Chapter 27
Grabe naman tong nanyayare na to. Sunod sunod. Una, nalaman kong engaged na pala si James sa isa pang mayaman pero sinubukan akong ligawan. Tapos ngayon, may nanyari na sa bestfriend ko at kay Daryll.
Kakauwi ko lang galing school, umupo muna ako sa sofa. Ang lalim na naman ng iniisip ko.
Paano kung ituloy ni James ang panliligaw sakin, pero ikakasal padin siya kay Patricia?
Paano kung mabuntis si Casandra? Handa ba si Daryll?
Kanina ko pa tinitignan ang cellphone ko, pero hindi ko alam kung ano ang hinihintay ko na lumabas sa screen.
Ang tamlay tamlay ko. Pagod lang siguro. Pumasok na ako ng kwarto para makapag-bihis na.
Naligo nalang muna din ako para fresh ang dating. Grabe din kasi ang init ng panahon. Nung natapos kong maligo, chineck ko na naman ang cellphone, not sure kung ano talaga ang hinihintay ko.
Nakabalot ang katawan ko at ang buhok ko ng twalya. Pumunta ako ng cabinet para maghanap ng damit nang biglang nag-riring ang phone ko. Pinuntahan ko ang phone ko na nasa bed.
A text message from Casandra
"James is getting married after a week!"
What? Paano? Parang kanina lang, iniisip ko na paano kung itutuloy ni James ang panliligaw niya sakin.
But anyway wala naman akong magagawa kung matutuloy ang kasal nilang dalawa. Sino ba naman ako para pigilan sila? Hindi ko naman boyfriend si James; at hindi nadin yun manyayari, dahil ikakasal na nga.
Pero to think na ikakasal na sila, ang babata pa nila.
Another message ang nag-appear sa screen ko galing kay Casandra.
"Titigil daw si James sa pag-aaral para lang sa kasal nila Patricia. Ang usapan daw kasi, sagot na din daw ng pamilya ni Patricia ang mga kailangan ni James."
How come? Mayaman din naman si James, bakit kailangan pa ang pamilya ni Patricia ang sasagot sa lahat ng pangangailangan ni James? Weird. Hindi kaya, siguro, ginagawa talaga ni Patricia ang lahat para lang matuloy sila ni James?
Hindi ko na makikita si James sa school.
Mabuti nadin siguro yun, para mawala yung feelings ko para kay James. Ayaw kong aminin, pero tinamaan din talaga ako kay James.
Nagreply ako kay Casandra, "So, starting tomorrow, wala na si James sa school?"
Agad naman nagreply si Casandra. "Yes,"
Eto na nga. Magsisimula ako bukas nang hindi ko makikita si James.
May narinig akong nagbukas ng pintuan sa baba. Dumating na sila mama at papa? Nagmadali akong nag-bihis at bumaba para makita sila.
Nakita ko si mama at papa may bitbit na mga pasalubong. Haaa! Meron pang mga take-out na Mcdonalds.
"Hello cupcake," sabi ni mama sakin.
Ha? Kailan pa ako natawag ni mama ng cupcake? For the first time in history.
"Andito ang paborito mong McSpaghetti at coke mo." sabi ni mama ng inabot niya sakin ang Mcdo plastic bags.
Kinuha ko ang plastic bag sa tuwa at dumeretso sa kusina at nilagay ang pagkain sa lamesa. Maya maya narinig ko si mama nagsalita, "Aylaaaa! Mauuna ka talagang kakain? Hintayin mo kami ng papa mo."