PROLOGUE

504 17 2
                                    

"Mom, I'm leaving." Saad ko at tuluyan ng tumalikod at naglagay ng earphones sa tenga at nilagay sa bulsa ang cellphone. Kinuha ko rin ang perang nakaipit sa mesa saka tuluyan ng umalis.

It's first day of school again. It's like  an ordinary day for me. Nothing new. Nothing excites me anymore. School or home. It's all the same. I'm just gonna sleep anyway.

I'm wearing my black plain mask . I always doing it ever since I'm in middle school. I don't want people staring at my face.

Napabuntong-hininga na lang ako saka pumara ng jeep na masasakyan papuntang Andromeda. Two minutes ay may dumaan na nga at nakasakay ako. Estudyante at ang iba ay nagtatrabaho ang kasama ko sa jeep at iyong iba pa ay normal na mamamayan lang.

Hindi ko itinatali ang medyo may kahabaan at laglag na laglag na buhok ko. Tinatali ko lang iyon kapag may practice.

Tumama naman ang tingin ko sa dalawang lalaki na nasa harapan ko at nagbubulungan habang nakatingin sa akin. Hindi na iyon bago. Ganoon parati ang ginagawa ng mga estudyante kapag nakikita ako.

Curiosity can kill them.

Hinayaan ko lang sila. Nanatili lang akong nakatitig sa kanila kaya nahiya at tumingin sa ibang gawi. Nang bumaba ay nauna na rin sila. Ayaw siguro akong makasabay dahil sa ginawa nila.

Staring and whispering while looking at the subject. It's just too rude.

Nang makababa na sa jeep ay agad ko  namang inayos sandali ang palda ko saka na naglakad papasok sa loob ng gate habang nasa bulsa ang isang kamay. Tahimik na naglalakad at nakatingin lang ng deritso sa dinadaanan.

Sa building two nakalagay ang HUMMS-1A. Nahahati sa apat ang HUMMS dahil masyadong marami ang nagtake ng strand na iyon. I guess, ganoon rin sa GAS at STEM. Habang iyong ABM ay hinati rin pero sa dalawang bahagi lang... A-1 at A-2 lang ang sa kanila. Iyong sa mga TVL like SMAW naman ay buo at iisa lang dahil kunti lang ang nagtake ng strand na 'yun pero may iba rin sa TVL mna hinahati rin dahil sa rami nila. Nasa twenty eight lang ata iyong nasa SMAW if I'm not mistaken.

Pagkarating sa loob ng room ay agad ko naman kinuha ang susi ng locker sa bulsa ko at nilagay doon ang dala kung uniform para mamaya sa practice. Wala pa silang announcement about it but hindi ko naman kailangan nun. Makakapasok ako sa practice room kung kailan ko gusto. Inilock ko na ulit iyon saka pumunta sa upuan ko na nasa likuran rin kagaya ng mga lockers namin. May sarili na kaming locker sa room though maliit lang at may locker rin kami sa Building One.

Inilagay ko ang bag ko sa sariling desk at iyon ang ginawang unan saka ipinikit ang mata dahil inaantok ako. Nanatili lang akong ganoon habang hinihintay na dumating ang adviser namin pero hindi ko na namalayan na nakaidlip pala ako. Nagising na lang ako at nakuha ang earphones at nakusot ang sariling mata sandali. Nagtaas naman ako ng tingin sa harapan at doon lang nakita na meron ng Miss sa harapan at nagtatawag na ito ng pangalan.

Itinukod ko naman ang siko ko sa desk at ipinahinga ang baba ko sa palad ko habang nakikinig lang at naghihintay na tawagin ako. Nahawakan ko na lang ang hikaw na nasa tenga ko habang naghihintay dahil wala namang magawa. Nakakabagot.

Maya-maya pa ay tinawag na ang pangalan ko kaya nagtaas naman ako ng kamay kahit papaano. Nakita kung napunta sa akin agad ang mga tingin ng kaklase ko. Halos isang minuto nila akong tinitigan bago tuluyang ibinalik ang tingin sa harapan nang magsalita na ulit ang adviser.

Napabuntong-hininga na lang ako at naihiga ang ulo sa bag at tumingin lang sa bintana. Nasa second floor kami ng building two ngayon.

It's a fine day. The weather is good. The skies are blue while the clouds were purely white. Plus the hummingbirds in the trees.

"...Yvonne?"

Nagpunta naman sa Miss ang paningin ko ng tawagin nito ang pangalan ko. "Yes, Miss?"

"Don't sleep in my class, please." Nakangiting saad nito.

Napabuntong-hininga naman ako saka nagkibit-balikat. "Okay, Miss.", Sagot ko na lang at nakinig na lang sa sinasabi niya. Inayos ko naman ng bahagya ang mask ko na medyo tumagilid ng bahagya siguro dahil siguro kanina sa kakahiga ko.

In second period it's still the same. Calling our names para makilala ng teacher sa subject na iyon. May sinasabi sila at pinapaliwanag sa amin. Pero hindi pa sila nagsisimulang magturo, classic first day of school lang ang datingan.

30 minutes break, recess.

Dumeritso na ako sa caféteria at bumili ng burger at soda saka umalis na rin agad doon.

Pero bago pa makalabas ay may babae ng bumunggo sa akin at nagtitilian sila kasama iyong iba pang mga babae. Napabuntong-hininga na lang ako saka napailing at nagpatuloy na lang sa paglalakad paalis na doon.

Gusto kung kumain sa tahimik lang ng lugar. Iyong walang makakaabala sa akin.

Maya-maya pa ay tuluyan ko ng narating ang rooftop ng building two. Meron pasilungan naman doon kaya hindi ako maiinitan. Naupo ako sa isang silya na nandodoon saka kinuha ang mask ko dahilan para makahinga naman ako ng maluwag. "Time to eat." Nakangiting saad ko at saka kumagat sa burger at nagsalpak ng earphones sa tenga. I want music... especially Nightcores.

I enjoyed the moment while looking at the sky and enjoying the vibes. Ang sarap ng hangin na humahampas sa katawan ko. Ang sarap ng kinakain ko. Ang ganda ng tinitingnan ko at ang ganda rin ng pinapakinggan ko. "This is life." Saad ko pa saka uminom sa soda ko at nagpatuloy sa pagtitig sa magandang mga ulap.

I even see a horse...

Sa mga ganitong bagay ay sumasaya na ako. Nakakarelax lang. Luckily walang tumatambay dito sa rooftop kung nasaan ako.Walang isturbo.

Nanatili lang ako doon kahit natapos na akong kumain. Ipinikit ko lang ang mga mata ko para makapagpahinga sandali. Ibinalik ko na rin ang mask ko dahil baka may biglang umakyat dito ng hindi ko namamalayan at makita ang mukha ko.

I don't want that to happen.

 ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon