What's up people? Kay tagal ko na namang hindi nakapag-update. Family issues, but oh well. Here it goes.
Gawin na din nating months later chuchu, dahil wala na akong maisip na idea or isusunod sa last chapter eh. :D
.
.
.
.
.
.
Chapter 37
-
Months later.
"Graduation na graduation day, hindi ka manlang masaya!" Sabi sakin ni Casandra, ang ganda niya sa pag-kulot ng buhok niya, at ang mini dress na nag bagay sakanya along with her one inched black heels.
"Sorry," sabi ko sakanya "kinakabahan kasi ako eh. Alam mo naman dami nating kalokohan 'tong nakaraang araw."
Pinalo ako ni Casandra sa braso, "Shut up!" bulong niya "baka may makarinig, ano ka ba!"
Tinawanan ko siya. Ang cute niya kasi kapag nagwawala siya o ano. "Bakit mo naman kinakahiya yun? At least nag work ang pagtakas natin sa school during English Festival last 2 months," sinimulan kong ipaalala sakanya ang nanyare "just to see Daryll before he leaves."
Magbabakasyon nga pala si Daryll kasama ang nanay niya sa probinsya for weeks.
Nalungkot si Casandra, "Namimiss ko na nga siya eh."
"Pasok na nga tayo sa loob!" Sabi ko sakanya, iniiwasan ang drama-love-life ni Casandra, "sino ba kasi hinihintay natin dito sa labas?"
"Yung shadow mo." She said in a sarcastic way.
_____
"Congratulations Batch 2011-2012, you are now officially graduates!"
Finally, habang kami nakatayong lahat ng mga estudyante, hinagis namin ang cap namin at cinongratulate ang isa't isa.
Gabi na natapos ang program ng graduation namin. Yung iba, nagsisi-uwian na. Yung iba, nagseselfie pa. Yung iba, nagbibigayan pa ng gifts. Yung iba, nagyayakapan naman, a farewell hug perhaps.
"Congratulations, Ayla!" Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Casandra may hawak ng 3 red roses.
"Congratulations din, Dara." Niyakap ko siya. "Kanino naman galing yang mga bulaklak na yan?"
Ngiting-ngiti siya, "Kay Daryll! Nakisuyo siya sa pinsan niyang ni Edmar na ibigay sakin 'to."
"Gandang effort." Oo, inggit ako. Ang ganda ng lovelife niya. Sana ako rin magkaroon. "Hindi ka pa uuwi?"
"Pauwi na, kaso pinuntahan na muna kita."
"Uuwi na din kasi ako, gabing gabi na eh."
We said our goodbyes at umalis na sa venue ng graduation namin.
Habang palakad naman palabas ng gate kasama ang parents at ang tita ko, nag vibrate ang cellphone ko at agad kong chineck.
"Congratulations on your graduation day. Eto na ang last text ko sayo at hindi na kita guguluhin. I'm sorry anyways,"
Si Marco 'to.. pero wala na akong load para replayan siya. Kahit papaano naguguilty pa din ako no.
Sumakay na kami at pinaandar na ni daddy ang sasakyan.
"Grabe naman itong daanan dito. Napakalayo at ngayong gabing gabi na, wala nang makita dito." Reklamo ni daddy.
"Dahan dahan lang, papa." Sabi ni mama sakanya "makikita mo din ang daan palabas dito."
Nag ring ang cellphone ni daddy pero nadulas to sa kamay niya at nahulog sa baba. Sinubukan niyang kunin at hanapin ang cellphone pero hindi na makita yung cellphone sa dilim ng daanan.
Nagulat kami sa lakas ng pag-busina ng isang malaking truck. Wala kaming makita sa harapan kundi ang ilaw ng truck na yun sa harapan. "ROBERT!!" Sinigaw ni mama ang pangalan ni daddy, naiwasan namin ang truck, nakahinga kami lahat ng malalim.
Pero, natuluyan pa din kaming nabangga sa isa pang kotse na nakasalubong namin.
_____
Nagising ako ng naka-higa na sa hospital bed. Hindi ko magalaw ang katawan ko. Hindi din ganun kalinaw ang mga nakikita ko, pero may naririnig akong may nag-uusap.
"Take them to the emergency room," sabi ng isang lalaki, I bet he's a doctor.
Tumingin ako sa left side ko-si daddy, nasa tabi ko. Puno ng dugo sa may noo.
"P....ph..papa.." Sinubukan kong magsalita pero hinang hina ako.
"Shh.." Sabi sakin ng isang nurse, "dont move or talk, dadalhin na namin kayo sa emergency room."
Tumutulo ang mga luha ko at hindi ko mapigilang umiyak.
Sinara ko nalang ang mga mata ko, at nawalan ng malay.
Gumising ako ng nasa room na ako. Nakita ko si Casandra at ang doctor, nag-uusap.
"Oh, she's awake." Sabi ng doctor. "I'll leave you two alone,"
Lumabas ang doctor at kinamusta ako ni Casandra. "Ayla! Buti naman at okay ka na. Nalaman ko yung nanyare sainyo kasi nakita namin kayo, nasa unahan kayo."
"S..sa--" hindi ako pinatapos ni Casandra sa pag salita.
"Quiet. Sabi ng doctor, hindi ka pwede masyado magsalita."
"Mama.."
"Your mom...is fine," sabi niya sakin, giving me a small smile.
"Pa..."
"He's...well..good."
Something's not right here. I know when Casandra is lying.
"Magpahinga ka na muna Casandra. Kapag okay ka na, sasabihin ko sayo ang kalagayan ng parents mo. Tita mo, okay naman, napilayan lang. Good thing kasi, malambot lang ang nauntog niya."
Feel kong umiyak. Hindi ako mapakali. Gusto ko makita sila mama at papa.
Makalipas ng ilang oras, sinusubukan ko ng gumalaw-galaw at magsalita. I even tried to sit, and it worked.
"Huy Ayla! Ingat naman jan." Sabi ni Casandra, inaalalayan ako.
"I'm fine, Dara. Don't worry." Sabi ko, humiga ulit ako kasi nahihilo ako. "Kamusta na daw sila mama at papa?"
Casandra froze for a second, "I'll call the doctor first."
Ano bang nanyayare sakanya? Simple lang ang tinatanong ko.
Bumalik siya kasama ang doctor, "Good evening, Ms Francisco. Kamusta ang pakiramdam mo? Wala bang masakit sayo o ano?"
"Wala ho, doc. Gusto ko lang sana itanong kung kamusta ang parents ko?" Sabi ko sakanya, kinakabahan.
The doctor broke the silence after seconds.
"But first, you have to stay calm and...calm." Hindi na alam ang sasabihin ng doctor sa akin. "and listen, alright?"
Tumabi sakin si Casandra, hawak ang kamay ko. Parang hindi magandang balita ang maririnig ko.
"Your mother is fine, madali lang siya maka-recover but she needs to stay na muna pag stable na talaga siya," sabi ng doctor "and as for your father, I'm sorry."
"An-anong ibig nyong sabihin doc?"
"It happens that, natapon ang tatay mo palabas ng kotse sa sobrang lakas ng impact ng pagbangga sa side niya." Doctor explained "he's in coma."
