Chapter 18
-
What a busy day today. Andito kami sa school at halos lahat naging busy at tinatapos na ang dapat tapusin na schoolworks dahil after 4 days ay bakasyon na. Halos wala nadin kaming break nito. Yung iba naman kumakain nalang ng chips at umiinom ng drinks habang tinatapos ang mga kailangan.
"Neng, okay ka lang?" Kinausap ako ni Casandra. "Mukhang seryosong seryoso ka dyan ah,"
Ngumiti ako. "Kaya ko 'to. Malapit na nga ako matapos eh." Sabi ko habang ginagawa ko notes ko for Economics.
"Ay, Dara. May notes ka sa Chapter 9? Pahiram ako ng notebook mo. Hindi ko nakopya yung nasulat ni Ma'am sa board." Sabi ko at binigay nga ni Casandra ang notebook niya.
Maya-maya may naririnig kaming sigawan sa tuwa sa labas ng classroom. Curious kaming lahat; nang biglang pumasok si Sir Eugene.
"Class. Sem break starts tomorrow." At lahat ay nagsigawan na nga. "Class, walang uuwi hangga't hindi natatapos ang mga activities nyo. Which means, pede kayong mag overtime. Do you understand?" Says the teacher.
"Yes sir." Sabi namin lahat.
"Ano nga ulit yon?" Sabi ni sir. Pinapaulit ang mga sinabi just to make sure na may nakikinig.
"Wala pong uuwi hangga't di natatapos ang mga activities." Sabi ng dalawang classmates.
"And which means, pedeng mag overtime or something basta matapos lang ang work namin." Dagdag ng iba.
"Are we clear?" Sir Euegene asked.
"Opo sir! And thank you." Sabi naming lahat,
At lumabas na ng classroom si sir.
Nilapitan ako ni James. Umupo sa floor, sa tabi ko. "Hi Ayla." He greeted.
Nag hi din ako at ngumiti. Kinikilig ako't namumula habang kinokopya ung notes kay Casandra.
James offered his Maltesers choco. Pinaka-paborito ko sa lahat. Gusto ko din ng Toblerone at Galaxy. "Want some?" Sabi ni James.
Kumuha ako ng isa at bumalik sa pagsusulat.
"Okay ka lang dyan?" Sabi ni James. Tumayo siya at sinisilip yung ginagawa ko. "Bilis mo magsulat ah. Dahan dahan lang baka maputol yung ballpen mo," Inaasar ako. Pero hindi ako napikon. Instead, natawa pa nga ako.
"Malapit naman ako matapos. 2 pages more." Sabi ko.
_____
2 hours later.
Once I'm done sa mga activities ko, since uwian naman din, inayos ko na ang bag ko.
"Ayla?" Napatingin ako sa likod ko, si James lang pala.
"Oh James." Humarap ako sakanya. Pawis na pawis, suot ang kanyang jersey, color violet. Malaking number 18 ang nakasulat, at capital letters ang Smith. I can't help it, pero ang hot niyang tignan. May small towel sa right shoulder. Hawak hawak ang bote ng tubig nya. Puno ng pawis ang mukha at di manlang kayang punasan. Messy dark hair. Namumula mula ang cheeks dahil sa kaputian nito.
"Pede ba kita yayain mamaya sa.... Mcdonalds?" Tanong niya sakin.
"B-bakit?" Tanong ko. Its a date?
Hinawakan ni James ang noo para mapunasan ang tumutulong pawis, "Ano kase.. Gusto lang sana kita makausap." Sabi niya. "Kung okay lang sayo."
"Okay lang." Sinagot ko agad. Tumango ako ng paulit ulit. "Oo. Pede."
"You sure?" Sabi niya sakin.
Aurora Mae Francisco, kumalma ka parang awa mo na. Halatang kinikilig ka!