Chapter 11
Nagising ako ng 4am and I dont know why. Nakita ko si James nakatulog sa floor.
"You may rest in peace, Smith."
Pabulong ko sinabe, sa sarili ko, na nakatingin kay James. Bitter, I am.
Nagcellphone ako para makapag-twitter at facebook. Sana gising si Casandra; oh well lagi namang nagpupuyat yun eh. Nag facebook ako at tinignan ang online list ko.
Gising pa nga si Casandra!
Tap tap tap. Messaging Casandra.
Me: Dara. Andito ako ngayon kay James. Nakakainis.
Casandra: Alam ko. Natext sakin ni Daryll eh.
Me: Daryll? What?
Casandra: Sinabi kasi ni James kay Daryll na dyan ka matutulog.
Facepalming. Ang bilis namang kumalat ang balita! Baka mamaya niyan, kahit sa school malaman, tapos pagiisipan ng masama.
Casandra: Sabihin mo lang kung may nanyare na ha? Susuportahan kita.
Me: *facepalm*
Casandra: I gotta sleep na neng. I love you! Kaya mo yan. ;)
"Matutulog? Aga naman. Eh hindi naman natutulog si Dara eh." Sabi ko sa sarili ko. Hawak ng mahigpit sa cellphone ko.
"Ang ingay mo."
Nanlaki mata ko. Tinignan ko ng mabilisan si James. Nagising nga. Patay.
"Tutal nagising ako sa kung anumang ginagawa mo, at malaki naman ang higaan ko," sabi ni James habang tumatayo at palapit sa bed, "Dyan ako matutulog. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa matigas na floor."
"Alangan namang malambot na floor."
Nandito na si James sa tabi ko, "Tumabi ka nga dyan!" Sabi niya sakin. At since ngang malaki ang bed nito, malaki din ang space naming dalawa. Phew.
_____
Umaga na. Time check, 9:02 in the morning. Dumilat ako, ang ganda ganda ng gising ko, kasing ganda ng nakikita, nang pag tingin ko sa right side ko, katabi ko pala si James.
"Waaah!"
Napasigaw ako at nahulog sa kama. Medyo malakas ang pagkahulog. Ganun naba ako kabigat?
Napabangon si James ng di oras, nanlaki ang mata, mas lalong naging gwapo dahil sa messy hair niya, at mas lalong hot dahil sa naka-black sando siya.
"Anong nanyare sayo dyan?" Tanong sakin ni James.
"Nakita mo naman akong nandito sa floor diba? Malamang nahulog ako."
"Ano tawag sayo?" Pangasar na sabi sakin ni James. "Umagang umaga, istorbo ka." Bumangon na si James at dumeretso sa cr.
Nasa loob ng kwarto niya ang cr.
Nakailang minuto lumabas nadin siya, ako nakaupo padin sa floor,
"Wala kabang balak tumayo dyan?" Habang pinupunasan ni James yung mukha nya gamit ang towel. "Tumayo ka dyan. Ihahatid na kita sainyo. Istorbo ka eh."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Aba! Sino bang nagsabing dito ako matulog? Diba ikaw? Tapos ngayong magrereklamo ka."
"Oh sige na! Sige na!" Binigay sakin ni James yung damit na susuotin ko na binigay sakanya ng katulong kagabi. "Oh eto, magbihis kana."
_____
Finally, home atlast!
Ding dong
Naghihintay ako dito sa labas ng gate namin. Walang nagbubukas. Nakakapag-taka naman kasi ganitong oras, gising na sila.
"Wala paba Ayla?" Tanong ni James na nasa loob ng kotse, driver's seat, nakababa ang bintana ng kotse.
Lumingon ako sakanya, "Obvious ba? Wala ngang nagbubukas oh." Sabi ko sakanya. Nakakaasar na kasi.
May dumaan na matandang babae sa amin at nakita ako, "Ayla, anong ginagawa mo dito?"
"Ho? Eh kasi, hinihinaty ko sila mama mag bukas ng gate."
Tita ko nga pala, kapatid ng tatay ko.
"Nagtext daw sila sayo. Hindi mo ba natanggap?"
"Huh? Bakit po? Anong nanyare?"
_____
Tumatakbo ako papasok ng hospital. Agad ako pumunta sa reception para maitanong ang room nila papa.
"Ma'am?" I was shaking. "May patient po ba kayong Francisco?"
Chineck ng babae yung listahan ng mga pasyente nila.
"Robert Francisco?" Finally nasabi niya.
Kinakabahan ako. "Opo! Siya po!" Nauubusan yata ako ng hininga.
"Room 243, third floor at the right."
"Thank you!"
Tumakbo na naman ako papunta sa elevator. "Sandali lang Ayla," it was James, hinahabol ako. "Samahan na kita." He looks worried din naman. I didnt know na malabot pala puso nito.
Sabay kami pumasok sa elevator at pinindot ang number 3.
Palakad lakad ako. Hindi ako mapakali. Pinagpapawisan narin ako.
"Ayla, could you please tell me, anong nanyayare?"
Napatigil ako sa paglalakad lakad ko na kahit ako nahilo. Humarap ako sakanya. "Inatake na naman si papa sa puso." Paiyak na ako.
No no no. Wag sa harapan ni James! And think positive, Ayla.
As soon as nag-open na ang door ng elevator, syempre lumabas kami agad ni James at nag right turn kami, hinahanap ko ang room nila.
A white door with R.Francisco plastered in it caught my attention.
"Room 243." Eto na nga!
Agad ako sumugod sa loob ng room. Worried. Nanginginig. Hindi mapakali. Pinagpapawisan.
"Oh, Ayla." Sabi ni mama sakin. Tumakbo ako papunta sakanya at nakita ko si papa nakahiga, mukhang maayos naman din ang kalagayan. "Wag kanang mag-alala Ayla, okay na si papa."
"Anak. Ayla. Okay lang ako." Pumunta ako sakanya at niyakap ko ng mahigpit. "Buti naman 'tay, okay na kayo." Ngumiti ako habang pinupunasan luha ko.
"Oh iho, maupo ka dito." Sabi ni mama kay James.
Tinabihan ko si James at pinakilala siya sakanila. "Ma, si James nga pala."
"Siya naba yung tumawag samin nung pinastay ka niya sakanila?"
"Opo." Sagot ko sakanya.
Natuwa si mama at nilapitan si James. "Ay talaga naman ang gwapo!" Habang pinipisil ang pisngi ni James.
"Maaaaaa." Sabi ko sakanya habang binababa kamay niya na nanggigigil sa pisngi ni James. "ang kamaaaay."
"Ay sorry. Hihi." Sabi niya sakin, tumatawa. "Pero alam mo, bagay kayo ni Ayla."
Tumawa si James. At ako naman, "Ma naman! Hindi kam-"
"Sa totoo lang po tita, girlfriend ko po anak nyo." Sabi ni James,
What? Is he serious? No. Ano magiging reaction ng parents ko tungkol dito?
"Ano? Hindi toto-"
Biglang nagsalita si tatay, "Ingatan mo ang anak ko James ha? Kasi kung hindi, baka ikaw na susunod ang ma-ospital." Papa can be very strict pag dating sa mga ganito. Pero ugh,
"Pa, hindi kami!"
"Anak, okay lang yan, basta wag mong kakalimutan mag-aral ng mabuti ha." Sabi ni mama. "Hindi mo naman sinabi na siya pala ang sinasabi mong inspiration mo."
"Ano? Hindi siyaaaaaaa!"
Tumatawa lang si James.
Oh my gulay. Patay ka talaga saakin James Smith!