Chapter 4
"Ayla, diba school mate mo to? Ito nga pala ang best friend ko, si James."
Best friends. So meaning, pwdeng ka-ugali din ni Daryll si James, sa pagiging playboy niya? Oh no. Please no.
"Kilala ko siya bro," sabi ni James at tinuro niya ako, "Chiks na chiks." at kinindatan ako.
Sinama ko ang tingin ko kay James. As a sign of, stop the landi shit or I'll kick your ass off look. Akala niya makukuha niya ako sa ganyan? Kahit gwapo pa siya, wala akong pakealam sakanya.
"Ha ha ha, how sweet of you." I said bitterly. With matching roll eyes pa.
Wala na sila ni Hanna tapos ako naman ngayon ang pagttripan? Excuse me.
Naglaro na naman ako sa phone ko ng kung anu-ano nalang para hindi ako mabored o mabanas dito sa unggoy na to.
Nasa coffee bean kami tumambay; ofcourse tabi si Casandra at si Daryll. And as for me and James, nakaupo siya sa isang side ng upuan, at ako nasa labas ng coffee bean.
Para makilala nyo pa si Casandra, siya'y isang babaeng medyo bad girl; naninigarilyo, nagiinom, and stuffs. No, wala pa sa level na adik na talaga siya. Sa yosi, oo medyo, sa pagiinom, medyo iniiwas-iwasan niya.
At ganon din si Daryll, and obviously si James.
Ang hindi ko lang maintindihan, paanong nagkaroon ng lovestory si Casandra at Daryll, na kilala at best friend pa pala ni James.
I smell something fishy.
Nakita ko si Casandra kumakaway sa loob, pinapapunta ako, edi pumasok ako syempre. Nakakapagod din ang tumayo.
"Yeah?" Sabi ko sakanya at umupo sa tabi niya, since malaki naman ang couch.
Binigay niya sakin yung inorder niyang hot chocolate milk para sakin.
"So Ayla," Daryll started, so humarap ako sakanya. "Close ba kayo ni James?"
Not gonna happen. "Hindi." sabi ko sakanya ng paderetso, "and there's no way." as I smiled.
Bitter on the line.
"Kung nakilala mo pa si James ng medyo matagal tagal, mabait din to no." Sabi ni Daryll. Siya? Mabait? Hanggang panaginip lang.
Naalala ko pa nga lahat ng mga kalokohan ng lalaking yan eh; the playboy.
Siniko ni Daryll si James. "Umayos ka bro ha." bulong niya kay James. Para saan pa ang bulong kung rinig din naman?
"Ayla," napatingin ako kay Casandra, "okay ka lang ba?"
"Oo naman." Kahit hindi naman talaga. I feel uncomfortable pag nandyan si James. Ininom ko nalang yung hot chocolate milk ko habang nagtu-twitter sa cellphone ko.
Lahat kami nakaupo ng tahimik. Para bang may dumaan na anghel. Inoobserbahan ko 'tong tatlong to. Busy busy sa kani-kanilang phone. Si James, feel na feel ang pagkaupo, feel at home kuno. Si Daryll at si Casandra naman, naguusap nga pero nakaharap padin sa cellphone nila. Ang sweet nila no?
Hindi na ako makatiis.
"Uh, guys." sabi ko, "Alis na muna ako ha? May bibilhin lang." tumayo na ako.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Casandra.
"Gutom na ako." sabi ko sakanila at lumabas na ng coffee bean.
Ang boring na kaya ako umalis. Nagsasalita na kasi ang tiyan ko. Pumunta ako ng 3rd floor para makabili narin ng pagkain.
Mcdonaaaaaaaaaaaaalds!
__________
Casandra POV
"Sino na nililigawan mo James?" tanong ni Daryll sakanya. "Pwedeng pwede si Ayla eh."
Boys talk. Pero naririnig ko yung pinagsasabi nila. Hindi ko alam pero parang may something sa sinasabi ni Daryll.
Nagce-cellphone ako kunware busy, para hindi nila ako mapansin na nakikinig. Curiosity attacked.
"Chiks pre, no?" sabi ni Daryll.
Naka-upo kami ni Daryll sa malaking couch, tapos may isa pang upuan sa side; which is dun nakaupo si James. Habang naguusap silang dalawa, medyo malayo sakin si Daryll kasi dun siya kay James.
"Ikaw naman, musta kayo ni Dara-Dara?" tanong ni James sakanya at tumawa silang dalawa.
Anong meron?
May sasabihin na sana si Daryll kay James nang biglang tumawag si Ayla sa phone.
_____
3 weeks later.
It was 7 in the morning nung tinawagan ko si Daryll kasi 7th monthsary na namin ngayon. Kilig kilig!
Kapag monthsary namin, lagi kami nagkikita sa may Mcdonalds para kumain, para i-celebrate ang monthsary namin. Tapos minsan, pupunta kami sa bahay ko para manuod ng movies. Minsan nga naaabutan pa nga ni mama si Daryll eh. Yes, legal kami; both sides.
Papasok na ko sa building ng Mcdonalds, and there he is! Tumakbo ako papunta sakanya.
Naks, nakapag-order na ng burger naming dalawa and coke, my favorite!
"Happy Monthsary, Dara."
Kung sa monthsary, may binibigay pang gift, saamin wala na, makasama lang namin ang isa't isa okay na kami. Cheesy no?
"Tara kain na tayo."
Hindi ko narin siguro ikkwento kung paano kami kumain diba? Inubos na namin mga inorder na pagkain or aka burger. Grabe busog!
Guess what kung saan naman ang sunod na pupuntahan? Ofc sa amin. Nunuod kami ng movies.
_____
Papasok na kami ng bahay, nagtataka ako bakit ang dilim. Sinubukan ko i-on and off ang switch. Gahd, nawalan pala ng kuryente.
"Beb, walang kuryente." nasa loob kami ng bahay pero lumabas ulit ako. Takot ako sa dilim eh.
Tinawanan ako ni Daryll, "Kalma ka lang, nandito naman ako eh. Hindi kita iiwan." and here we go again sa cheesy lines niya. HAHA!
Binuksan ni Daryll yung mga curtain para magkaroon ng ilaw kahit sa may mga bintana lang.
"Okay na ba to, Dara?" nakatayo sya sa tabi ng bintana, nakaharap sakin.
"Oo." nag-thumbs up ako at umupo sa malaking couch.
Maya-maya tumabi na sakin si Daryll sa couch at nagpatugtog ng kanta sa playlist ng cellphone niya.
Jonathan Clay - Heart on Fire
Since the couch is too big, nakahiga kami ni Daryll. Nakahiga ako sa dibdib niya. Nilalaro laro ni Daryll yung buhok ko, at dahil dun, nafefeel ko ang antok ko. Patulog na sana ako nang bigla akong tinawag ni Daryll.
"Hm?" tinatamad na ako magsalita eh.
Hinawakan ni Daryll yung chin ko at tinaas niya. Nagdikit ang nose namin. Lips parted. Nafefeel ko yung heavy breathing niya.
At hinalikan na nya ako.
May pagka-hard yung moment na yun. Bigla siya pumatong saakin. I dont know pero parang gigil na gigil kami sa isa't isa. Nakakahingal, na halos ayaw na i-break ang kiss na yun. Maya maya hinalikan niya yung leeg ko. Parang nakuryente buong katawan ko, sa kilig.
Parang may mali, tho ang sarap din sa feeling.
Tinaas na niya ang damit ko, nang biglang nagka-ilaw. Thank youuuuuuuuuuuu, Lord!