Nine.

157 1 1
                                    

Chapter 9

"Ang weird mo James. Akala mo kinikilig ako? Ew, di tayo talo." I rolled my eyes, siya naman dinadaan lang sa tawa.

Busy na busy talaga ang love birds sa kakapanuod ng movie na yun ah.

Please somebody, help me.

"Eh bakit ka namumula kung di ka kinikilig?" He said, may killer smile pa. Oh great.

"Namumula? Its because pinapawisan ako. Namumula cheeks ko kasi mainit, hindi dahil say-"

"Sige sige." Sabi ni James nang naka-peace sign. What the hell. "Hindi na kita guguluhin,"

Sabi ni James habang papalapit na naman saakin. Ako naman, nakasandal na sa ref, hindi ko alam kung saan ako lulusot, palapit na talaga siya ng papalapit. No no no.

"James!" Tinulak ko siya, pero parang di nag-effect sakanya. "Sige ka! Itutuloy ko ang pagpatay sayo gamit frying pan!" Kamay ko naghahanap ng fryin pan na nilagay ko lang sa gilid, mga mata ko naka-focus kay James.

Nasaan na yung frying pan?

"Eto ba yung hinahanap mo?" Sabi nya. Nasakanya na ang frying pan ko. Paano nya nakuha agad? Grabe ha.

Lumayo na si James sakin at nilagay yung fryin pan sa dining table. Ngumiti. "Magluto kana, gutom na ako." And there, he disappeared.

_____

"Spagetti, anyone?" Sabi ko sakanila lahat habang nilalagay ko ang spagetti sa dining table. Pineprepare ang mga plates at baso, and spoons, and forks. "Kainan na, people!"

Lahat sila nagsipasok sa kitchen at umupo na. Sinerve ko sila ng spagetti, nilagyan ng tubig ang mga baso nila. Nagluto nadin ako ng eggs at hotdogs.

Nanlaki ang mata ni Casandra, "Paano ka nakapag-luto? Wala masyadong pagkain or whatever dyan sa ref namin ah."

I smiled, "Sabi ko sainyo, ako na ang bahala." At naki-join na sakanila sa pagkakain.

Actually, habang sila busy manuod, di nila napansin na lumabas ako ng bahay para bumili ng mga kelanganin sa spagetti. Hehe.

Sumubo si Daryll ng spagetti, "Ang sarap naman Ayla." Tuwang tuwa sa spagetti ko.

"Hindi ko alam marunong ka magluto. Masarap, infernes." James commented. Ngumiti nalang ako. Kahit papaano, naappreciate niya ang gawa ko.

"The best ka talagang magluto, neng!" Sabi naman ni Casandra na tuwang tuwa sa pagkain niya. Meron na ngang spagetti, meron pang 2 hotdogs at hati ng itlog sa table niya. Yes, matakaw talaga si Casandra. Hindi naman gaano tumataba.

"Kain kana din, Ayla." Sabi ni Daryll, "Nakaupo ka lang dyan, ineenjoy panoorin kung paano ako nasasarapan sa pagkain na niluto mo."

Tumawa kami. Kumuha ako ng spagetti at isang hotdogs. Lahat kami nagenjoy sa kinakain, hanggang sa nakarating na nga ang mama ni Casandra.

"Good afternoon to you, ladies and..." Ma'am Susan's home na. Standing infront of the kitchen's door.

Alam ba ng mama ni Casandra na nandito kami? With these boys? Alam ba ng mama niya na may boyfriend si Casandra?

"Hi Ma, ito nga pala si James at Daryll," pinakilala ni Casandra ang dalawang 'to. Habang ako, naghihintay ng kung anong pedeng manyare, at meon pag spagetti sa bunganga ko.

"Good afternoon po, tita. Gusto nyo po ng spagetti?" Sabi ni Daryll kay Ma'am Susan.

"Hindi na iho. Mag-enjoy na kayo dyan. Babalik pa ako sa work, may kukunin lang kasi ako dito." As she smiled.

"Isang subo lang Ma!" Sabi ni Casandra, dala-dala ang plato nya, at may spagetti pa sa spoon, susubuin yata mama nya.

Kinain naman ni Ma'am Susan. Ngayon, kinakabahan ako na baka di magustuhan ni Ma'am Susan ang spagetti ko.

Ngumiti si Ma'am Susan abot langit. "Ang sarap naman nito! Sino nagluto?" Tanong niya at lahat tinuro ako.

"Ang sarap naman nito Aurora." Casandra's mom used to call me Aurora, hindi sanay sa Ayla.

"Thank you po tita. Gusto nyo ibaon nyo nalang po?" Agad ako naghanap ng pedeng malagyan sa spagetti.

Tumawa si Ma'am Susan. "Thank you, Aurora. How sweet of you. Ako nalang bahala dyan." As she made her way through the kitchen.

Habang ang tatlo busy kumain, nakapag-kwentuhan kami ni Ma'am Susan.

"So, is he your boyfriend?" Tanong niya habang naghuhugas muna siya ng mga ibang plates kasi di nahugasan ni Casandra.

"Sino po?" Tanong ko sakanya. Obviously si James ang tinutukoy. "Hindi po tita. At hinding hindi manyayare yun." Ngumiti lang si Ma'am Susan.

"You'll never know.."

_____

'Twas already 7pm nung uuwi na ako ng bahay.

"Tumawag na si mama, uwi na muna ako." Nagpaalam na ako sakanila.

Lumabas ako ng bahay nila Casandra nang bigla ako nilapitan ni James, "Hatid na kita." Sabi niya. Aba, gume-gentleman? Spagetti lang naman kinain pero wala akong nilagay na something na bumabait ang tao.

"Hindi na." Ngumiti ako ng papilit at naglakad, naghahanap ng taxi.

"Gabing gabi na. Paano kung may manyare sayo?" Seryoso ang mukha ni James. Pero dedma lang ako.

"Ah hindi. Kaya ko naman," Sabi ko sakanya, left and right ako tumitingin kakahanap ng taxi.

May darating bang taxi?

"Hatid mo na nga ako! Walang taxi na dumadaan eh." Sabi ko sakanya. Ngiting ngiti naman. "Hahatid mo lang ako, wala kang gagawing iba?" Sabi ko sakanya habang nakatutok yung daliri ko sakanya.

"Yes, ma'am."

_____

Naka-ilang minuto ang paglalakad. Ano ba yan! Saan ba nakapark kotse ni James? "Kotse mo, nasaan?"

Tumingin sakin si James. "Wala akong kotse."

"JAMES! Hahatid moko tapos.."

"Magpasalamat ka kasama kita sa paglalakad! Dahil sa ganitong oras wala ng dumadaan na taxi. Eh kung may manyare sayo, edi patay ako kay dad?"

Nagtaka ako. "Dad? Alam nyang magkasama tayo?"

"Oo, sabi niya wag daw kitang hayaan. Tipong, he said be nice." Sabi ni James, ginaya kung paano pagkasabi ng papa nya.

"Robot kana ngayon?"

"Hindi."

Tahimik kaming parehas. At kapag minamalas ka nga naman, biglang umulan!

Badass Boyfriend (Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon