Thirty-six.

76 1 0
                                    

May lumapit kay Marco at sinuntok ito. Nakaupo lang ako sa sahig, hinang hina. Eyes getting blurry. Basang basa ang mukha ko sa kakaiyak.

"Wala kang karapatang saktan si Ayla!" Sabi ng lalaking sumuntok kay Marco. Famillar ang boses.

Tumawa si Marco, "Hey there bro. Nakabalik ka na ah? See this girl?" Sabi niya, tinuturo ako, "mahal na mahal ko siya pero sabi niya ikaw pa din."

James . . . Andito na si James! Pinunasan ko mga mata ko para makita ng klaro kung si James nga.

"Leave her alone." Sabi ni James, titig na titig sa mga mata ni Marco.

"Or what?!" Sinigawan ni Marco si James. "What you gonna do? Punch me to death?"

Hindi nakatiis si James at namula na ang mukha nito sa galit, sinuntok niya ulit si Marco at nahulog sa sahig. Nag dugo ang labi niya.

Hindi ako makagalaw. Nanghihina ako kapag nakakita ako ng dugo. Bumibilis ang pag hinga ko.

Hinawakan ni James ang braso ko para makatayo. "Tara na. Ihahatid na kita."

Tinulungan niya akong makatayo, at nagpaalam na sa mga barkada niya, "Guys. Ihahatid ko na muna si Ayla. Balikan ko kayo dito. Mag-order na kayo tapos ipatawag nyo yung guard para kay Marco."

"S-sure." Sabi ng isa, gulat din sa mga nanyayare. "Mag-iingat kayo."

_____

Malapit na kami sa bahay, hindi ako kumibo ng ilang minuto, gulat padin ako sa mga nanyare. Hindi ako nakapag-salita. Tulala.

Tumigil yung kotse, nandito na pala kami sa tapat ng bahay ko.

Lumabas ako ng kotse, lumabas din ng kotse si James. Lumapit siya sakin para maalalayan papuntang gate.

"Hindi okay na ako. Puntahan mo na ang mga barkada mo dun." Sabi ko sakanya. Tumalikod ako sakanya pero hinawakan niya agad ng mahigpit. "Ah-"

Binitawan ni James ang braso ko, "Ano pa ang ginawa sayo ni Marco nung hindi pa kami nakarating?" Nahalata niya ang sakit ng braso ko.

"W-wala. Yun lang. Mahigpit lang ang hawak niya."

Nakasuot lang ako ng sleeveless pink floral dress, at grey lace jacket. Hinubad niya ang jacket ko para makita niya ang mga namamagang pasa sa dalawa kong braso.

"Ang bilis naman. Namaga na agad." He joked, "Simula ngayon, wala ng mag-aapi sayo . . . Andito parin ako."

Badass Boyfriend (Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon