Thirty-one.

110 1 0
                                    

Chapter 31

1 week later.

Nakaupo ako sa malaking couch ni Casandra habang nagbabasa ng twitter updates sa cellphone ko. Both elbows nakapatong sa tuhod ko, naka-bun hairstyle. Suot ang sweater pink jacket ko, naka-white sando and white short shorts.

May narinig akong doorbell, agad tumakbo papunta sa pintuan si Casandra at binuksan ito.

Narinig ko ang boses ni James at Patricia. Napalingon ako sa likod ko, nagulat.

"Where's Ayla?" Narinig ko pangalan ko, hinahanap ako ni Patricia.

Tumayo ako at pumunta sakanila. Padahan-dahan. Nung nakita ko na sila, nagulat ako, bakit parang naka-porma silang dalawa.

"Oh there you are." Ngiting ngiti si Patricia sakin na parang may ibabalita siya sakin na magandang balita. "Me and my husband, James, are leaving. We're going to America!" Sabi niya, excited.

Tinignan ko si James, nakatayo. Parang napipilitan.

"Seriously James?" Tanong ni Casandra. "Aalis kana ng America kasama si Patricia?"

Tumango lang si James, malungkot. "Of course he is! I am his wife." Sabi ni Patricia. Siya lang ang masama.

"Baby," sabi ni Patricia, tumingin kay James "say bye bye to Casandra and Ayla.l

Napatingin ako kay James, ganun din siya. Eye-to-eye contact. Feel ko matutumba na ako. Nanginginig mga tuhod ko. "Ingat kayo . . ha?"

"Ikaw din." Hindi makatingin si James sakin "Ikaw din Casandra. Salamat sa lahat."

"Alright! Everything's done." Sabi ni Patricia, halatang gusto na niya patapusin ng makaalis na sila. "Goodbye! It was nice seeing you guys." Kinuha ni Patricia ang kamay ni James, "Mwamwa!" Kumakaway si Patricia at nag blow kiss.

Sumakay na sila sa malaking kotse, may driver.

. . . at dun na sila umalis.

Nandito lang ako, hindi ako gumalaw, hindi ako nag-blink, parang pati paghinga ko natigil, puso ko tumigil sa pagtibok.

Naluha na pala ako.

Niyakap ako ni Casandra "Hayaan mo na si James. Magkakaroon nadin yan ng sariling pamilya." Mas lalo ako nasaktan dun.

Ngumiti ako tapos pinunasan ko mga luha ko. "Okay lang ako." Tumingin ako sakanya. "Masaya ako para sakanya."

"Masaya nga ba talaga?" Tanong ni Casandra. Nakataas kilay pa.

Tumango ako, tapos pumasok nadin kami sa loob.

Ika nga, if you love someone, let them go.

"Gusto mo nuod tayo sa sine? Tawagan ko sila Daryll at Marco para naman . . . malibang ka lang or something. Para hindi ka ma-stress . . " Suggest ni Casandra. I love cinemas! Ngumiti ako sa naging idea niya.

"Ano naman ang mapapanuod dun?" Tanong ko.

"Da Possessed!" Sabi ni Casandra na mas excited pa kaysa sakin. Clapping her hands.

Tumili kami ni Casandra na parang mga batang kinikilig, patalon talon pa! Lumabas tuloy ang nanay ni Casandra na si tita Susan galing sa kusina. "Huy! Ang iingay nyo. What's happening here?" Tanong ni tita Susan.

"Ma! Magsisine kami nila Ayla. Please please please?" Lumapit si Casandra kay tita Susan, nagmamakaawang lumabas.

"Be home before 6 o'clock." Sabi ni tita Susan, natuwa si Casandra.

"Tara na Ayla! Magbihis na tayo!" Kinuha ni Casandra kamay ko at tumakbo papunta sa kwarto para makapag-bihis.

_____

Madilim dito sa loob ng sine, as usual. People are watching. Yung iba natatawa, yung iba tahimik, yung iba maingay; kaming apat naman dito na nasa harapan mismo, tahimik lang, ineenjoy ang movie.

Kami ni Casandra nasa gitna nila Daryll at Marco. Obviously, katabi ko si Marco, at katabi naman ni Casandra si Daryll.

Nakabili kami ng chips habang nanunuod ng sine. Hindi maalis ang tingin ko kay Vhong Navarro kahit medyo may pagka-weirdo ang character niya sa movie na yan. Ang cute niya parin.

Nasa part na kami ng Da Possessed na nagkakilala si Ramon (Vhong) at Anna (Solenn). Kinilig kaming lahat, bagay din naman silang dalawa, kasi parehas silang gwapo at maganda. Napansin kong parang nilalapit ni Marco ang kamay niya sa kamay ko. Ang mukha ko nakaharap sa malaking screen pero ang mata ko nakatingin sakanya.

Nung nafeel ko na ang skin ng kamay niya sa skin ko, pinagbigyan ko, edi hinawakan ko na ang kamay niya ng kusa, pero mukha ko naka-focus padin sa screen, nararamdaman kong nakangiti si Marco.

Parang ayaw na bitawan ni Marco ang kamay ko dahil sa sobrang higpit ng pagkahawak niya, fingers intertwined.

I feel safe.

        

        

*

Hello hello hello madlang wattpad readers! :) Enjoy naman po ba sa pagbabasa? Haha. Maraming chapters pa yan, I guess. Hope you'll like it.

Peace yo!

Badass Boyfriend (Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon