Chapter 13
Nandito si Casandra sa kwarto ko, overnight, may pasok nadin kasi bukas so balak niya na sabay nalang kami pumasok sa school. Dinala pa ni Casandra uniform niya at mga iba pang gamit para bukas.
Nakahiga ako dito sa sofa. Dalawang kamay nasa tiyan ko, straight ang legs, nakatingin sa taas.
"I am your official badass boyfriend,"
Naalala ko yung sinabe ni James na pa-echo echo pa sa utak ko. Hindi naman ako kinikilig pero.. Ewan ko ba. Ang weird ng feeling. Ang lalim ng iniisip ko. Lahat tungkol kay James. Bakit nga ba.
Bigla ako pinalo ni Casandra. "Hoy! Ano na naman yang iniisip mo?" Sabi niya sakin ng umupo sa legs ko. Ang bigat!
"Wala. Inaantok lang ako." Nagsinungaling ako. For sure aasarin niya ako neto eh.
Moment of silence, nang biglang pumasok si mama sa kwarto.
"Oh. Gabi na ah? Bakit hindi pa kayo natutulog?" Sabi ni mama ng may dalang mga natuping damit na ilalagay sa cabinet ko. "Matulog na kayo. Maaga pa kayo bukas."
_____
TOOT! TOOT! TOOT!
"Aylaaaaaaaa! Patayin mo cellphone mo. Ang aga paaaaaaa"
Sabi ni Casandra na nakahiga at nakapikit pa ang mata sa kama. Did I mention na parati siyang late? Yes she is. Especially, sa school, late dumadating.
"Gising na kasi, Dara! May pasok na tayooooo" Kinuha ko kamay niya, hinihila siya sa kama, pero ang bigat! Hindi ko yata kakayanin. "Daraaa!"
And I give up. Binitawan ko kamay niya. "Ayaw mong gumising ha." Pumunta ako sa banyo at nilagyan ng tubig ang tabo. Konti lang naman.
Binuhusan ko ng tubig si Casandra sa mukha nya. Bumangon siya bigla. "Aurora Mae Francisco!" Sumigaw siya at tumingin sakin. "Smith!"
Tinaasan ko ng kilay si Casandra at napanganga sa nasabi niya. "Never ako naging Smith at hindi magiging Smith!"
Tumayo si Casandra at hinarap ako. "Hindi natin alaaaaaam," ngiting wagas naman siya.
"Dont you wish,"
"Your boyfriend was hot like me!" Kumanta pa siya. Ay talaga naman.
Maya maya nakaligo na si Casandra at ako naman ang sumunod. Naghahanda na ng mga dadalhin para sa school.
Pagdating sa school, dumeretso kami sa canteen. Lahat nakatingin sa amin. Ang sasama ng mga tingin ng mga babae. Anong meron?
"Ba't nakatingin sila sayo?" Tinanong ko ng pabulong kay Casandra.
"Hindi ako!" Pasigaw na pabulong na sinagot niya. "Kumalat na kasi na boyfriend mo na si James."
May tatlong babae ang lumapit sa amin. Mga babaeng pasosyal at maaarte. Mga kontrabida sa buhay ko.
"Is it true? You're in a relationship with James?" Sabi ng isang babaeng si Sarah.
"You mean, relationshit!" Sabi naman ng isa na si Elizabeth.
"God. You're not so bagay to James. Because you are nothing but a poor lady." Another girl, Fame, finally said.
Kompleto ang tatlong 'to ah. Talagang kompleto sa sasabihin nila.
Nakatayo lang kami ni Casandra, pinapatapos ang mga comments ng mga lokong 'to.
"Tapos na kayo?" Sabi ni Casandra, ang angas. Hindi nagsalita ang tatlo. "Baka masapak ko kayo ng di oras nyan." Dagdag pa nito. Parang lalaki kung makapagsalita.
"And you are a who-" hindi na pinapatos ni Casandra si Elizabeth.
"You are a whore." Sabi ni Casandra.
Aba sige tara! English na itu.
"Meeting the 5 boys for one day. Kung saan saan ka nakikipag-date, kung saan saan ka nakikipagkita sa limang lalaki mo." Casandra's definitely telling the truth.
Ganun talaga si Elizabeth kapag di niya mahanap ang hinahanap niya. Pagsasabayin niya talaga!
"And the fact that you are in a relationship with my brother!" Sabi ni Casandra. Her last words made Elizabeth speechless.
Ah well. May kuya si Casandra, sa ibang nanay.
You go, girl!
Napanganga si Elizabeth sa nasabi niya. This is war! This is sparta!
"Kalma na Dara. Sayang ang oras natin sakanila." Sabi ko sakanya nang hinawakan ko mga braso nya at hinihila palabas ng canteen.
"We are not done, Casandra!" Narinig namin ang pagsigaw ni Elizabeth habang palabas kami ng canteen. "And to you too, Aurora!"
"Stop calling me Aurora." Sabi ko sakanya ng sa wakas nakalabas na nga ng canteen.
That was close.
"Haynako. Nasira beauty ko dun ah." Sabi ni Casandra, tumawa kaming dalawa.
"Napahiya mo ng di oras si Elizabeth. Saktong nandun yung tinutukoy mong limang lalake na dinedate nya. Buti wala si Paulo dun." Sabi ko sakanya habang naglalakad kami. Paulo ang pangalan ng kapatid niya.
Buti nga siya may kuya eh. Well kahit papaano, in good terms naman ang family ni Casandra, ang tatay at ang nanay niya, at ang nanay ni Paulo. Nameet ko lang si Paulo nung 14 birthday namin ni Casandra. Sabay kami nagcelebrate at nandun ang kuya niya.
Ang gwapo!
"Kaya nga eh. Baka magwala yun pag nalaman niya. First love nya pa man din si Elizabeth. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Elizabeth sa kuya ko." Sabi niya.
So ayun nga. Naglalakad kami, papunta na kami ng classroom, pagdating namin dun, tinginan samin at natahimik ang mga classmates namin. Bakit na naman?
"Ayla oh. Sinulat ni Elizabeth sa board." Sabi ni Hanna na tinuro ang board.
"You'll die soon, Aurora Mae. Watch, wait and see." Binasa ko ng mahina ang boses. Buti di permanent marker ang pinansulat niya. Kawawa si Sir Eugene pag nagkataon. Mahihirapan siyang magbura.
"Alright people, listen up!" Sabi ni Casandra. Actually, itong section naman namin lahat magkakasundo. Good vibes, people. Lahat dito team mates. Ang saya no? "Itong si Eli-"
Pumasok bigla si James classroom. Tinginan kami lahat sakanya. Ang mga classmates naman, biglang nag "ayieee" saaming dalawa. Pati ba naman dito kalat?
Ngumiti naman si James. Inirapan ko siya ng di oras.
"Nabalitaan ko yung ginawa sayo ni Elizabeth." Sabi ni James. Hindi ko ma-identify itsura niya. Kung seryoso ba, o nangaasar, o ano.
"To the rescue si James!" Sabi naman ng isang classmate.
"Hayaan mo si Elizabeth. Di ren yun magtatagal." Sabi sakin ni James.
"Feeling hero?" Sabi ko sakanya.
Ngayon ko lang napansin na seryoso ang mukha ni James. "Basta wag mo lang siya pansinin!" Sabi niya sakin.
"Wow. Concern?" Sabi ni Casandra, kinikilig.
"Anything for Ayla." James winked.