Five.

222 1 0
                                    

Chapter 5

Ayla POV 

Nag-alarm yung phone ko ng 5am. School na naman. Nakakatamad pang bumangon ng ganitong kaaga, since 7am kailangan nasa school na.

Umupo ako sa bed, nakapikit pa ang mata. Magulo ang higaan, and so as my hair.

Knock knock, "Ayla, school time na po." si mama, akala siguro hindi pa ako gising.

"Opo ma, gising na po ako."

Gusto ko pang matulog kaso kailangan ko nang maghanda para sa school.

Tumayo na ako at kinuha ko yung twalya ko at dumeretso sa banyo. Nag-toothbrush, naghubad para maligo. Ang lamig! Brrr. 

Makalipas ng ilang minuto natapos din ako maligo at nagbihis na ng uniform, at saka ko nalang din naalala, makikita ko na naman si James.

_____

May hinahanap ako sa shoulder bag ko habang naglalakad nang bigla akong may nakabangga na tao, at dun ako nahulog. Medyo malakas yung pagkabangga, siguro nagmamadali yung tao.

"AH!" sabi ko nang nahulog na ang pwet ko at both hands sa sahig.

 Fail na naman, Ayla.

Pagkatingin ko sa nakabangga ko, napaka-malas naman, si James pala. Ang sama ng tingin niya sakin na parang sinadya ko ang banggain siya. Alam niya naman sigurong dadaan ako diba? Bakit hindi nalang siya mag give way. Hanep!

Tinayo ko sarili ko at kinuha bag ko, galit na galit. "Tumingin ka kasi sa dinadaan mo para hindi masira beauty mo." sabi ni James sakin. Beauty? Ah yes, meron talaga ako nun.

"Sino saatin ang nagmamadali? Ikaw o ako?" pulang pula na mukha ko sa galit. Ang yabang yabang kasi.

Lalakad na sana ako nang bigla niya hinawakan wrist ko, bumulong malapit sa tenga ko,

"Ang cute mong magalit," sabi niya, nafefeel ko ang evil smile niya.

Tinulak ko siya papalayo, mahina lang naman, pero may pagka-harsh ang dating. Ang landi landi niya.

_____

Nasa classroom na ako kasama si Casandra, "Ang daming absent," sabi ko sakanya.

Halos parang iilan lang ang pumasok. Anong meron? Absent pa man din ang teacher namin for 2 subjects. 2 hours walang ginagawa. What the hell?

Pero sige nalang; this is what you call FREEDOM.

Since wala din talagang magawa dito sa classroom, si Casandra nagssoundtrip, nakataas ang paa sa table, may kinakalikot sa cellphone. Nah, hindi makikita yung legs ni Casandra kasi naka PE uniform siya. Isa din tong mala-break the rules eh.

Ako naman, ofc hindi mawawala ang soundtrip, music lover yata to. Mahilig din ako mag drawing, ng kung anu-ano. Mahilig na talaga ako sa arts simula pa nung bata ako. Nakakapag-paint din ako. One time nga ako nag-paint ng kwarto ko; something abstract ang dating. Punong puno ng color paints, markers, pencils, pens, at ect sa kwarto ko na nakalagay sa malaki kong table; drawing table ika nga.

Masyado ko kinakareer tong pinanggagawa ko sa papel ko. Napag-isipan kong lumabas ng classroom.

_____

Naka-upo ako sa ilalim ng puno. Nakalagay ang drawing sketch ko sa lap ko. Huminga ako ng malalim. Ang sarap sa feeling. Nakaka-relax.

HInawakan ko na ang lapis ko ang nagsimula na ulit magdrawing.

Nakailang minuto, natapos din ang drawing ko, thumb ang ginamit ko pang shading ng ginawa ko.

"Hindi ko alam mahilig ka pala sa mga ganyan,"

Napatingin ako sa side ko. Stalker. "Bakit mo ako sinundan?"

"Wag kang feelingera. Dito ako tumatambay pag wala magawa sa klase, lalo na pag nagccutting class ako."

Bad boy, James Smith.

Tumingin ulit ako sa papel ko, "Hindi mo naman kailangan malaman na mahilig ako sa mga ganito."

Umupo si James, at nakatingin sa papel ko. Tumigil ako sa pagddraw.

"Anong kailangan mo boss?" I looked at him, medyo bitter ang look.

Nginitian niya ako na parang inosenteng bata lang. No lies, he looks angelic.

But an evil deep inside.

Tumayo ako at inayos ang gamit ko. Nakaupo padin si James pero nakatingin sakin.

"Nakakairita ka," sabi ko sakanya.

Naglakad ako papalayo sakanya. Nag-earphones ako habang naglalakad. Napatingin ako sa baba, may dalawang shadow,

Napalngon ako sa likod ko. Si James naglalakad, pero kung saan saan tumitingin, mga kamay nasa likod, "Bakit mo ako sinusundan?"

"Nandito ka din pala?" Pang-asar na sinabi ni James. Kunware gulat. Kunware inosente. Kunware walang alam. "Hindi ko alam." as he smiles.

Tinuloy ko paglalakad ko, sumusunod siya na parang bata.

5 minutes later.

Nakasunod padin si James sakin, para na namin inikot ang school nito. Hindi siya napagod. Tumigil ako, tumigil din siya.

"Wala kang magawa sa buhay no?" sabi ko sakanya.

"Bata, paano ka ginawa? Ang cute mo eh." sabi niya at dun ko hinampas ang bag ko sakanya.

I guess natamaan yung mata niya sa matigas na eklavu ng bag ko. Umaray siya, nanlaki mata ko.

I'm soooo in trouble. 

"Seriously, Ayla?" hawak hawak ng isang kamay ang left eye niya. Opps.

"Sorry." What, did I just say sorry?

Ngumiti siya. "Okay lang." Parang may something yung ngiti niyang yun. Hindi ko napansin palapit na siya ng papalapit. At ako naman paatras ng paatras.

"Anong ginagawa mo?" Titig na titig ako kay James. Kinakabahan ako.

Rape? Wag po, wag po, madami pa akong pangarap sa buhay.

Parang glue na glue mga tingin ni James saakin. Yung mukha niya parang nanggigigil na. Hinawakan ni James yung leeg ko at nilapit ang mukha niya saakin. Nagdikit ang ilong namin.

Mainit-init na tinginan..

At dahan dahan niya nilapit ang lips niya sa lips ko.. Namumula na ako.

This can't be happening right now. Is this true?

.

.

.

Naka-upo ako sa ilalim ng puno. Nakalagay ang drawing sketch ko sa lap ko. Huminga ako ng malalim. Ang sarap sa feeling. Nakaka-relax.

Ang sarap ng tulog ko. 

"AYLA!" as I opened my eyes.

What the hell..

Casandra was sitting beside me, hawak hawak ang braso ko. "Okay ka lang? Kanina kapa natutulog eh."

Tinulungan ako ni Casandra tumayo at ayusin ang bag ko, si James nasa likod ko, napatalon ako sa gulat.

"Alam mo ang cute mo din matulog, napapanguso nguso ka ng di oras."

What?! Nakita niya ba akong natutulog? Kanina paba sila nandito?

"Napasarap yata tulog mo na halos kahit sa panaginip nakikipag-halikan ka." sabi ni Casandra, nang-aasar. What the hell.

"Nguso? As iffff."

This is embarrassing.

Badass Boyfriend (Daniel Padilla)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon