I didnt know na pede palang mag-edit sa cp. Thanks to my lil cousin, na isang writer din ng wattpad.
So, kamusta ang story? Okay ba? Comment lang. Hhaha! Lovelots xx
***
Chapter 10
Kapag minamalas nga naman! Umuulan na. Paano na to? Ew, kasama ko si James.
"Wala ka kasing kotse, ayan tuloy, BASANG BASA TAYO." Sabi ko sakanya, naglakad ako't iniwan si James. Nakakainis na kasi eh.
Pero to think na, thank you nalang sakanya kasi sinamahan niya ako pauwi.
"Ayla, wait!" Hinabol ako ni James at hinawakan ang braso ko.
"Oh?"
"Pasok muna tayo sa bahay. Baka magkasakit ka, tapos hatid nalang kita bukad pauwi. Ako na bahala sa parents mo."
Is he serious? At saang bahay naman? Kanino? Tapos siya din bahala sa parents ko? Baka nga maghabulan pa kami ni mama nyan eh!
"Hindi, at kaya ko sarili ko. Di ko kailangan ang tulong mo. Thank you." Sabi ko sakanya at naglakad na ako palayo, ulit.
"Uhm, ito po bahay ko, nadaanan na natin." Sabi ni James. Ha?
Napatingin ako sa likod ko. Bahay nga 'to ni James! Patay ako sa papa nito! Baka kung ano isipin. Tinakpan ko bibig ko ng isang kamay at natulala. "Bahay... mo.."
_____
"Ako pong bahala sa anak nyo. Andito naman po sila papa. Bukas na bukas, ihahatid nalang po namin siya." Sabi ni James, kausap parents ko sa telephone, "Yes ma'am, kontakin nyo lang po ako dito at salamat po."
I was sitting, in their huge couch. This place is huge talaga. Grabe. Heaven na heaven!
"Sabi sayo akong bahala eh. Hindi naman nagalit mama mo, kalmado pa nga," sabi sakin ni James, "magsstay ka daw kasi sa bahay ng pinaka-gwapong James sa mundo." Sabi niya at nag killersmile, with matching kindat pa.
"Pssh." Sabi ko sakanya. Habang nakabalot sakin ang twalya sa katawan ko.
Nilapitan ako ng isang katulong, binigay sakin ang susuotin kong pang tulog. Pajama's! In blues. I love blue!
Nakapag-change na ako't lahat. Ready to sleep. Wait, saan ako matutulog?
"Dito ka sa kwarto ko." Lumapit sakin si James, "..sa kama ko." Nanigas ako, tipong frozen nung nasabi niya yun. Sandali, namumula na yata ako.
"Ayokong makatabi ka."
"Sinong nagsabing magtatabi tayo? Ew. Dun ka sa kama ko matulog, ako sa sofa!"
Nag-e-eww na pala si James. Medyo gay. Natawa ako ng konte.
"Oh, ano yang tinatawa mo dyan?" Tanong ni James. Nakatayo sa harapan ko, mukhang seryoso.
Tumayo naman ako at lumapit naman sakanya, "Ew." as I smiled. Ginaya ko sinabi niya. Naasar siya.
Pumunta na ako sa room niya at humiga sa bed niya. Ang ganda ng kwartong 'to. Favorite niya pala blue? Blue na blue kasi eh. Simple lang naman ang room niya.
"Saan kaya siya matutulog.." Napapaisip ako. Napabangon ako sa kama nang biglang pumasok si James. "Anong ginagawa mo dito?!"
"Kwarto ko 'to."
Oh right. "Well, atleast knock!"
"Still, its my room."
Argh. Umupo ako ng maayos at tumuloy siya pumasok. Nakaharap siya sa malaki niyang cabinet na nasa left side corner ng room.
Wait, anong ginagawa niya. "Hoy! Bakit ka dito maghhuhubad!" Sabi ko sakanya ng pasigaw. Half naked si James. Tumingin siya sakin.
"Kwarto ko to." Hay nako. Paulit ulit? "Ikaw ang lumabas ng kwarto."
Tama din naman siya. "Eh, matutulog na ako!"
"Sus. Gusto mo lang ako makitang nakahubad kaya ayaw mong umalis."
Tumayo ako galing sa bed, palabas na sana ng kwarto... Hinawakan ni James braso ko. Ano na naman to. "Bitawan moko."
"Nope." Was his last words.
Pinasandal niya ako sa pader. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ang lapit na naman ni James sa mukha ko. Bakit ba. Grabe tumibok puso ko. Kinakabahan ako.
Tumawa si James, nakapikit mga mata ko, "Nakakahiya naman sayo. Ako nalang ang lalabas, mahal na prinsesa."
Since katabi lang namin ang door, lumabas na nga si James, pero nandito padin ako, nakasandal sa pader, huminga ng malalim. That was close.
Dahan dahan ako sa paglalakad pabalik sa higaan. Nung naabutan ko na ang higaan, humiga ako agad, nakatingin sa taas. Gosh. Ano ba tong nanyayare sakin. Hindi ako dapat kiligin. Sinasampal sampal ko pisngi ko, no wayyyy Ayla.