Sorry I'm late!
x
x
x
x
Chapter 35
"Happy 1st Month, Ayla!"
First month palang pero pakiramdam ko parang ang tagal na namin. Pumayag ako makipag-kita kay Marco, first monthsary date.
Pero..
Sa tagal ng pagsasama namin ni Marco, sa mga panahon na nakasama ko siya, spending the nights with him . . .
Akala ko matutunan ko siyang mahalin at makaya kong kalimutan si James.
Hindi pa din talaga.
At saktong nabalitaan namin na bumalik na naman sila dito, galing America. Akala ko ba doon na sila titira? O baka naman bakasyon lang. Hindi ko alam. Pero bumalik na naman ang nararamdaman ko sakanya.
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sakanya?
Tinawagan ko si Marco, niyaya ko siya makipagkita sa isang place, kung saan tahimik, kung saan maganda, para sa mga taong makapagusap ng maayos.
_____
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo Ayla?" Tanong ni Casandra sakin, kausap ko sa phone.
"Hindi. Pero alangan namang papatagalin ko pa ang relasyon na 'to kung lumipas ng isang buwan, hindi ko pa din kayang mahalin si Marco?" Sabi ko sakanya "At mas gugustuhin at tatanggapin ko na lang na habang maaga pa, magagalit na siya sakin. Kaysa sa patagalin ko pa to ng walang kasiguraduhang kaya ko siyang mahalin, mas lalo siyang masasaktan."
"Basta, andito lang ako para sayo."
"Salamat Dara."
Hindi ko alam ano manyayare mamayang gabi kapag nasabi ko na kay Marco ang totoo. Mapapatawad niya pa kaya ako? Sinubukan ko namang mahalin siya eh. Pero hindi talaga natablan.
_____
James POV
"Son!"
Nakarating na kami ng airport kasama si Patricia, nakita ko si daddy nakatayo malapit sa waiting area at lumapit samin.
"So good to see you again." Sabi ni daddy, hand-shaking. "And to you too, Mrs. Smith." Ngumiti siya kay Patricia.
"Thank you daddy!" Feel na feel niya ang pag tawag sakanya ng Mrs, smiling.
"Pasensya na kung hindi na ako naka-sunod sa inyo ng America. Alam nyo naman kapag workaholic."
Umalis na kaming tatlo at pumunta sa bahay. It's good to be home, atlast.
Ayla . . .
Bigla ko siya naalala. Kamusta naman yun? Ang saya na niya siguro kay Marco. Wala na akong balita sakanya simula nung naging sila ni Marco.
"Babe? Are you alright?" Tanong ni Patricia sakin, habang ako nakatingin lang sa may bintana.
"Mhmm. No worries." I didn't even bother to look at her, just for once.
Hiniga niya ang ulo niya sa braso ko, uminit bigla ang ulo ko, pinikit ko mata ko para kumalma.
"I love you." She said.
_____
Ayla POV
Gabi na, hinihintay ko si Marco dito sa isang restaurant na may rooftop, luckily, walang tao doon kaya doon nalang kami maguusap ni Marco.
Me: Saan ka na?
Marco: Paakyat na ako. :*
Me: Sige. :)
Marco: Is there something wrong? :/
Me: Akyat ka lang dito. May kailangan akong sabihin sayo.
Minutes later, nakita ko na si Marco paakyat ng hagdanan, looking perfect with his grey shirt and black pants. Ang buhok niyang naka-gel, na ni isang buhok hindi malagyan sa noo.
"You're making me worried. What is going on?"
Lumapit siya sakin at hawak niya ang braso ko. Mata sa mata. "I'm sorry, Marco . . . " I started, "Hi-hindi ko sinasadyang saktan ka. I mean-"
"Aurora, please, tell me? Wala ka namang nagawa sa ak-"
"Meron!" Inalis ko ang kamay niya at lumayo, tears falling down in my face. Kailangan ko ng itama ang mali ko hangga't maaga pa. "Binigyan kita ng chance Marco. Pero hindi talaga nag-work . . . I'm sorry!"
"What do you mean hindi nagwowork?" Tanong niya, litong lito. Mga mata niya namumula na. "Anong pinag-sasabi mo Ayla?!"
"Akala ko matutunan kitang mahalin! Pero hindi pala. Patawarin mo ako.."
His face turned red in anger. Naluluha na siya.
Uh-oh. You messed up, Ayla.
Hindi ko magugustuhan ang manyayare nito.
"Marc?" Nilapitan ko siya ng padahan-dahan. "I'm-I'm sorry." Sinubukan ko hawakan ang kamay niya, pero inalis niya 'to agad at dumistansya.
"This is about James isn't it?"
" . . . "
"Answer me!" He yelled. Hawak hawak niya ang dalawang braso ko ng mahigpit. "You're still into him?!"
Speechless. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang alam ko lang ay nasasaktan na ako sa paghawak niya sakin. Nung tinignan ko siya sa mata, nakikita ko ang other side niya.
I see the bad side of him.
"Minahal kita Ayla!" Sabi niya sakin. I'm thankful na kaming dalawa lang talaga ang tao dito sa roof top.
"Sandali lang Marc, nasasaktan na ako!" Hindi na ako makahinga. Ang higpit na talaga ng hawak niya sakin. Nanghihina na ako. "Marco please!"
"No! Why are you doing this?"
Tinulak ko siya at nabitawan niya ako, pero nahawak niya din ang mga kamay ko. "Ayla! Answer me!"
May dumating na isang waiter galing sa baba, "Sir? Is there a problem?"
"Wag kang mangelam dito!" Sabi niya sa waiter, pero sakin padin nakatitig. Hindi ko mapigilang umiyak. "Iwan mo kami!"
"Sir, kumalma po tayo, bitawan mo ang babae."
Binitawan ako ni Marco pero in a way na para na niya din akong tinulak, at nahulog ako sa sahig. "Sabing wag kang pakelamero!" Susuntukin na sana niya ang waiter pero tumayo ako at naging shield ng waiter, in short, humarang ako.
"Itigil mo na 'to Marco!" Sabi ko sakanya. "Wag mo siyang idadamay dito!"
"Walang madadamay kung hindi mo 'to nagawa!" Hinila niya na naman ako at kinausap ako. "Alam mo, si James? Hindi ka niya mahal!"
Umalis na ang waiter pababa at mukhang tatawag ng security guard.
"Hindi . . . Itigil mo n-" My knees in the ground, habang hawak niya mahigpit ang mga kamay ko.
"No! I want you to realize, that James is already married, at kahit kailan, hindi na siya mapupunta sayo!" Mas lalo ako naiyak sa nasabi niya, "And you know what? Patricia is pregnant! You know her? James' wife?! She is pregnant for godsake, Ayla!"
Weak. Hindi na ako makahinga. Nawawalan na talaga ako ng lakas.
"Oh c'mon Ayla . . . Move on!"
"Tama na! Nasasaktan na ako!"
"Dapat lang para matauhan ka!"
May dumating na mga lalaki at famillar sila sakin. Bigla ako napatingin sa isang lalaki na lumapit kay Marco at sinuntok ito. Hindi ako sure . . . Ang blurred na ng nakikita ko.
At doon na ang katapusan ko.
