Sixteen.

149 1 1
                                    

Chapter 16

"I'm sorry for what I did talaga. Sana mapatawad mo ako." Sabi ni Elizabeth ng nakangiti.

"I understand." Sabi ko sakanya. Ngumiti din ako.

"Friends?" Sabi ni Elizabeth, doing the puppy eyes. Nag-nod nalang ako.

"Totoo din ba yan?" Biglang natanong ni Casandra. Napatigil kami ni Elizabeth sa eksena. "Wag kang plastik."

"No, I'm not." Sabi ni Elizabeth, tinaasan ng kilay si Casandra.

"Teka teka. Kalma lang ha?" Sabi ko sakanilang dalawa ng hawak ko pareho ang braso nila; sa left hand ko si Casandra, right hand kay Elizabeth. Then I turned to Casandra, "Nakikipag-bati na oh."

"Hindi ako naniniwala dyan." Sabi ni Casandra. "Pakitang tao."

"Paano mo naman masasabing pakitang tao ako? Can't you see, I'm being nice here!" Sabi ni Elizabeth.

Tumawa si Casandra saglit. "Nalaman mo lang girlfriend ni James si Ayla. Kilala kita Elizabeth, kahit gaano kapa kalandi, gagawa ka ng paraan para masira ang meron sakanila ni Ayla at para makuha mo ulit si James."

Hindi nakapagsalita si Elizabeth.

"Ano? Totoo diba? Pero ito lang ang masasabi ko sayo. Hindi na tanga si James para bigyan ka ulit ng isa pang pagkakataon." Ang last words ni Casandra.

"You are real--" Palapit na si Elizabeth, hindi na makapigil, I guess guilty?

Nahabol ni James ang kamay ni Elizabeth na malapit na sa mukha ni Casandra. "That's enough Elizabeth!" James shouted. Hawak ang kamay ni Elizabeth.

"Wag na wag mong mahahawakan o gagalawin si Casandra. Lalong lalo na si Ayla. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." Sabi ng galit na James Smith. Over protective.

Paiyak na si Elizabeth. Binitawan si James ang kamay niya. "If only I could turn back time, I swear to be good lady for you. Its been years but I still love you. I'll always love you!" She's crying. Medyo nagkalat ang eyeliner ni Elizabeth.

"Sorry." James smiled, nang hinawakan niya ang kamay ko. "Sakanya na ako. At hinding hindi na maibabalik ang dating tayo."

Fame hugged Elizabeth. "Sorry, this time I mean it, Ayla. Masyado lang obssesed si Elizabeth kay James so.. Alis na kami." Nagsorry samin si Fame.

"Ako din Ayla. It was all Elizabeth's." Sarah said.

Got to believe in magic. Totoo naba to?

Wala na akong sinabi. Hinayaan ko na sila umalis ng basketball court.

"Okay ka lang?" Tanong ni James sakin. Pero utak ko nakay Elizabeth. I dont know pero I feel guilty. I mean kasi hindi naman kami. Pero si James na mismo nagsabi na ayaw na niya.

Well as a girl, na inlove padin sa so-called past, I know the feels.

Kasi mahal ko padin si Adrian. Ang first ever boyfriend at love ko.

"Ayla." James called again. Kinalabit niya ko.

"Ha? Ah. Oo, okay lang ako. Tara na? Gutom na ako." Sinabi ko, as an excuse. Nakapasa naman sa palusot.

"Ako din. Gutom na ako." Sumingit si Casandra. "Libre mo James ha?"

Napasama tingin niya kay Casandra. "Ano ba naman yan." Nagreklamo pa ha.

"Please?" Sabi ko sakanya. Doing the puppy eyes. Medyo nakakangawit tumingin kay James sa sobrang tangkad nito.

At pumayag nga si James!

_____

SM MALL

Since wala namang magawa sa bahay, edi gumala nalang muna kami kahit saglit lang, pampalipas oras. Kasama si Daryll at ang best friend niyang si James.

Yup. James Smith. Medyo comfortable na ako sa taong to kahit papaano. Iniimbita na nga kami ni James sa bahay nila eh. Medyo okay din makipag-usap ngayon si James sa papa nito. Galing no? Buti nga kahit papano, wala ng sayad si James.

Nagpaalam ako sa kanilang tatlo na magccr muna ako.

Nung medyo malayo na ako sakanila tho nakikita pa naman din nila ako, bigla ako nahulog kasi may nakabangga akong matangkad at malaking lalake. Not that he's chubby but macho.

"Aray!" Sabi ko ng nahulog pwet ko sa floor.

"Miss, I'm sorry." Umupo siya para magka-level kami habang nakahawak siya sa both shoulders ko. "Are you alright? Hindi kasi kita nakita."

Medyo naasar ako sa sinabi niyang yun. Hindi porket na mas matangkad siya sakin ginaganyan ako. Small but terrible nga to pero cute padin!

As I look up, nag eye to eye kaming dalawa. Nanigas kami.

I remember those dark eyes.

That soft red lips.

His messy brown hair.

That face.

Narinig kong may tumatakbo na papalit saming dalawa pero nakafocus padin ako sa lalaking 'to.

"Ayla. Okay ka lang ba?" Si James yun. Tinulungan niya ako agad makatayo.

Tumayo nadin yung lalaki nakabangga ko. "I'm sorry bro, I didnt meant to." Sabi niya kay James. And once again humarap siya sakin, "Miss okay ka lang?"

I nodded. "Sorry din." Sabi ko ng mahina ang boses. Ang tamlay tamlay ko.

Nagring yung phone ng lalake. Bago niya man ito sagutin, "Alright I gotta go. Sorry ulit." sabi niya and then boom wala na siya.

Tanong ng tanong sina Daryll, Casandra at James kung okay lang ba talaga ako. Pero hindi padin ako makasagot. Ilang taon na ang nakalipas, nang bigla nalang siya nagpakita.

"Hindi mo ba siya naalala, Dara?" Humarap ako kay Casandra, hindi padin mapinta ang mukha ko. At maya maya naluluha na pala ako.

"Naalala ko. Pero hind ka niya naalala. So stop crying." Sabi ni Casandra.

Yung mukha ni Daryll tsaka ni James parang curious sa pinagsasabi namin.

"Sino yun? Kilala nyo?" Tanong ni Daryll.

Ngumiti ako ng konte. Knowing that guy is fine after years.

"Yung lalaki na nakabangga ko. Nagkaroon yan ng amnesia. May kausap kasi siya sa phone nung time na yun na nagddrive siya, para lang ibalita niya na nakarating na siya dito galing America. Gabi pa man din yun." Sabi ko sakanila nang napapaluha na ako pero nakangiti padin.

Nakatingin padin ako sa lalaki na yung nakabangga ko. Medyo magkalayo kami. May kasama siyang babae and I guess its his girlfriend.

"Tapos ang dilim pa nun, wala gaanong makita sa daan. Nang biglang may nakasalubong siyang malaki ang truck, mabilis magpatakbo ng kotse, ang lakas ng busina ng truck na yun. Hanggang sa naaksidente siya at malakas ang naging tama sa ulo niya." Tinuloy ko ang pagkkwento. "Hanggang sa kinalimutan na niya ako at di na naibalik ang ala-ala niya."

Wala padin kaalam alam o idea si James at Daryll sa sinasabi ko.

"Sino ba siya?" Tanong ni James.

Pinunasan ko mga luha ko. "Siya yung first ever boyfriend at love ko, si Adrian."

Badass Boyfriend (Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon