Chapter 2
Nagising ako nang pag tingin ko sa relo ko, "8:33 na!" agad akong bumangon sa kama at lumabas ng kwarto. Pinuntahan ko kwarto ng parents ko, ang sarap ng tulog, may humihilik pa!
"Pa! Ma!" sabi ko habang ginigising sila. "Late na ako!"
"Hmm? Hindi pa.." sabi ni mama, nakapikit pa.
"Fu-" okay muntik na ako magmura. "Ma! Gising naaaaaaaaaaaa!"
At sa wakas dumilat narin si mama. Napabangon sa kama at tumingin sa wall clock. Ginising niya naman si papa. "Papa, late na si ate."
Tawag ni mama kay papa ay papa din, tapos kay mama ay mama din, tapos ako tawag sa akin ate, since may kapatid pa din naman ako ng 8 months.
"Maliligo na ako ha!"
_____
Bumaba na ako sa kotse at nagpaalam na kay papa. Tumakbo ako papunta na ng classroom ko at pagbukas ko,
"Ms Francisco," Shoot, si Sir Eugene, ang pinaka-strict sa lahat ng sub teachers. "Why are you late?" lahat nagsitinginan sa akin.
"Hindi po ako nagising sir. Hindi po nag-alarm yung phone ko." Yumuko ako at sinara yung pinto sa likod ko.
"Upo na. Istorbo ka eh."
Ginawa ko yung sinabi niya. Pero talagang uupo ako no. Nakakapagod tumayo.
Seatmate ko si Dara. "Anong nanyare?" bigla ako kinausap.
"Hindi nga nag-alarm!" sabi ko ng mahinang pagsigaw na pabulong. Ano daw? "Unli tayo 'teh?"
"Absent na naman ba si James Smith?" Tanong ni Sir Eugene. Ah yes, classmate din namin siya, malas nga eh.
"Hindi porket siya may ari ng school na to, pede na siya mag-absent kung kailan niya gusto." Palabas na sana si Sir Eugene nung biglang nag-open ang door, si James dumating na.
"Oh, Mr Smith. Baket ngayon lang?!" Tinaasan ni Sir Eugene ang boses niya. Halatang galit at gigil na gigil na kay James.
Ayaw talaga ni Sir Eugene yung laging late or laging absent. Nakaka-istorbo daw sa lessons niya. Which is true naman talaga. Kung ikaw maging teacher at nagtuturo ka, tapos late ng pumasok estudyante mo, diba?
Hindi pinansin ni James si Sir Eugene at umupo na sa seat niya. Maglakad parang wala lang. Kalmado. Naiirita talaga ako dito sa hayop na to.
Habang nagsusulat ng notes si Sir Eugene, napapansin kong may nagbabato saakin ng maliit na papel. Lumingon ako, si James. Ano na namang problema neto?
"Babe, behave lang po." Sabi ng girlfriend niyang si Hanna. Tabi silang dalawa at ako ang pinagttripan. Nasa harapan kami ni Dara habang si James at Hanna nasa likod pa ng dalawang classmates.
Tuloy padin pagbabato ni James.
Nababanas na ako ha.
Isa nalang.
Isang isa nalang talaga.
Gigil na gigil akong magsulat sa notebook sa sobrang asar ko. Ayaw ko pa naman na iniistorbo ako pag focus na focus sa subject, lalo na pag Physics or Math.
Binatuhan na naman ako ni James.
"TANG INA MO JAMES!" Tumayo ako sa seat ko at tumingin sa likod. Ang tahi-tahimik lang ng classroom pero nagkagulo narin nandahil saakin.
"Yes ma'am?" Sagot sakin ni James ng kalmado padin at pangiti-ngiti.
Lumapit ako sakanya at nagpunit ng 2-3 pages ng notebook na nakapatong sa table niya. Binato ko sakanya harap-harapan.