Eight.

179 1 0
                                    

Chapter 8

"Ang weird ni James. Kagabe kasi, umiiyak siya, kinakausap sarili niya tapos.." Napatigil ako sa pagkwento nung naalala ko yung sinabi niya nung oras na yun.

"Tignan natin ang pagiging good girl mo, kapag nasa akin kana"

Pabulong ko sinabi yung nasabi sakin ni James, habang nakatulala.

"Hoy, okay ka lang ba? Ano ba yang pinagsasabi mo." Sabi sakin ni Casandra.

"May sinasabi sakin si James. I find it weird.... -ow." Sabi ko sakanya.

Andito kami ngayon sa bahay ni Casandra. No school today. Kumakain kami ng indomie ni Casandra sa dining room nila.

"Ano ba sinabi ng James na yan? Inlove kana siguro." Pabirong sinabi ni Casandra, at ako'y naasar.

"Eww, Dara. Never."

Nagring ang phone ni Casandra, I bet si Daryll tong nagtext sakanya. Oh, tawag yata.

"Hello baby," sabi ni Casandra sa phone nya, habang kumakain. "Yes baby, andito ako sa bahay kasama si Ayla."

Ano na naman binabalak tong Daryll na to? Hindi pede maiwan si Casandra magisa dito sa bahay. Hmmm

"Sige baby, kami lang naman dito. Mamaya pa uwi ni mama."

End of phone call.

"Ano meron sainyo ni Daryll?" Sabi ko habang sumubo ng indomie.

"Darating si Daryll," sabi nya at kalmado naman ako, "kasama si James"

Nabulunan ako. "CASANDRA!" Nanlaki mata ko at nakatutok sakanya ang index finger ko. "Baket invited ang James na yan?"

"Okay naman kayo diba? Unting unti nakapag-open up sayo si James at-"

"No." Tumayo ako dala dala ang plato ko, palayo kay Casandra, "ayoko makasama si James. Wag mo din kaming pagtabihin! Ew!"

_____

Nakapatay ang ilaw, lahat kami naka-upo sa malaking couch habang nanunuod ng She's The Man. Katabi ko si James.

No.

Way.

"So," sabi ni James, inakbayan ako, tumingin ako sakanya, "kamusta ang araw mo, aking prinsesa?"

Namumula ako pero hindi pede 'to. Inalis ko kamay niya at lumipat sa ibang upuan. Tumawa si Daryll at Casandra.

"Baby, LQ ba ang dalawa?" Sabi ni Daryll kay Casandra na nakahiga ang ulo sa lap ni Casandra. Tumawa silang tatlo.

"Wala ako sa mood. Kaya wag nyo akong pagtripan," sabi ko sakanila.

"Lagot ka James, anong ginawa mo sa future girlfriend mo?"

"Future girlfriend mo mukha mo, Daryll,"

Nilabas ko cellphone ko sa bulsa pati ang earphones, nag-soundtrip nalang ako.

"Neng, nanunuod tayo, no cellphones and earphones allowed," sinisita ako ni Casandra. Che! Napanuod ko na tong movie na to no.

I rolled my eyes.

"Sandali lang, magluluto nalang ako ng makakain natin after the movie,"

Tumayo at pumunta ng kitchen, naghahanap ng pedeng maluto. Grabe naman tong si Casandra. Walang pagkaen sa ref nila. Shucks. Ako na nga lang bahala dito.

May narinig akong footsteps na papadating dito. May shadow sa likod ko. Agad ako tumingin.

"Sino ka?!" Sabi ko sa taong yun nang hawak hawak ang frying pan.

"Seriously, Ayla?" Si James lang pala. Sana tinuloy ko nalang. "Papatayin mo na nga lang ako, frying pan pa."

Nakatutok padin sakanya frying pan ko, nanginginig ako, "Wag kang lalapit!"

Tumawa si James. "Hindi kita ire-rape,"

Kumalma na ako at binaba yung frying pan. Tumalikod ako sakanya at nagluto na.

Nafeel kong lumapit si James sakin, "Not unless papayag ka."

Badass Boyfriend (Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon