Chapter 30: The Wedding
Gumising ako. Grabe ang linawag ng kwarto ko dahil sa sikat ng araw na nagrereflect sa bintana ko. Tinignan ko ang cellphone ko para makita kung merong messages.
11mins ago
Missed calls: Casandra (16)
Messages: Casandra (3)
Hindi ko alam bakit ang daming notifications na galing kay Casandra. Anong meron? I checked the date sa phone. THURSDAY.
THURSDAY NA NGAYON. Kasal na ni James at Patricia! Late na ba ako? Tinawagan ko si Casandra at sumagot ito agad, ni-loudspeaker ko, habang nagpapalit na ako ng damit ko.
"Ayla! Bakit ngayon ka lang?"
"Sorry! Nakatulog ako ng sobrang tagal!" Sumisigaw ako, malayo kasi ako sa phone ko, nasa cabinet ako naghahanap ng susuotin.
"Well hurry up. Malapit nang mag-start ang kasal."
Sakto natapos akong magbihis, "Oo! On the way na!" Binabaan ko na si Casandra at nilagay ang phone ko sa loob ng bag ko. Pumunta ako sa banyo para makapag-hilamos nalang at mag toothbrush.
_____
Right on time. Bumaba na ako ng taxi. I was wearing white high-heels, white dress na hanggang tuhod. Buhok ko na tinali ko ng papaikot, ni isang buhok hindi naiwan, may kontig bangs. Nahiya akong pumasok sa church. Ang daming tao na nasa labas na nakikpag-usap. I spotted Casandra standing next to Daryll, Marco, and James, nasa labas ng church.
"Finally!" Nakita ako ni Casandra at pinapapunta sakanila. "You look amazing, Ayla."
Titig na titig sakin ang mga lalaki na parang ngayon lang sila nakakita ng babaeng naka-dress.
"Parang ikaw pa yung ikakasal eh. Kaso hindi nga lang long gown." Pabirong sinabi ni Daryll.
Tumawa kaming lahat at nakita namin si Mr Smith papalapit sa amin.
Binati namin lahat si Mr Smith. "It's nice to see all of you here." Napatingin sakin ang tatay ni James "Ayla. You made it. You look wonderful, as always."
"Thank you." sabi ko sakanya.
"So, kilala mo na pala si Marco?" Tanong niya sakin.
"Ah opo. Boyfriend ko po." Sabi ko nang kinuha ko ang kamay ni Marco.
Tinginan sakin sina James, Casandra, Daryll, Mr Smith, at syempre si Marco, dahil sa nasabi ko. Hindi ko alam kung bakita.
Awkward silence..
"Anyways, umupo na kayo dun, parating na ang bride." Sabi ni Mr Smith at pumasok na kami sa church.
Lahat ng mga tao pumasok na at umupo sa mga kani-kanilang upuan. And then James is there, nakatayo sa altar. He looks nervous.
Ginusto niya ba talaga ang ikasal siya kay Patricia?
O dahil may kapalit?
Tumayo ang lahat nang hindi ko napansin. Kinalabit ako ni Casandra, pinapatayo, dahil nandito na ang bride na si Patricia.
Nauna ang mga bata at mga abay sa paglalakad . . . nang nasa pintuan nang nakatayo si Patricia. Ang ganda ni Patricia, kahit saan nababagay.
Kahit sa basura. Opps, bitter.
Nagsimula na siyang naglakad ng padahan-dahan papunta sa altar . . .
Let's skip, shall we?
"James, do you take Patricia for your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until do you part?" Tanong ng pare kay James.
Tumingin si James kay Patricia na parang hindi siya masaya. "I . . " Huminga ng malalim si James "I do"
Nakita kong ngumiti si Patricia sa kilig dahil sa matamis na I do ni James na parang feel na feel niya pa.
"Patricia, do you take James for your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until do you part?"
"I do"
No no no no..
"You may now kiss the bride."
Lahat ng mga tao sa church ay kinilig at tuwang tuwa dahil kinasal na si Patricia at James. Ako? Nakaupo lang. Habang sila nagkakasayahan. Hindi ko napansin na tumulo na pala ang mga luha ko, agad to pinunasan ni Marco.
Nasa gitna ako ni Casandra at Marco.
"You'll be fine," Sabi ni Marco. Tumango ako. Hinawakan ni Marco ang kamay ko ng mahigpit na parang ayaw na niya bitawan.
Nung hinawakan niya ang kamay ko, bigla ako napaisip, na oras na para buksan ang puso sa iba at kalimutan na si James.
Tumingin ako kay Marco. Masaya din siya para sakanila ni James at Patricia. Ang gwapo niya kung ngumiti. Bigla ko naramdaman na parang safe ako sakanya, dahil lang sa paghawak niya sa kamay ko.
Nahuli ako ni Marco nakatingin sakanya. Geez. "Gusto mo alis na tayo dito?" Tanong ni Marco sakin. Habang nagpipicture picture pa ang mga lahat sa bagong kasal.
_____
"Nagulat ako nung pinakilala mo ako sa tatay ni James na boyfriend mo." Nandito lang naman kami sa labas ng church. Wala masyadong tao at tahimik. Malamig pa ang hangin. Nakaupo sa hagdanan ng church.
"Alam ko. Kahit naman ako nagulat nung nasabi ko yun. Nabigla lang ako. Sorry."
A moment of silence matapos ang usapang yun . . . nang bigla akong tinanong ni Marco.
"Ayla.. I will ask you one more time." Tumingin siya sakin. Hindi ko siya matignan mata sa mata.
"Just a try . . . I mean, hindi forever na lagi nalang si James, kalimutan mo na siya at subukan mo buksan ang puso mo." Nagsimula na si Marco.
"Hindi ako handa . . . "
"Hindi sa hindi ka handa Ayla. Takot ka lang. Yang takot na yan, labanan mo. Kaya mo naman eh pero ayaw mo lang kasi nga takot ka." Nagsimula ng magsilabasan ang mga luha ko sa mata ko. "Takot ka kasi ayaw mong magkamali. Takot ka kasi baka masaktan ka ulit." Hinawakan ni Marco ang kamay ko na nakapatong lang sa hagdanan ng inuupuan ko
"Ayla. I will never, never, hurt you. I promise."