"Mom! Dad!" Tawag ko kila Mommy at Daddy ng makauwi na sa bahay. Iyon talaga ang ginagawa ko kapag dumating.
"Baby, nakauwi ka na pala. Sakto, nagluto ako ng meryenda." Nakangiting saad ni Mommy.
"Gutom na nga po ako." Saad ko saka humalik sa pisngi niya saka na hinubad ang patong-patong na uniform ko. Hinubad ko ang blazer ko saka sinunod ang jacket na nasa loob saka iniwan na lang ang pinakaloob na puti. "Nasaan po pala si Daddy?" Tanong ko kay Mommy.
"Andoon sa taas may kinuha lang pero bababa na rin 'yun. Halika sa Dining Room, baby. " Aya ni Mommy kaya agad naman akong sumunod doon.
Pumunta ito sa kusina dahil kukunin niya 'yung spaghetti na niluto niya. Naglagay na rin ang mga Yaya namin ng plato sa mesa kaya nagpasalamat naman ako sa kanila.
Iyong mga Yaya namin dito sa bahay ay mapapagkatiwalaan lahat at walang may sinasabi sa labas ng bahay tungkol sa akin.
Maya-maya ay bumaba na si Daddy kaya agad naman akong humalik sa pisngi niya. Sabay kaming kumain lahat. Ikinuwento ko naman ang nangyari kanina. Lahat sila nagulat ng malamang may nakakilala sa akin at nakita sa mukha ko pero ng sabihin ko na ayos naman na ang lahat ay napanatag naman sila.
Hindi siguro ipagsasabi ni Alladin kung sino ako. Mukha naman siyang mabait talaga eh.
Kinuwento ko lahat ng nangyari sa akin simula kaninang umaga hanggang sa ngayong pag-uwi ko. Ugali ko na kasi iyon na kapag umuwi at maryenda basta kompleto kaming tatlo ay nagkukwento talaga ako.
Pagkatapos naming magmeryenda ay dumeritso na ako sa taas para tuluyan ng makapagbihis ng damit. Kumuha ako sa closet ng malaking t-shirt at saka shorts na maikli. Naghalf bath muna ako dahil puno ng pawis ang katawan ko dahil sa practice kanina.
Kaya nung lumabas na ako ay fresh na fresh na ang pakiramdaman ko. Dumeritso naman ako sa gilid ng kama at doon ipinagpatuloy ang pagtuyo ng buhok ko. Pero bigla kung naalala na e-babackground check ko pala si Alladin.
Kinuha ko naman ang cellphone ko at nagdial ng numero at maya-maya lang sinagot naman nito. "What?" Bored na tanong nito.
"Alladin Harrison, check it. Send the full details to me. Thank you!" Saad ko.
"Okay. Give me five minutes." Pagkatapos nun ay pinatay niya na ang tawag kaya nahiga naman ako sandali sa kama ko at ipinikit ang mata ko pero agad ring nagmulat at kinuha ang blower at pinagpatuloy ang pagtuyo ng buhok ko. Maya-maya ay umilaw naman ang cellphone ko at ng tingnan ay may nakalagay ng 'done. Check it.'
Kinuha ko naman ang laptop ko saka binuksan iyon at binuksan ang senend niya at binasa ang mga nakalagay doon.
"Alladin Harrison. 19 years old. Living in XX village. Wow, exclusive village nakatira. Hm... Parents. Hm... He dated a lot of girls. Playboy... Totoo nga ang sinabi ni Rill kanina. Hm... " Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng info niya at napatango-tango. Wala naman siyang mga kaso o mga trouble na ginawa.
Playboy...
Pft. Meron palang ganun?
Sinarado ko na lang ulit ang laptop ko saka inihiga na ulit ang sarili sa kama at ipinikit ang mata. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising na lang ako ng eight o'clock na ng gabi. Napakusot-kusot naman ako ng mata saka napag-isipan na bumaba para kumain. Paniguradong tapos na sila Mom at Dad. Alam naman nilang nakakatulog ako kapag natapos maligo eh.
"Kakain na ho kayo, Maam Von" Nakangiting tanong ni Yaya Maya.
"Opo. I'm hungry." Saad ko at papikit-pikit na ang mata. Inaantok pa talaga ako. Uminom ako ng malamig na juice par magising saka napatingin sa inilagay ni Yaya sa harapan ko. Rice at adobong chicken. "Kumain na ho kayo?" Tanong ko at tumango naman siya.
Nagsimula na akong kumain at kinamay ko na ang paghawak sa manok dahil inaantok pa talaga ako para magtinidor. Subo lang naman ako ng subo ng kanin saka kumakagat sa hawak na manok.
Nang matapos kumain ay tinulungan na akong pumunta sa kusina ni Yaya at siya na rin ang naghugas ng kamay ko ng makitang antok na antok ako. Sanay na siya dahil ganito talaga simula pa noon.
Maski sa pag-akyat sa kwarto ko at tinulungan niya rin ako dahil baka malaglag ako sa hagdan kapag hinayaan niya ako. Nakapikit na talaga 'yung mga mata ko habang naglalakad at minsan ay bubukas lara tingnan kung nasaan na kami at agad ring pipikit ulit dahil sa antok. Dahil masyadong maraming hagdan ang bahay namin ay nahirapan at natagalan kami bago nakarating papunta sa kwarto ko. Halos paisa-isa pa naman 'yung hakbang ng paa ko. Natatawa na nga si Yaya sa akin habang tinutulungan ako eh.
Nang tuluyan ng makarating sa room ko ay deniritso naman ako ni Yaya sa banyo para mapagsipilyuhan. Imbis na naiinis ay natutuwa pa siya sa akin dahil para raw akong bumalik sa dati noong bata pa ako. Namiss niya na raw na gawin iyon kaya masaya siya na nagagagwa niya iyon ngayon ulit.
Siya 'yung nagtoothbrush sa akin at siniguradong malinis na lahat ng ngipin ko bago tuluyang umalis doon sa banyo. Pinahiran niya rin ang bibig ko dahil may naiwang mga bola at tubig doon. Saka niya ako dinala sa kama ko at inihiga roon. Siya rin ang umayos ng mga unan ko at pagkakapwesto ko. At 'yung nga gamit ko ay inayos niya rin muna bago tuluyang umalis sa kwarto at nagpaalam na aalis na para bumaba.
Masyado na talaga akong inaantok at hindi ko na talaga maidilat ang mga mata ko. Pero hindi pa rin kinakain ang huwesyo ko ng antok kaya gising pa rin ang diwa ko. Ramdam ko ang pamamait ng mata ko dahil sa antok. Tumihaya ako ang higa saka bumukas ang bibig at nayakap na lang ang stuff toy na nasa gilid ko saka tuluyan ng kinain ng antok at nakatulog na ng sobrang himbing at dinala sa magagandang panaginip ko.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Teen FictionYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...