't decide.
"Ayla?" Nabanggit ni James ang pangalan ko ng biglang bumalik ako sa reality.
Hindi nga talaga ako nananaginip. Akala ko di totoo tong nanliligaw siya.
"Maiintindihan ko kung hindi mo ako sasagutin o ano. Hindi naman kita pinipilit. Pero hindi ako titigil hangga't hindi kita mapapaniwala na nagbago ako. I'm being honest with you Ayla. I like you."
Nag-open ang bibig ko pero walang lumabas ni isang salita. Titig na titig kaming dalawa ni James.
Biglang may nagbukas ng maindoor. Andito na si papa. Napatigil kami n James at nabitawan ang mga kamay ko at humarap kay papa.
"Good evening po sir." James greeted. Nag-mano sakanya.
"Oh James. Andito ka pala?" nagulat si papa nung makita si James.
"Oh tamang tama papa, andito kana. Eto katatapos ko lang magluto." sabi ni mama. Hawak ng isang kamay ang plato ng kanin at isang kamay naman ang plato ng chicken. At inilagay ito sa lamesa.
Maya-maya niyaya ni papa si James na kumain na dito samin dahil gabi din naman. Siguradong wala pa kain si James at nagugutom na.
"James tara kain." Sabi ni papa.
"Hindi hindi. Busog po ako." Obviously, nagsisinungaling si James. Kasi, narinig namin tumunog yung tiyan niya. Weird.
"Nahihiya ka lang eh! Tiyan mo na mismo nagsasalita. Halika na!" Sabi ni mama. Pumayag naman si James.
Magkatabi kami ni mama, si James naman at si papa. Habang kumakain, nagkkwentuhan; tungkol sa buhay ni James, kung saan nakatira, nasaan ang parents niya..
"Yung mother ko po, namatay po dahil sa car accident." Lahat kami napatigil sa pagsubo ng pagkain nung nasabi ni James tungkol si mama niya. Lahat kami nag-focus kay James.