Chapter 6
Nasa canteen kami, bumibili si Casandra ng makakain, libre niya daw eh. Habang ako, naglalaro lang sa cellphone nang kung ano pwdeng malaro dito.
Makalipas ng ilang minuto nilagay na ni Casandra yung mga nabili niya sa table at umupo sa harapan ko. "Anong nanyare sa dream mo?" Ngumiti si Casandra, abot langit.
"Ni-rape ako ni James." Ngumiti ako ng pa-sarcastic.
Abot langit ang ngiti ni Casandra na parang tuwang tuwa at kilig na kilig sa nanyare sa panaginip ko. "Enjoy ba?"
"Stupid! Kadiri kaya."
At dun biglang natahimik. Ang tahimik din kumain. Anong nanyare? Inoobserbahan ko si Casandra. Hindi makakain ng maayos, parang may gustong sabihin. "I-kwento mo na." palambing ko sinabi. Napatigil siya sa pag subo.
"Ano kasi, si Daryll, nung nasa bahay, na-"
Punong puno pa yung bibig ko bigla ako nagsalita, "You did what?!" tipong anlaki pa ng mata ko. Nagulat si Casandra.
"Kalma, pede?" Boses pagalit. Emergerd.
"Joke lang."
Habang kumakain ako, since patapos nadin naman, nagsimula na magkwento si Casandra.
Kung ano nanyare sa monthsary nilang dalawa, patungo sa bahay, and seriously shit just got real. Nakahinga ako ng malalim nung nalaman kong di ren natuloy.
So close, yet so far.
"Alright, young lady." Sabi ko nang nakatutok pa sakanya yung hawak kong tinidor sa ilong niya, naduling din siya. "Wag masyado ha? Bata kapa." at kahit naman din ako bata pa.
"Alam mo, kahit 7th monthsary nyo pa yan, kahit years pa yan, hindi ka padin pede gumawa ng katarantaduhan, isipin mo kinabukasan mo," Wow. Nagsalita ang nanay. Pero totoo naman diba?
"Alam ko, alam ko,"
"Good,"
_____
5pm na, nasa school padin ako, mga 4pm ang uwian eh. Nag-extend lang ng isang oras. May inasikaso lang kasi na project. Wala na masyadong tao at pagod na pagod na talaga ako,
On the way na ako sa gate para makalabas na ng school, nang biglang may humarang na kotse, tinted pa, sa tapat ko pa. Nanginig pa ako sa takot. Maya maya binaba na ang bintana nito.
Daryll with Casandra.
"Neng, hatid kana namin dali." Alok sakin ni Casandra. Anong meron sa dalawang to? Halos everyday ang date nilang dalawa ah. Pero okay lang, legal naman sila, sana lang nagpaalam sila.
Sumakay na ako sa kotse. "Pero bago yun, punta muna tayo kay James. Birthday ng papa ni James."
"Sinong nagsabi na pede tayo pumunta?"
"Daryll,"
"Si Daryll pala eh, wala namang sinabi ng papa ni James na isama tayo!"
"Ang sabi ng papa niya isama daw ang barkada namin ni James." sabi ni Daryll
Barkada? Kami ni James? or ako ni James? Kailan pa? Ang feeling niya ha. Hindi kami close, at hinding hindi na manyayare yun.
"Fine,"
Hindi na ako nakapagsalita, kasi baka magtampo na naman tong si Casandra kung di ako makisama.
_____
And here we are,
Hanep. Napanganga ako. Ang laki laki ng bahay. Ang ganda ganda pa! Pagpasok namin sa gate, may fountain na may ilaw pa ng iba't ibang kulay. Sa right ko naman, nakapark ang dalawang Mercedes na kotse, all black pa. Nakatatak pa sa likod ng kotse ang pangalan ni James. So, kanya to lahat?
Busy na busy ako tignan yung mga nasa paligid ko. Grabe kasi ang gaganda lang. Kung ganito lang talaga ang bahay ko siguro hinding hindi na ako aalis. Inikot ko talaga lahat.
"Baka gusto mo pumasok." Ang famillar ng boses na yun. Palingon ko si James lang pala. Napatalon ako sa gulat.
"Para kang nakakita ng multo." sabi ni James.
I nodded, "Monster ka kasi eh." ngumiti ako ng bongga at naasar si James.
Nauna ako sakanya pumasok ng bahay. Ang ganda ng pagkakaayos at pagkakapintura ng walls. Para akong inosenteng bata na parang ngayon lang ako nakakakita ng ganito. Totoo naman eh. Sa teleserye ko lang naman nakikita ang mga ganitong ayos ng bahay, naamazed pa ako in person.
"Ayla! Upo ka nga dito." Pabulong na pasigaw na sinabi ni Casandra. Lel,
Sumunod ako sakanya at umupo sa tabi niya, sa malaking couch. Nasa gitna namin ni Daryll si Casandra. May bumaba na matandang lalaki sa hagdanan, I bet papa na ni James to. Ang pogi ha.
Tumayo kaming tatlo, "Good evening sir," at syempre ngumiti kami.
"Thank you sa pagpunta nyo dito."
Napatingin siya sa likod niya, nagsidatingan ang mga bisita, --kabarkada-- nagbeso-beso. Ang yayaman din siguro nila. Ang formal kasi ng pinagsusuot ng mga lalaki at babae. Nahiya naman ako, unifrom lang; napatingin ako kay Casandra, unifrom lang din. Haha! May kasama ako.
"Please have a seat." sabi ng papa ni James at umupo na nga ang mga bisita sa mga couch.
This house is really biiiiiiiiiig. HUGE! Ang dami pang couch na pede pang maupuan. Lagi bang may party dito?
"James, alukin mo sila ng juice or something. Be nice," bulong niya kay James, at naasar pa to.
Pumunta na si James sa kusina at bigla kami kinausap ng papa niya.
"Pasensya na, ganyan lang talaga ang anak ko. Namatay ang mother niya when was just 6 years old, car accident," Kwento ng papa niya. Kaya naman pala ma-bully. "You guys want some juice or coffee or somethin'? Sabihin nyo lang kay James. Mabait na bata naman yun pero kadalasan laging naasar."
Sad but true.
Binigyan ng ibang katulong ng maiinom ang mga bisita, at si James naman, kami ang binigyan. Wait, only 2 glasses of juice?
Binigay ni James ang isang baso kay Daryll at kay Casandra. How rude.
"Oh sorry, didnt know gusto mo din ng juice." Sabi sakin ni James ng pakunwareng inosente.
"Dont play innocent with me, young Smith. If I had a chance I'd kick your ass off." sabi ko sakanya, cursing,
"May sinasabi ka?"
Nanlaki mata ko. Sana hindi narinig ng papa niya at ni James. "Wala. Sabi ko hindi ako umiinom ng juice, buti nalang di mo ako binigyan." nginitian ko siya.
"You sure? Ako nalang ang kukuha." sabi ng papa ni James. "James can be so rude anytime."
"Yep, I agree sir."
Tumingin papa niya kay James, "I said be nice,"
***
AN: Well sorry ngayon lang nakapag update! Uso ang brownout dito sa pinaas eh. Feel me? At kagagaling ko lang din ng hospital 2 days ago; pero I'm good naman.
Good day, people!