Forty-four.

97 1 0
                                    

Late na akong nagising ngayong araw na ito. Buti nalang day off ko ngayon. Lumabas ako ng kwarto ng makita ko si James, kakwentuhan si mama.

What? Anong ginagawa niya dito?

Ngayon ko lang ulit nakita nang masaya si mama. Si James lang naman pala ang katapat nito. Ibig sabihin, ayaw na sa akin ni mama kaya hindi na siya masaya pag ako kasama niya? Haha.

Nilapitan ko sila sa sala. Nag good morning kiss kay mama.

"Gising kana pala, anak. Kararating lang naman ni James." Sabi ni mama sa akin.

"Pero ma, it's saturday, bibisitahin ko si papa." Sabi ko.

"Ay tama!" Sabi naman ni mama. "Pede mo ring isama si James para may kasama ka."

Tumingin lang ako kay James, nakangiti siya sa akin. Bakit kaya? Si papa ang bibisitahin ko, hindi makipaglandian sakanya if ever. Hidi naman ganon kadali sa akin ang lahat eh.

"Uhm.."

"Magbihis kana kaya. Tapos balik kayo dito, maghahanda ako." Sabi ni mama ng dumeretso na siya sa kusina.

Yayain ko sana si mama na sumama, kaso I know she wont stop crying pag nakita niya na naman ang libingan ni papa.

"Okay, wait mo nalang ako." Sabi ko kay James ng dumeretso ako ng kwarto.

***

Nakarating na kami sa libingan ni papa, may dala pa akong mga bulaklak para sakanya. Binaba ko ito at umupo, ginaya naman ako ni James.

"Hindi na kinaya ni papa. Okay na rin yun, kailangan na niyang magpahinga." Sabi ko kay James na nasa tabi ko.

"I miss him so much. Kung pede lang talaga ibalik, baka may magawa pa kami. Baka maiwasan pa namin yung truck nung nadisgrasya kami. Super mahal ko si papa." Tumutulo na pala ang mga luha ko, hindi ko ito agad napansin kung hindi pupunasan ni James ang pisngi ko.

"Be happy for him, he's with Him na." Sabi niya.

I nodded, "Of course I am happy, pero ang aga pa. Paano na kung magkaka-asawa na ako, paano na kung may apo na siya, hindi niya manlang mahawakan ang magiging apo niya." Sabi ko. Medyo advance thinking.

Tumawa siya ng sandali, "He will always be there for you no matter what." Sabi ni james.

"Salamat pala, sinamahan mo ako dito. Kung si mama lang, iiyak na yan eh, kaya di ko na niyaya." Sabi ko.

"Okay lang. Gusto naman kitang samahan eh." Sabi niya "and I want your dad to know na goodboy na ako." Dagdag pa niya.

I smiled, "Edi maganda, kung ganun." Sabi ko, staring at him.

Makalipas ng isang oras ay nagpaalam na kami kay papa. Tumayo na kaming dalawa ni James and ready to go. Pero nakailang sandali, tumigil si James,

"Bakit?" Tanong ko sakanya.

Tumingin si James sa libingan ni papa, "Sir, I just want you to know na pinagsisisihan ko na ang mga nagawa ko at ang mga naging desisyon ko noon," sabi niya, kinakausap si papa.

I raised an eyebrow as he continues,

"Ilang taon na ang nakalipas pero walang araw na hindi ko naiisip si Aurora. I seriously love her, believe me or not," he paused for a seconds, "bigyan nyo po ako ng sign na napatawad nyo ako, at kung pede ko ba siyang ligawan." Sabi niya.

I know it's still morning pero kinilabutan ako sa sinabi niya. Baka bigla nalang magpakita itong si papa. "Huy, wag ka ngang magbiro ng ganyan." Pinalo ko siya.

"Aurora," a moment of silence ng bigla niyang niluhod ang isa niyang tuhod, nanlaki ang mga mata ko but I stay calm. "Will you be my girlfriend? Ah, no, scrath that,"

"Will you marry me?" Tanong niya sa akin ng hinawakan niya ang mga kamay ko.

Ngumiti ako sakanya. "Talagang nagpakitang gilas ka kay papa, ah." Sabi ko ng pabiro.

"I have my ways." Sabi ni James ng nakaluhod parin at kinindatan ako.

"Yes," tatayo na sana si James sa sinagot ko kaso may dinagdag ako, "sa isang kondisyon."

"Haa?"

"Kapag humangin ng napakalakas, magpapakasal ako sayo."

Tumayo si James, "Pambihira. Mahangin naman ah!" Sabi ni James.

"Sabi ko, kapag humangin ng napakalakas." Sabi ko. "Diba humihingi ka ng sign kay papa? So, kailangan, maging mahangin ng super lakas."

Tumingin lang sa akin si James, habang ako nakatawa lang. I'm challenging him. Suddenly, bigla ngang lumakas nga ang hangin. I froze.

Papa, ikaw naba yan?

"I guess your dad heard you," sabi pa ni James.

Napatahimik ako. Talagang lumakas nga ang hangin.

"Binigay ng papa mo ang gusto mong humangin, at yun na siguro ang sign na napatawad niya ako." Sabi niya ng lumakas ulit ang hangin.

Lumapit ako kay James, "I do. I will marry you," masaya kong sinabi.

"Haa? Kanina na yung tanong ko, late kana ngayon." Sabi niya. Okay, napahiya ako, so pinalo ko siya ng malakas. Iiwanan ko na sana siya ng bigla niya akong hinabol.

"Huy biro lang!" Sabi niya ng hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako. "Let's get married."

"Gusto ko bukas," sabi ko.

"Are you out of your mind?!" Biglang reklamo ni James.

"In two days." Sabi ko, "kung wala, I'm sorry, hindi tayo meant to be."

Napakamot ng ulo si James, I laughed.

"Marami pa tayong aasikasuhin niyan! Tapos bukas agad?" Sabi niya.

"Aysus. Kaya mo naman yan eh." Sabi ko.

"Aurora!" Sabi ni James, mukhang nahihirapan na.

Hinalikan ko siya sa pisngi at kumalma siya.

***

AN: Dear future husband, here's a few things you'll need to know if you wanna be my one and only all my life.

The demanding Aurora Mae Francisco. Ang kulit diba?

Sup guys, I'm so close to the end. So be ready everyone! Tho I'm pretty sad na ngayon lang ulit akong naka-update after ilang months, malapit narin palang matapos itong story na ito. But hey, kindly read Truly, Madly, Deeply in my other account. // @MysteriousBabe_

I love you! Mwa.

Badass Boyfriend (Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon