18

40 6 0
                                    

"I still love you too..." Saad ko habang nakatingin ngayon sa babaeng  nasa harapan ko. My ex. The one who left me. The one that I love. Iyong taong gustong-gusto kung makasama ulit.

Agad ako nitong nayakap at nayakap ko rin siya ng sobrang higpit. Sa ilang taon ay hinintay kung mangyari 'to at ngayon ay nangyari na nga.

"I'm glad that you came back to me again." Saad ko at iniharap siya sa akin.

"And I'm happy that you still love me, Alladin." Nakangiting saad niya at niyakap ako ulit.

Sobrang saya ko ngayon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at gusto kung sumigaw dahil sa tuwa.

"Akala ko ay galit ka sa akin. Akala ko ay itataboy mo na ako. I thought you have a girlfriend now. Kaya nagdalawang isip pa ako kung magpapakita pa ako sayo." Dagdag niya pa at humigpit ang pagkakayakap sa akin.

"I don't have. But... I like someone but it seems that she doesn't like me back." Pag-amin ko ng totoo at naalala si Von.

I confessed to her. But she said no response. She doesn't see me more than her friend at all.

"I want to met that someone then. I want to know her." Saad nito at hinarap ako. Agad naman akong ngumiti at tumango.

"Sure." Masayang saad ko. Napatitig naman ito sandali sa akin kaya natawa naman ako sa kaniya. "What?"

"Nothing. By the way, ang galing mo kanina." Pag-iiba niya sa usapan. Napakamot naman lang ako ng ulo.

"Sadyang magaling lang talaga ang partner ko kaya kahit papaano ay nagmumukhang magaling rin ako." Ang galing-galing kanina ni Von. Ang ganda niya din.

Saan na pala siya?

Siguro nagtatago na naman dahil sa dami ng tao.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kaniya. Napanguso naman ito saka umiling.

"Hindi pa eh. Nagmadali akong pumunta dito nang malaman ko na may pa event kayo na ganito at isa ka sa mga sasayaw. Hindi na ako nakapag-umagahan para makapaghanda at makapunta agad dito." Sagot niya kaya agad ko naman siyang dinala sa cafeteria. Lampas tanghali na ngayon tapos hindi pa siya kumakain.

Pagkarating sa caféteria ay agad akong bumili ng makakain naming dalawa dahil hindi din ako nakapagtanghalian.

Kumain naman kaming dalawa sa isang bakanteng table at nag-usap muna.

Masayang-masaya talaga ako na makita ulit siya. Ang dami kung gustong itanong at ikuwento sa kaniya.

"Kamusta naman sa States?" Tanong ko sa kaniya.

"Masaya. Ang dami kung nakilalang mga bagong kaibigan doon. Ang lamig-lamig din at maganda ang mga tanawin. Sa school naman ay hindi nalalayo sa school natin dito." Masayang pagkukwento nito kaya napangiti naman ako.

"You're still the same." Saad ko habang nakatingin sa kaniya.

"How about you? Are you still a playboy?" Tanong niya kaya napaubo naman ako na ikinatawa niya naman.

"You really believe that?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Actually, I don't. But it's fun to tease you." Humagikhik ito kaya napanguso naman ako.

Nagpatuloy lang ang usapan naman habang kumakain. Panay ang tawa nito sa tuweng naiinis ako sa mga sinasabi nito. Kagaya pa rin siya ng dati na palaging tumatawa. Isa 'to sa mga nagustuhan ko sa kaniya.

Dumaan ang oras at umalis na kami sa cafeteria matapos kumain. Naisipan niya na maglibot sa Andromeda kaya sinamahan ko naman siya.

"Do you have a friend this school year?" Tanong niya kaya agad naman akong tumango saka ngumiti.

"Yeah. She's really kind and cool." Sagot ko habang inaalala si Von.

"Kwento ka naman tungkol sa kaniya o kung paano mo siya nakilala." Nakangiting saad niya pa.

"Siya 'yung babaeng hindi pumapansin sa akin. Tuweng dadaan ako ay parang hangin lang ako sa kaniya. Hindi niya man lang akong nakuhang matingnan. Kaya nainis ako at gusto siyang makilala. Palagi kasi siyang may suot na mask at ang mysterious niya ring tao. Kaya masyado akong na-hook na kilalanin siya. At nang makilala nga siya at makita ang mukha niya ay napahanga na lang ako. Simula nun ay palagi na akong sumasama sa kaniya. Gusto ko talaga siyang makasama lalo na at ang bait-bait niya pala. Marami kaming pagkakatulad na dalawa. Ang daming bagay na magkasundo kami." Pagkukwento ko habang nakatingin lang sa dinadaanan namin.

"So... That someone you like is your friend, huh?"

"H-Ha?" Tanong ko dahil sa sinabi niya. Ngumiti naman ito at naupo sa isang bench na nadaanan namin.

"Ang saya-saya ng ekspresiyon mo habang kinukwento ang kaibigan mo, Alladin. Para bang inaalala mo ang mga pinagsamahan niyong dalawa. Hindi ako tanga para hindi malaman na gusto mo siya." Saad niya kaya natigilan naman ako saka agad na bumuntong-hininga at naupo sa tabi niya. "Maybe you didn't love me anymore, Alladin. You just said that because you want me to stay." Nakangiting saad niya habang nakatingin sa harapan.

Natahimik naman ako dahil parang hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang ayaw bumukas ng bibig ko.

"Your feelings for her surpassed your feelings for me. No, baka noon pa talaga ay nawala na. Sadyang iniisip mo lang na meron pang natitira. Iba na 'yung tingin mo sa akin noon at kung paano mo ako tingnan ngayon. Malayong-malayo 'yung mga tingin mo sa kaniya at sa tingin mo sa akin."

Natigilan naman ako at napalingon sa kaniya pero ngumiti lang ito sa akin ng matamis. "Iyong pares mo kanina sa sayaw. Siya 'yung kaibigan na gusto mo, diba? Nang makita ko pa lang kayong sumasayaw at kung paano mo siya tingnan. Alam ko na. Alam ko ng may bago ng laman 'yang puso mo at hindi na ako 'yun. Siguro baliktad na 'yung sitwasyon ngayon, Alladin. Ako 'yung gusto mo at makasama bilang kaibigan. Habang siya naman 'yung mahal mo at gusto mong pakasalan."

"Thess..."

"I guess that you finally find the right person for you. Maybe we should give up to our past and started to build a new one, right? Pinapaubaya na kita sa kaniya. Alam kung sa kaniya ka lubos na sasaya." Saad niya at tumayo at naglakad palayo hanggang sa hindi ko na siya makita.

 ASH SERIES 03: THE PLAYBOY'S NAME IS ALLADIN [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon