Umakyat muna ako sa kuwarto ko para makapagpahinga. Si Alladin naman ay may pupuntahan lang sandali dahil may kailangan siyang gawin.
Mabuti na rin itong hindi muna kami magkasama kahit ilang sandali lang. Maikakalma ko yung puso ko at buong pagkatao ko. "Nababaliw na ata ako." Usal ko habang nakatingin sa kisame pero agad din na binalot ng hiya ng maalala ang nangyari kanina. Nagpaikot-ikot ako sa kama habang sinusuntok ang unan ko. Sigaw ako ng sigaw habang binabaon ang mukha sa unan.
Sobrang nakakahiya talaga!
Kumain ka pa yung sinabi niya tapis kainin kita yung narinig ko. Hayop na pandinig! Pinaglalaruan ata ako ng pandinig ko. Pero in a hard core way.
Gusto kung umiyak!
Nagpatuloy lang ako sa pagsigaw at pag-ikot-ikot sa kama ko hanggang sa tuluyang mapagod. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko pero agad din namang nakita ang mukha ni Alladin.
"Bakit ba ayaw mo akong tantanan, Alladin? Ano pa ang gusto mo? Hulog na hulog na ako sa'yo, oh." Nakangusong saad ko at bumuntong-hininga saka tumayo na lang at dumeritso sa veranda ng kuwarto.
Napangiti naman ako kaagad nang dumampi sa balat ko ang preskong hangin. Napunta naman ang paningin ko sa magandang karagatan. "Sobrang ganda talaga rito." Hindi talaga nakakasawang tingnan ang tanawin dahil sa sobrang ganda nito.
Unti-unti namang napunta ang paningin ko sa dalampasigan kung saan may mga batang naglalaro. Ang saya-saya lang nilang tingnan. Mukhang enjoy na enjoy talaga nila ang paghahabulan sa buhanginan. Naalala ko naman ang ginawa namin kahapon ni Alladin. Naghabulan din kami sa buhanginan habang tumatawa.
Masaya ako kapag si Alladin ang kasama ko. Nakakalimotan ko ang mga problema ko.
Hindi rin issue sa kaniya ang pagkatao ko. Hindi niya ipinagkalat ang totoong ako sa likod ng mask na suot ko. Nanatili siya sa tabi ko at gumagawa ng paraan para mapangiti ako. At siya lang yung lalaki na nagustuhan ko.
Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil lumakas na naman ang kabog niyon. Tuweng si Alladin ang naiisip ko ay bumibilis at lumalakas ang tibok ng puso ko.
Gusto ko si Alladin, oo. Pero posible kaya na mahal ko na siya?
Mahal ko siya?
Mahal ko nga ba siya...
Nakagat ko naman ang labi ko nang sumagot kaagad ang isip ko ng oo.
Mahal ko si Alladin...
"Pero mahal niya rin kaya ako?" Mahinang tanong ko at dumapo ang paningin sa isang pamilyar na tao. Si Alladin iyon... at may kausap itong babae. Isa iyon sa grupo na kumakanta kagabi. Siya yung babae na kumakanta kagabi.
Napahigpit naman ang hawak ko sa dibdib ko nang makita ang mga itong masayang nag-uusap. Nagtatawanan ang mga ito na tila ba may masayang pinag-uusapan.
Iyon ba ang kailangang gawin ni Alladin na tinutukoy niya? Ang makipag-usap sa babaeng iyon? Ano naman kaya ang pinag-uusapan nilang dalawa?
Dapat ba akong magalit? Dapat ba akong matuwa? Dapat ba akong malungkot?
May karapatan ba akong maramdaman iyon?
Ano ba ako ni Alladin? Kaibigan? May karapatan ba ang kaibigan na magselos sa mga ganitong sitwasyon?
Wala.
"Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nagseselos ako tuweng may kasama kang iba, Alladin? Bakit nasasaktan ako sa mga kaunting bagay na 'to..."
Naramdaman ko ang luha ko na dumaloy sa pisngi ko pero hindi ko nagawang pahiran iyon. Nanatili lang akong nakatingin sa kanilang dalawa.
Ito ang dahilan kaya ako natatakot na umamin. Baka kapag umamin ako ay magkaiba para ang nararamdaman natin sa isa't-isa. Baka kapag umamin ako ay masaktan lang ako...
Pero bakit ngayon na nasasaktan ba ako? Wala pang sinasabi si Alladin pero nasasaktan na ako.
At hindi ko mapigilan na masaktan dahil kusa ko na lang iyong nararamdaman.
"Dito ako mahina. Nagiging mahina ako pagdating sa pag-ibig na 'to. Umiiyak ako pagdating sa'yo, Alladin." Natatawang usal ko at tuluyan ng pinahiran ang luha ko at malakas na bumuntong-hininga.
Napagdesiyonan ko na lang na bumalik na sa loob ng kuwarto ko. Bawat paghakbang ko ay walang kasing bigat. Bawat galaw ko ay gusto kung umiyak.
Bakit gano'n...
Wala naman akong dahilan para magselos pero bakit nagseselos ako? Nag-uusap lang naman ang mga ito pero bakit nasasaktan ako?
Naupo na lang ako sa gilid ng kama ko at nayakap ang mga tuhod ko. "Aasahan ko ang sagot mo mamayang gabi, Alladin. Tatanggapin ko kahit ano man ang maging desisyon mo. Kahit ano pa ang maging sagot mo..."
Kung gusto mo pa rin ba talaga ako o may bago ng nagpapatibok diyan sa puso mo.
Nagtuloy-tuloy na ang pag-agos ng mga luha ko. Kusa na lang ang mga iyong tumulo sa hindi ko malamang dahilan. Parang gusto ko na lang bigla na umiyak. Sumisikip ang dibdib ko at parang hindi ako makahinga ng maayos. Parang bawat pintig ng puso ko ay nasasaktan ako.
Dahil lang sa nakita ko ay nagkaganito na ako.
Wala namang masama sa nakita ko dahil nag-uusap lang naman silang dalawa.
"Hindi ko na maintindihan ang sarili ko." Natatawang saad ko at naihilamos na lang ang mga palad ko sa mukha ko. "Hindi ko alam na napakaselosa ko pala." Dagdag ko pa at nagpatuloy sa pagtawa hanggang sa mapunta iyon sa iyak. Para akong nababaliw dahil sa ginagawa ko.
Nahiga na lang ako sa kama at napatitig na lang sa kisame. Ramdam ko pa ang pagtulo ng luha ko na agad ko namang pinunasan. "Kailangan mong kumalma, Von. Magtiwala ka kay Aladdin. Magtiwala ka sa kaniya. Kailangan mong kumalma. Kailangang maayos lang tingnan kapag nagkita kayo mamaya." Pagsasabi ko sa sarili at nagsimulang ikalma ang sarili. Hindi ako tumigil hanggang sa hindi nauubos ang mga luha ko at hindi kumakalma ang buong pagkatao ko. Inhale-exhale lang ang ginawa ko sa halos ilang minuto para maikalma ang sarili ko na halos hindi ko na makilala. Hindi ko alam na may ganito pala akong bahagi na pagkatao. Ngayon ko lang nalaman at si Alladin pa ang dahilan.
Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko at effective naman. Pero hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong dinadala niyon sa pagtulog.
BINABASA MO ANG
ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]
Novela JuvenilYvonne Trinity, a girl who always wear mask. No one can see her bare face upclose or even in distance. Other students say that maybe she's just so ugly that's why she always wear mask. Only her teammates know how her face looks like but they never s...